Habang naririnig ko ang mga putukan sa labas nanatiling nasa tabi ko si Kill at walang imik habang hawak ang kanyang baril at cellphone at ako naman ay nanatiling nakahiga sa kama at walang ginagawa, malaki kasi ang tiwala ko sa mga tauhan ni Daddy na hindi ko na kailangan pang mag-alala. Hindi naman siya siguro makakarating dito ng buhay kung papasok siya. Oo, may kaya nga itong lumaban at may kasalanan ang pamilya ko pero isang pagkakamali ang ako ang pinunterya nito, hindi porket ganito ang sitwasyon ko hindi na ako makakalaban at matatalo na ako ng kung sino baka nakalimutan nila na nandito pa si Kill. Pero hanggang ngayon sinusumpa parin ako ng pamilya ni Kill na dati ko din namang pamilya, hindi ko alam na aabot sa ganito ka tagal ang galit nila sa akin. Napaghiganti ko nga ang k

