Naitukod ko ang samurai ko habang iniinda ang sakit ng paa ko kung saan umaagos ang dugo dahil sa malakas na atake ni Gwyn at hindi ko nasalag. Habang tumatagal ang laban naming dalawa nanghihina ako habang siya paliksi ng paliksi ito ang epekto ng drugs sa katawan ko at hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng drugs kay Gwyn. Tinignan ko ito na hanggang ngayon para itong sinasapian kung gumalaw ang kanyang mga ulo at paa, putangina naman! Halimaw nga talaga ang kaharap ko ngayon! “Mukhang hindi muna ako kaya Celine,” tinignan nito ang paa kuna umaagos ang dugo habang dinidilaan ang kanyang ilalim bahagi ng kanyang labi kahit na marami na itong dugo. “Hindi muna ako kinakaya kita mo nasugatan na kita baka sa susunod mapuputol kuna ang paa mo,” gusto kung itarak sa mukha niya ang hawak

