Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mukha nito habang nakatingin sa akin ng sabihin ko ang mga salitang iyon na kahit si Cloneth ay humigpit ang hawak niya sa akin na totoo naman at alam naman ni Cloneth kung ano ang kaya kung gawin at kung sino ako. Hindi naman ako nagbibiro sa sinabi ko dahil talagang gagawin ko iyon at hindi ako magpapapigil sa kanya. Hindi naman ako natatakot sa kanya bakit sino ba siya? “Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa kanya pero iyon na ang huling beses na masasaktan mo siya dahil hinding-hindi ko hahayaan na lumapat pa ang madumi mong kamay sa kanya,” naging malamig na ang boses ko at mas lalong nilapit sa akin si Cloneth. “Sa tingin mo hahayaan kitang makuha mo siya ulit para ano? Para saktan siya? Sabihin mo kung ilang milyon ang ginastos mo at ngayon

