STELLA POV Matapos kong mag hugas ng mga pinggan ay pumasok na ako sa kwarto namin ni Joel. Medyo magulo ang kwarto namin. Ito talagang lalaking 'to ay napaka pasaway. Sinasabi ko na sa kanya na kapag bumangon siya ay iligpit niya ang mga kalat sa kwarto namin ngunit para akong nagsasalita sa hangin sa tigas ng ulo niya. Nababagt akong magpahinga kaya naman ako na ang nagkusa na iligpit ang higaan namin at palitan ang punda. Napansin ko na yung kumot ay bagong labas kaya napatingin ako sa aparador, pagtingin ko dito lumihis ang mga mata ko sa bag ko sa gilid. Parang nagalaw ito kasi naiba ang posisyon. Lumapit ako at binuksan ko ang laman nito. Kinabahan ako kasi akala ko ay wala nang laman ngunit nandito pa ang malaking perang nahuthot ko kay Mr. Simon noong lumayas ako. Nakahinga a

