Nakatayo ako sa gilid ng stool kung saan hinihintay ko si Nathaniel na bumili ng ibang gagamitin namin mamaya sa kotse dahil nga nasiraan kami kanina at ang ibang binili namin ay nawasak kaya bumalik ulit kami dito sa mall para bumili na naman. Si Kill kasi nandoon kina Daddy hindi ito umuwi sa bahay simula kahapon dahil bukas nga kasal na naming, oo ikakasal na ako bukas kaya sobrang busy ko talaga ngayon marami akung ginagawa at tinatapos may bata pa akung inaasikaso. Ang bilis nga ng araw dahil bukas official na akung Mrs. Lux kahit ayaw sa akin ni Mommy matutuloy parin ang kasal naming ni Kill at wala nitong makakapigil lalo pa at nagmamahalan naman kaming dalawa. Hindi lang talaga matanggap ng pamilya nito na ako ang makakatuluyan niya na naging anak niya dati, kilala naman ako ni Mo

