Habang nasa tabi ko sina Nathaniel at Tetsuya at may kung anong tinitignan sa lik od at kamay ko habang si Tetsuya ay may sinusulat sa kanyang notebook. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na buntis ako sa ganon kabilis na panahon. Hindi talaga ako umasa na mabubuntis ako kaya talagang nagulat ako ng sinabi ni Nathaniel na buntis ako. Ang sabi sa akin ni Nathaniel naging mabilis ang pag process ng bata sa tiyan ko dahil narin sa drugs na nasa katawan ko pero ang ikinatatakot namin ay dahil magiging kagaya ko ang anak ko, akala nga nina Nathaniel mawawala ang anak ko pero hindi naman at iyon pa ang pinag-aaralan nila. “Hindi ko alam kung makakaya ba ng bata ito Celine pero iisipin ko palang masyadong delikado ang pagbubuntis mo at anytime pwedeng mawala ang anak niyo,” naiintind

