TRISHA'S POV
3 days na ako dito kina KC. At buti na lang umayos na yung balakang ko. Ang sakit nun ha? Pero bakit kaya parang busy lagi si Couz? May alam ba kayo? Pasabi naman o.
"Couz. Uuwi ka na ba?" - KC.
"Oo. Mukha kasing ayaw mo na ako dito." - Trisha.
"Hala! Ang drama. Namimiss ka na kasi ni Tita." - KC.
"Oo na. Uuwi na nga ako. Namimiss ko na din si Mommy." - Trisha.
Para talagang may iba e.
"KC may alam ka ba na hindi ko alam?" - Trisha.
"Ano? Na hindi talaga nakakalimutan ng tao sa school yung ginawa mo nung first day? Di ba alam mo din naman yun?" - KC.
"Hindi yun. May tinatago ka ba sa akin?" - Trisha.
"Wala. Ano namang itatago ko? Umuwi ka na lang at papasok ka na bukas. Kailangan mong maghanda sa pagbabalik mo." - KC.
"Ano namang paghahandaan ko?" - Trisha.
"Syempre alam mo naman ang galit sayo ng buong school." - KC.
"Oo nga no? Sige na. Bye bye!" - Trisha.
At umalis na nga ako. Pinahatid na ako ni KC sa driver nila.
KC'S POV
Ngayon na magaganap ang pagbabago. Naayos na namin lahat ni Tita. Nagtataka siguro kayo kung anong pagbabago ang gagawin namin no? Simple lang naman. Sinimulan namin yun sa pagtapon sa mga damit ni Couz. Pinalitan namin ang laman ng closet niya. At alam kong magagalit siya dun. Pero para sa kanya naman yun e. Sorry Couz.. Maiintindihan mo din kami.
Ring! Ring!
"Hello Tita."
(Pauwi na ba siya?)
"Opo. Ayos na po ba lahat? Nandiyan na po ba yung magmake over?"
Hindi naman sa pangit si Couz kasi maganda siya. Walang pangit sa lahi namin no!
(Oo. At sisiguraduhin kong hindi na siya makakaapela.)
"Ang galing mo talaga Tita."
Hindi na ako makapaghintay na makita ang pagbabago ni Couz.
TRISHA'S POV
Malapit na ako sa amin. May iba talaga akong pakiramdam.
"Mommy! Nandito na po ako." - Trisha.
"O anak. Magmeryenda ka muna." - Mommy.
"Hindi na po Mommy. Maya na lang po." - Trisha.
"Ano ka ba anak? Sabayan mo man lang ako. Ilang araw ka na ngang hindi umuwi e. Tapos hindi mo pa ako sasabayan pagkain." - Mommy.
Hay naku.. Si Mommy talaga ang galing mangonsensya.
Sumunod na lang ako sa kanya. Namimiss ko din naman siya e.
Kumain lang kami ng niluto niyang French toast at juice.
After namin kumain pumunta na ako sa kwarto. Para kasing inaantok ako.
Nagpahinga na lang muna ako. Tapos iyun natulog na ako.
THERESE'S POV
Tulog na ang anak ko. Asan na kaya yung mga kasabwat ko?
"KC!" - Therese.
"Yes Tita! Ok na po ba?" - KC.
"Oo. Tulog na. Asan na yung mga mag-aayos?" - Therese.
"Tawagin ko lang po." - KC.
Nagsilapitan na sila sa akin. Ipinaliwanag naman namin ng pamangkin ko sa kanila ang dapat nilang gawin. At naintindihan naman nila. Maghihintay na lang kami.
"Tingin mo Tita effective 'to?" - KC.
"Oo naman. Ako pa. Effective yung pampatulog na nilagay ko dun sa juice niya. Bukas na gising nun." - Therese.
"Tindi niyo talaga Tita." - KC.
"Basta para sa anak ko." - Therese.
At yun na nga naghintay na lang kami.
After 123456789 years...
Lumabas na yung mga nag-aayos sa anak ko.
"Ok na ba?" - Therese.
"Yes Ma'am." - Make up artist.
"Nailagay ko na sa account niyo yung bayad." - Therese.
At umalis na sila.
Pumunta na kami sa kwarto ng anak ko.
"Tita! Ang ganda ni Couz." - KC.
"Maganda talaga yan. Mana yan sa akin e." - Therese.
"Hahaha.. Makalokohan ka talaga Tita." - KC.
Sana hindi magalit sa akin ang anak ko.
~~
Magalit kaya si Trisha? Ano kayang magiging reaction niya sa pagbabago niya? Just wait and read. ^_^