STELLA POV 4 pm na ng makarating ako sa tapat ng hospital kung saan na confine si Joel. Natuwa ako, kinilig at masasabi kong sulit na sulit ang pagod ko nang makatapak ako sa labas ng hospital. Papasok pa lang ako ng makita ko na kaagad si tito Henry na nakasuot ng gray na tshirt at pantalon. Halata ko sa kanya ang pagod at puyat, nanlalata ang mukha niya at namayat pa siya. Siguro ay matindi rin ang dago sa kanyang buhay. Isang simpleng magsasaka lamang si tito Henry at ito ang nagturo sa akin kung paano ang tamang diskarte sa bukid. Nang makita niya ako ay ngitian ko siya, gumuhit ng tatlo ang kanyang noo at tiningnan niya ako ng maigi. Alam kong mayroon nang katandaan si tito Henry at may mga pagkakataon na nagiging hulyanin pa siya. "Tito, ako po ito, si Stella, hindi niyo po ba ako

