Napapakamot nalang ako sa ulo ko habang nakasunod ako kay Kill kasama ang dalawang anak namin na nakasakay sa stroller at tulak-tulak ng mga yaya nila na hindi naman nila alam kung saan kami pupunta, nandito kami sa mall dahil sabi sa akin ni Kill ilalabas naman naming daw ang mga anak naming kahit sandali lang at dito niya sa mall dinala. Ayos lang naman sa akin kung ilabas sila pero todo bantay naman sila lalo na ang mga tauhan ni Daddy at Kill sa labas incase na may hindi magandang mangyari. Limang buwan na ang mga anak ko at masasabi ko na makakakita na sila at marunong na silang tumawa kung makakita sila ng mga ilaw na makukulay. Oo, tapos na ang kasal namin ni Kill at sa kabutihang palad naging maayos naman ang takbo ng kasal naming dalawa t ang masasabi ko ay sobrang saya ko ng ara

