“Putangina Celine ang baho!” gusto kung humagalpak ng tawa dahil sa naging sigaw ni Nathaniel sa akin habang papasok palang kami sa tunnel ng tren at halos masuka na din ako pinipigilan ko lang hindi kagaya ni Nathaniel na baliw. Dahan-dahan ko siyang nilingon na ngayon ay nasa mukha na nito ang kanyang panyo at nakatabon. “Baka mahimatay ka,” labas sa ilong kung saad sa kanya na naging dahilan para tignan na naman ako nito at inirapan. “Tiisin mo nalang,” natatawa nalang ako sa kanya dahil mas lalong sumalpok ang kilay nito. Itinuloy ko nalang ang paglalakad ko habang nakikinig sa mga reklamo ni Nathaniel. Sadyang ganyan na talaga ang bunganga ng lalaking ito. Inilibot ko ang paningin ko sa buong tunnel kung saan tanging ilaw na nanggagaling lang sa labas ang nagbibigay liwanag sa amin

