TRISHA'S POV
Inat inat...
Hala! Umaga na?
Bumangon na ako to do my morning routines.
Papasok na ako sa cr ng...
Tingin sa salamin.
Lalakad na ako ulit papunta ng cr ng bumalik ulit ako pagtingin sa salamin. Nanlaki naman ang mata ko.
Anong nangyari?
Want to know kung anong nakita ko? Ito lang naman. Isa lang namang cute na babae na nakikita ng lahat sa magazine sa Korea. Hala! Anong nangyari? Hindi 'to pwede!
Naligo na ako at nagpunta sa sala. Wala si Mommy.
Alam kong may kinalaman siya dito.
At isa pa pati yung mga damit ko wala na. Wala naman akong nagawa dahil kung hindi ko susuutin yun ay maglalakad akong hubad sa mundong ibabaw. Ayoko naman nun.
Tinawagan ko na lang si KC.
"Couz!"
(O. Anong nangyari? Bakit wala ka pa sa school?)
"Yun na nga ang problema ko e."
(Bakit? Nadisgrasya ka na naman ba?)
"Buti nga kung ganun lang e. Hindi ko alam kung paano ako pupunta ng school kung ganito ako."
(Sige sunduin kita diyan.)
Binaba niya na ang phone niya.
Ano kayang gagawin ko? Ayoko makilala nila ako. Kalat pa naman sa Pilipinas ang pagkatao ko. At ang tanging alam lang nilang pangalan ko ay Xia Song. My Gosh!
Nagtataka siguro kayo kung bakit di ako nakikilala noon ng mga tao sa school no? Kwento ko muna sa inyo habang hinihintay ko si KC. Ganito kasi yun.
Naka-eyeglasses ako na malaki with full bangs tapos straight na straight yung hanggang bewang kong buhok. Nakabraces din ako. Tapos di ako nagmakeup. Sa clothes naman. Nakapalda ako na mahaba. Maluwag na blouse. Nakaflats lang ako na shoes. Nakabackpack din ako na malaki. Para bang dala ko ang buong bahay namin.
E ngayon. Isang babae with a curls sa dulo ng buhok. At ito pa ha? With light makeup na. Paano nangyari yun e natulog lang naman ako. At ang mga damit ko sa closet e puro cute blouse at mga miniskirt. Gosh!
Sakto dumating na si Couz.
"O. Anong problema? Maayos ka naman a." - KC.
"Gosh KC! Anong maayos ang sinasabi mo?" - Trisha.
"Iyang ayos mo. Ok lang." - KC.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" - Trisha.
Oo. Iisipin niyo siguro na OA ako. Pero ayoko lang kasi ng magulong buhay. Kapag nalaman nila na ako si Xia Song ay simula na ng magulo kong buhay.
"Ok na yan. Wala na tayong magagawa." - KC.
"Hindi ako makakapasok sa school." - Trisha.
"Wag mo sirain ang buhay mo dahil lang dyan. Sigurado ako matatanggap ka nila." - KC.
"Matatanggap nga kaso magugulo ang tahimik kong buhay." - Trisha.
Hindi na nagsalita si KC. Bigla nalang niya isinuot sa akin yung eyeglasses ko na tanging natira sa mga gamit ko bilang nerd at hinatak na ako pasakay sa kotse niya.
"Couz. Ayoko na. Dun nalang ako sa bahay." - Trisha.
Hindi sumasagot si KC. Ni hindi niya nga ako tapunan ng tingin. Derederetso lang siya pagdrive at ang masaklap pa ay walang traffic. Mabilis tuloy kaming nakarating sa school.
Hinatak na niya ako nun palabas at sabihin ng kinaladkad niya ako papasok ng campus.
Bulungan agad ang narinig ko.
"Sino na naman yang kasama ni KC? Mukhang mas ok kesa dun sa nerd na Trisha na yun."
"Oo nga no. Pero wait. Parang may kamukha siya."
Ito na nga ba sinasabi ko e.
"Couz. Uuwi na ako." - Trisha.
"Wag ka ngang kj Couz. Maganda ka. Wag ka mahiya." - KC.
"Hindi ako nahihiya. Kinakabahan ako sa pwedeng maging outcome." - Trisha.
"Don't be. Ako bahala sayo." - KC.
Wala na talaga akong nagawa. I just expose myself.
'Gosh! Di ba si Xia yun?'
'Ang cute niya pag nakaeyeglasses.'
'Sana ako na lang siya.'
'Bakit sila magkasama ni KC?'
'Natural parehong model magkaibigan.'
'Ano kayang ginagawa niya dito?'
'Tara. Paautograph tayo.'
Naglapitan sila sa akin.
Hindi talaga ako komportable dito.
"Miss Xia paautograph naman."
"Sorry pero busy siya ngayon e. Kailangan na niyang magpunta sa klase niya." - KC.
Hinila na naman ako ni KC palayo naman sa kanila. Rinig na rinig ko pa rin ang bulungan ng mga tao.
'Dito siya mag-aaral? Talaga?'
'Sana classmate kami tapos magiging friends kami. Ang saya nun.'
Ito ang ayaw ko. Yung mga kaibigan na gusto ka lang dahil sa pagkatao mo. Nakakainis sila. Ayoko sa kanila.
"Nakamangot ka diyan?" - KC.
"Wala. Nakakainis lang yung mga naririnig ko." - Trisha.
Tumahimik na kami. Dumating na kasi si Sir. At asahan na natin na kakapasok lang nung limang bruha at ang tatlong Hari daw.
"Ok class. Magsimula na tayo ng discussion." - Sir.
Buti na lang di ako napansin ni Sir. Kung hindi patay ako.
"Wait Sir. May bago po tayong student dito. Hindi po ba dapat magpakilala muna siya?" - Chismoso 1.
Kalalaking tao chismoso. Katurn off...
"Wala naman nasabi sa akin ang principal na transferee kanina. Pero siguro nakalimutan lang niya. So Miss can you introduce yourself to us?" - Sir.
Kainis naman. Nakatungo lang ako. Natatabunan ng buhok ko ang mukha ko. Paano ako magpapakilala? Takbo na lang kaya ako.
"Nahihiya siguro siya. Miss wag ka mahiya sa amin. Just introduce yourself." - Sir.
Kulit din nito ni Sir e. Wala na akong nagawa. Baka kapag tumakbo naman ako baka isipin ng iba psychotic ako or something. Tumayo na ako.
"Aa... I-im T-trisha S-song Sir." - Trisha.
They are all shocked.
"You must be kidding." - Chloe.
"She's Xia Song Sir." - Andrea.
Mga pakialamera talaga.
Tumahimik na lang ako. Ayoko na silang pakinggan. Wala naman mangyayari kung hindi nila ako paniwalaan.
"Ok. Magsimula na lang tayo tutal wala naman pa lang bago dito." - Sir.
Tumahimik naman sila.
After ng class e pumunta muna ako ng locker to get my P.E. uniform. Yun kasi yung next subject namin ngayon. Friday kasi. First time ko aattend ng P.E. class. Lagi kasi akong absent dahil nga sa pambubully nila sa akin.
Nagpalit na ako.
"Couz. Ang cute mo talaga. Pwede mo ng imodel ang P.E. uniform natin." - KC.
Selfie selfie pa siya dinamay pa ako.
"Tara na. Baka malate na tayo. Hindi na nga ako nakaattend last week e." - Trisha.
Two weeks passed na lagi akong absent. Pero sisiguraduhin ko na hindi na mauulit yun. Ayokong mapabalik ni Daddy sa Korea.
"Saan yung gym?" - Trisha.
"Dun pa." - KC.
Layo naman.
Nakarating naman kami sa gym. Warm up ba yung nilakad namin?
Pagpasok namin nakatingin na lahat sa amin.
'Kasabay pala natin si Miss Xia sa P.E. Swerte naman natin.'
Anong swerte dun? Bakit? Malilipat ba ang grade ko sa kanila?
"Wag mo na lang pansinin yang mga yan." - KC.
Maya maya dumating na din yung tatlong Hari. At as usual nakasunod na naman ang limang bruha.
"Mag-i-start na tayo sa P.E. niyo. So.. As I said last week ang P.E. niyo ay Basketball at Volleyball. Ang mga lalaki sa Basketball at obviously sa mga babae ang Volleyball." - Sirma'am. Beki kasi.
Nagsimula na yung P.E. Yung ibang babae mukhang walang balak sumali. All eyes sila sa mga lalaki na naglalaro ng basketball o should I say na dun sa tatlong hari na naglalaro ngayon. Pero infairness magaling nga sila. At wala naman akong pakialam dun.
Nagsimula na din maglaro yung mga babae. Hindi muna kami kasali dahil yung limang bruha nanguna na at syempre kalaban nila yung kabilang section.
Nandun pala si Lindsay. Hindi niya nga ako pinapansin e. Siguro dahil hindi niya nga alam na ako si Trisha.
"KC. Kilala mo ba yun si Lindsay ng kabilang section?" - Trisha.
"Oo. Bakit?" - KC.
"Wala. Siya kasi yung tumulong sa akin nung pinagtripan ako ng mga students dito e. Siya yung tumulong sa akin pagpunta sa clinic." - Trisha.
"Mabait talaga yun. Hindi yun katulad nung mga die hard fans nina Yuan." - KC.
"Bakit? Hindi ba siya attracted sa kanila?" - Trisha.
"Ewan ko. Pero alam ko umaaligid sa kanya si Lawrence. Pero dahil nga playboy yun ayaw sa kanya ni Lindsay." - KC.
"Dami mo talagang alam no?" - Trisha.
"Syempre. Mabilis ang chismis dito." - KC.
Nanahimik na lang ako at pinanood nalang maglaro ang mga kaklase ko. Pero di pa rin talaga tumitigil sa pagbubulungan ang mga students dito. Ang iingay. Bulungan ba talaga yun?
'Kausapin natin si Miss Xia.'
'Sayang no? Nasa kabilang section siya. Siguro makakasundo siya nina Chloe.'
What? Makakasundo nina Chloe? No way!
'Pero may napansin ako. Wala na yung nerd ng section nila no?'
'Baka natakot na.'
Ako? Natakot? Akala niyo lang yun.
'Pero ok na din yun. Bawal pangit dito sa school natin e. Buti naalis siya agad.'
Kapal naman ng mga to. Kung alam niyo lang.
Natapos na yung P.E. na ganun lang ang ganap. Nakikinig lang ako sa chismisan sa likod tungkol sa akin. Bahala sila. Buhay nila yun.
Papunta na kami sa cafeteria nun ng biglang lumapit sa akin ang limang bruha. Ano kayang kailangan nila sa akin?
~~
Ano kayang pakay ng Limang bruha kay Trisha? Tigilan pa kaya siya ng mga ito o sadyang gagawin na lang nilang hobby ang pagkawawa sa kanya.
Kawawa ka naman Trisha.