Chapter 9

658 Words
TRISHA'S POV Ako ay nagtutulugtulugan ngayon para hindi ako maisama ni KC sa mall. Sana effective. "Anak! Nandito si KC! May lakad daw kayo!" - Mommy Therese. Tawag sa akin ni Mommy from outside my room. At dahil nga nagtutulugtulugan ako syempre di ako sasagot. Mayamaya naramdaman ko na may pumasok sa room ko. "Trisha. I know nagpapanggap ka lang and hindi naman effective." - KC. Sabay hila sa paa ko. Amazona din tong babaeng to e. "Kung hindi ka tatayo diyan kakaladkarin kita sa mall na ganyan ang itsura mo." - KC. "Ano ba? May sakit ako." - Trisha. Kumagat ka naman. Ayoko talaga pumunta dun e. "No. Hindi mo ako mapapaniwala diyan. Alam ko na yung ganyan. Gasgas na yan." - KC. Tumayo na nga ako. Wala na e. Wala na akong lusot. Mabagal akong pumunta sa CR. "Couz! Bilisan mo. Baka matraffic tayo." - KC. LIGHTBULB! Kapag binagalan ko matatraffic kami. At kapag natraffic kami matatagalan kami makarating sa mall. At kapag natagalan si Couz maiinip siya at sasabihin niya na wag na kami tumuloy. Yes! Ang talino ko talaga. Binagalan ko na nga maligo at mag-ayos. After 1 hour natapos ako maligo. Alas 10 na ng umaga. Hahaha. Halata na sa mukha ni Couz ang pagkainip. "Tagal mo naman maligo." - KC. "Ganun talaga. Kailangan maganda di ba?" - Trisha. "Correct ka diyan. Di ko naisip yun. Magbihis ka na at gorabells na tayo." - KC. Binagalan ko ulit. Hahaha. Waaaah! Bigla ba naman pumasok sa walk in closet ko. "Bilisan mo nga diyan! Napaghahalataan ka na e." - KC. "Couz naman. Buti na lang nakaundies na ako." - Trisha. At yun nga halos siya na ang nagbihis sa akin. After 1 hour nasa mall na kami. Wagas ha? Nakisama kay Couz ang traffic. Nawala. "Couz disguise ba 'to?" - Trisha. Disguise na ba niya matatawag to? Pinagsuot niya lang ako ng shades? E mas pansinin pa nga e. Isipin niyo nasa mall tapos nakashades? Ano ko? Namatayan? "Ganyan talaga ang mga artista dito." - KC. Boplaks talaga tong pinsan ko. E di obvious na. "Ay.. Ewan ko sayo. Gudluck na lang sa atin." - Trisha. Naglakad lakad na kami. Punta sa mga stores. Si Couz bili ng bili ng kung anu ano. "Wala ka bang bibilhin?" - KC. "Wala." - Trisha. "Kain na tayo." - KC. Nagpunta na kami sa starbucks. Cake at frappe na lang daw ang bilhin namin. Wala naman akong nagawa. Gusto ko pa naman ng heavy meal ngayon. "Ayaw mo ba ng rice?" - Trisha. "Rice? That's a big no no Couz." - KC. "Ay ang arte." - Trisha. Napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kahit ako kasi nawiweirdan sa itsura namin. 'Si KC ba yun?' 'Posible. Sino kaya yung kasama niya? Celebrity din kaya?' 'Nakashades din e. Baka. O baka feeling lang.' Ano ba tong mga tao dito masyadong pakialamera. "Alis na tayo dito Couz." - Trisha. Sabay tayo ko dala ang aking frappe. Pagtalikod ko sa table namin may nabangga akong guy. At hindi lang basta guy. Si Yuan. At ito pa. Natapunan ko na naman siya for the second time. Waaaah! Anong gagawin ko? "S-sorry." - Trisha. Nakatungo kong sabi sa kanya. Nakakahiya. "Sino ba naman kasing may sabi na magshades ka sa mall? Bulag ka ba Miss?" - Yuan. "Hindi." - Trisha. "Tss." - Yuan. Nagtatawanan lang yung mga kasama niya. If I'm not mistaken si Lawrence at Terrence. Magkatunog ha? "Kung ako sayo Miss tatakbo na ako. You're pissing him off." - Terrence. Yabang naman. "Sorry. I will pay for your clothes na lang." - Trisha. "No need." - Yuan. At umalis na siya sa harap ko. Yabang niya! Yung mga tao naman sa paligid usap ng usap. At syempre tungkol sa kalampahan ko yun. 'Ano ba yan? Feeling celebrity pa kasi e. Yan tuloy naging bulag.' Tawa pa kayo sige. Nanakbo na ako paalis. Sumunod naman si Couz sa akin. ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD