Sa pagdilat ng mga mata ko ang lamig kaagad ang naramdaman ko at ang sobrang liwanag ng buong paligid na halos puro puti na ang nakikita ko, idagdag mo pa ang malamig na paligid mo na akala mo nakahiga ka sa yelo at hindi magtatagal magiging yelo narin ang mga dugo mo sa loob ng katawan mo. Hindi ko alam ang mararamdam ko habang unti-unting lumilinaw ang buong paningin ko. Wala naman akung marinig na ingay o kahit anong tunog sa aking paligid, para akung nasa gitna ng dagat na walang ibang naririnig kundi ang hampas ng alon at hangin. Dahan-dahan kung ginalaw ang kamay ko pero kaagad akung napakunot ng aking noon g may kung anong bagay ang nakatali dito at kahit anong hila ko hindi ko makukuha ang aking kamay. Sinubukan ko ang kabilang kamay ko at ganon ang nangyari. Ang paa ko naman ang

