Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kakambal ko habang ginagamot ni Mommy ang sugat nito sa balikat o magagalit ako dahil nagpadala siya sag alit niya pero kung ako naman ang nasa posisyon nito talagang magagalit ako ng sobra-sobra kung ganon na ang ginawa nila lalo pa at kasama niya pa si Cloneth pero wala ng sinabi sa amin si Sky sigurado ako na may nangyari pang iba talagang ayaw niya lang sabihin sa amin kaya gusto ko iyon malaman pero kahit si Cloneth ay walang sinabi. Kung ano ang sinabi ni Sky iyon din ang sinabi niya alam ko talagang may kakaiba dahil naging iba na ang tinginin nilang dalawa lalong-lalo na ang kapatid ko. Sinabi sa amin ni Sky ang nangyari lahat kanina sa mall at mukhang malalagay na naman sa balita ang pangalan namin hindi naman kasi gaanong kilala si Regor na

