Habang nakaupo kami ni Kill sa silid kung saan ako nagising kanina hindi parin ako nito binibitiwan simula kanina, mahina nitong hinahaplos ang kamay o di kaya ang likod ko para lang tumigil ako sa kakaiyak. Lahat naman kasi ng sinabi sa akin ni Kill ay totoo pero talagang hindi mawawala ang sakit na nandito sa puso ko, alam kung habang buhay kuna itong dadalhin ang sakit at konsensya pero tangina lang talaga! “Im pregnant Kill,” kaagad kung saad kay Kill kahit alam kuna namang alam na niya, oo masaya ako dahil buntis ako pero hindi mawawala ang takot at pag-aalala na nandito sa puso ko iniisip palang ang kakaharapin naming problema. “Ayaw kung pati ang anak natin Kill mawala sa akin hindi kuna kakayanin Kill,” muli na naman akung naluha dahil sa sinabi ko at hindi ko lubos akalain na isa

