Chapter 111 Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko habang nakikinig sa usapan nina Kite at Nathaniel dito sa aking silid at habang nakikinig ako wala akung ibang magawa kundi ang mapabuntong hininga nalang ng malalim. Hindi ko alam kung problem aba ito o sadyang pinaglalaruan na naman kami ng tadhana, larong sobrang sakit-sakit na at hindi ko alam kung makakaya ko parin itong isipin lalo pa at may problema din naman ako, naaawa na ako kay Daddy sobrang raming trabaho at kahit ang sarili nito ay hindi na niya naasikaso. “Isa siya dati sa mga pamilyang nadamay ng may barilan na naganap sa highway ilang taon na nag lumipas, namatay ang anak at asawa nito ng matamaan ito ng ligaw na bala kaya ngayon naghahabol siya at maghihiganti,” kahit saan namang banda naiintindihan ang lalaki kung ako d

