TRISHA'S POV
Papasok na ako sa school ngayon. Shocknesz! Ngayon na kami magsasabi sa parents namin about sa engagement. Ano na gagawin ko?
"Couz... Uy!" KC.
"Couz... Ano gagawin ko?"
"Saan?" KC.
"Kay Yuan!"
Lingunan naman ang mga tao.
'Ano kaya pinaplano niya kay Yuan?'
'May gusto ba si Miss Xia kay Yuan?'
'Bagay naman sila e.'
Kami?! Bagay?! Yuck!
"E di pakasalan mo." KC.
"KC naman e. Hindi ka naman nakakatulong e."
"E di ba ikaw nagsimula nito? E di harapin mo yung consequences." KC.
Ayoko.. Hindi ko maimagine na kami ni Yuan. Shocks!
"Iyan na si Yuan o.. Tanungin mo kung anong pwede mong gawin." - KC.
"Couz naman e.. Ang laki mong tulong alam mo ba yun?" sarcastic kong sabi sa kanya. Inirapan niya lang ako.
Seriously? Pababayaan na niya ako? Anong gagawin ko.
"Trisha! KC!" - Tawag sa amin ng kararating lang na si Lindsay.
"O. Muntik ka ng malate a." - KC.
"Muntik lang naman e. Hahaha.. Madami kasing ginawa sa bahay kaya medyo na late ako ng alis. Dadating kasi yung kapatid ko." - Lindsay.
"Aa.. Ok" - walang ganang sagot ni KC. Ano kayang nangyari dito? Kanina pa 'to wala sa mood a.
"May problema ba KC?" - Lindsay.
"Wala. Para kasing gusto kong manahimik ngayon." - KC.
Problema kaya nito?
KC's POV
Point of view ko na ba?
Ok. Sasabihin ko na kung bakit ako nananahimik ngayon. Ganito kasi yun.
Kaninang umaga magkausap kami ni Tita, yung mommy ni Trisha. Nagtaka nga ako kung bakit biglang tumawag sa akin e. Tapos nga ito. Isinasali ako sa kalokohan nilang ipapakasal si Couz sa Yuan na yun. Grabe. Ako na nga lang ang kakampi nun regarding dun sa arranged marriage na yun e. Pero dahil makulit si tita sinabi ko sa kanya na tutulungan ko siya. Pero syempre joke lang yun. Sasabihin ko na lang na nawalan ako ng time kausapin si Couz. Magpapakabusy nalang ako sa kung ano anong bagay. Katulad ngayon, busy ako sa pagbabasa. Sabi ko na lang gusto ko manahimik ngayon. Sana mapatawad ako ni Couz sa pagdedma ko sa mga problema niya. Sorry...
~~
Ano kayang mangyayari sa engagement nina Yuan? Tuloy na tuloy kaya?