CHLOE'S POV
Hindi talaga ako makapaniwala na si Xia Song at si Trisha Song ay iisa. Favorite Korean model ko pa naman siya. Baka naman trip lang ni Miss Xia na ipagtanggol si Trisha dahil nagmakaawa si Trisha na maghiganti siya para sa kanya. Ganun siguro siya kabait.
"Girls.. We have a plan." - Chloe.
"Ano yun Queen?" - Silang apat.
Oh yes! Queen ang tawag nila sa akin. Ganun ako kaganda. Hahaha.
"Kailangan natin malaman ang katotohanan sa biglang pagkawala ni Nerdy at ang biglang pagsulpot ni Miss Xia." - Chloe.
"Hay naku Queen. Sinabi na nga niya di ba? Siya si Trisha Song." - Natasha.
"Naniwala naman kayo? Yung Nerd na yun? Si Xia Song?" - Chloe.
"Kahit mukhang imposible maniniwala nalang kami. Katamad kayang mag-imbestiga." - Sylvia.
"Yah right!" - Kara.
Mga walang kwenta talaga. Kainis!
"Ok. Bahala kayo. Bahala na din kayo sa mga sarili niyo. You may go." - Chloe.
"Ay Queen joke lang naman yun. Saan mo ba kami gusto magsimula?" - Sylvia.
Mga takot. Hahaha. Ewan ko na lang kung saan sila pulutin once na mahiwalay sila sa akin. Haha..
"Ito yung plano. Lapitan natin si Miss Xia mamaya. Alam niyo na chitchat. Then malay niyo madulas." - Chloe.
"Yun lang pala e. Madali lang yan." - Andrea.
At yun na nga palapit na kami kay Miss Xia ngayon at kasama pa pala niya si KC. Ano kayang connection nila? Siguro dahil pareho silang model.
"Hi Miss Xia." - Chloe.
Nabigla pa siya. Ganun na ba ang effect ng presence ko?
"H-hi. Anong kailangan niyo? Pwede mo na lang akong tawaging Trisha kasi screen name ko lang naman yung Xia." - Trisha.
"No Miss. Ayokong idikit sayo ang pangalan ng Nerdy na yun. Hindi bagay." - Chloe.
"Wait! Ano bang kailangan niyo sa pinsan ko ha?" - KC.
Nagulat naman ako dun.
"KC. Pinsan mo pala si Miss Xia? Wala naman. Gusto lang namin makipagkaibigan sa kanya." - Chloe.
"Oo nga. Wag mo na ipagdamot." - Natasha.
"Sorry pero we're busy e." - Trisha.
At nilagpasan na lang nila kami. Siguro natatakot siyang malaman namin ang totoo.
"Tingnan niyo. Umiiwas. That's the first clue." - Chloe.
Sang-ayon naman sila sa akin.
Sa ngayon maghahanap muna ulit kami ng tyempo para makakuha ng info.
TRISHA'S POV
Bakit ayaw nilang maniwala sa akin?
"Couz. Wag mo na sila isipin. Papangit ka lang." - KC.
"E kasi naman e. Kailan nila ako titigilan?" - Trisha.
"Problema na nila yun." - KC.
Natapos ang araw na ginugulo lang ako ng mga tao dito sa school. Wala na bang katahimikan dito? Buti nalang sabado bukas.
"Couz mall tayo bukas." - KC.
"Gusto mong magkagulo ang buong mundo ko?" - Trisha.
"Disguise na lang tayo." - KC.
"Ok. Basta wag sa matao." - Trisha.
"Sa mega." - KC.
"Mega? Masyadong maraming tao dun e." - Trisha.
"Nandito ka na. Baba na. Basta bukas ha?" - KC.
At yun na nga. Wala na naman akong say. Ano bang gustong mangyari sa akin ni KC? Hay!
"Mommy! I'm here." - Trisha.
"Trisha. Nandito ka na pala. Kumusta school." - Mommy Therese.
Wala man lang bang reaction si Mommy sa itsura ko. Sa pagkakaalala ko kasi ngayon lang kami nagkakita na ganito itsura ko simula kahapon.
"Mommy. Pwede ba akong magtanong?" - Trisha.
"Oo naman. Ano ba yun?" - Mommy Therese.
"May alam po ba kayo sa transformation ko?" - Trisha.
"Ha? Wala." - Mommy Therese.
"E bakit po parang di kayo nagulat?" - Trisha.
"Syempre naman. Malay ko ba na naisipan mo ng mag-ayos ng sarili mo kaya ganyan ka." - Mommy Therese.
Sabagay nga.
"Ok Mommy. Akyat lang po ako sa kwarto." - Trisha.
"Bumaba ka agad para makakain na tayo." - Mommy Therese.
"Yes po." - Trisha.
Nakakabother talaga e. Wala man lang kahit anong reaction? Kahit yung 'Anak! Ang ganda mo na ulit!'. Wala talaga e. Makapagpalit na nga lang.
Tumingin ako sa closet ko ng pwedeng masuot yung kahit konti lang ng mga damit ko bilang nerd.
Hanap... Hanap...
Wala talaga e. Kaya I wear a white blouse and a pink shorts. Ok na to.
"Mommy anong food natin ngayon?" - Trisha.
"Chopsuey." - Mommy Therese.
"Gulay lang? Walang chicken or pork or something?" - Trisha.
"Naku anak. Kahit pahinga ka ngayon sa modeling mo. You need to watch your diet pa rin." - Mommy Therese.
Wala na akong nagawa. Yun na nakahain e.
Wait lang. Parang buong araw ko ngayon wala akong magawa sa lahat ng desisyon ng mga tao para sa akin ngayon a. Sunod na lang ako ng sunod. What happened to my life?!
After kumain umakyat na ako sa kwarto. I check my lappy.
'Korean model Xia Song went to Philippines to study?'
'Korean model Xia Song nasa Pilipinas para tulungan ang isang fans na Nerd.'
Oh shocks! Kalat na. What to do?
~~
Tapos na nga ba ang malayang buhay ni Trisha? O talagang hindi naman siya naging malaya?