Trisha's POV
Uwian na. Bakit ang bilis ng araw? Katapusan na ba ng mundo? Waahhh!
Si KC hindi pa rin ako pinapansin. Si Lindsay naman lagi kasama si KC. Problema nitong dalawang ito? Di ba dapat ako ang damayan nila?
Biglang sumulpot na lang si Yuan sa gitna ng pag-iisip ko.
"Tara na?" Pagyaya sa akin ni Yuan.
'Hala! Bakit siya niyaya ni Yuan?
Sila na ba?
Nagbubulungan ba talaga sila? Hindi halata e. Hindi ko naririnig.
"Mauna ka na. Sunod na lang ako." Ayoko siyang kasabay. Pero..
"Ano ba? Di ba sabi ko mauna ka na?" Bigla ba naman akong hinatak. Wala talagang manners ang isang ito.
Nakarating kami sa parking lot. Pinagpilitan niya pa akong ipasok sa kotse niya. k********g lang? Oh my god! Somebody! Please! Help me! Pero sige. OA na. Tahimik na me.
"Pwede bagalan mo ang patakbo mo? Excited masyado?" Asar na sabi ko sa kanya.
Hindi siya umimik. Para siyang walang narinig. Ano bang problema sa mga tao? Galit ba sila sa akin?
Ang bilis. Nakarating na kami sa bahay. Nandun na din ang parents niya. Wala na bang atrasan ito?
"Nandito na pala ang mga bata." - Mommy.
Bata? Tapos ipapakasal?
"I heard from my son na nagkasundo na daw kayo. Masaya kami at ayos na pala ang lahat." - Tito Andy.
Hindi ko alam sasabihin ko. Shocksz! Sana maglaho na lang ako dito. Pero syempre ayoko magpatalo.
"A.. Opo."
"Good to here that. So kailan natin sisimulan ang preparation?" - excited na sabi ni Daddy. Gosh! Ano ba itong pinasok ko?
"Kami na ni Yaz ang bahala diyan." - Mommy. Halatang halata ang excitement sa mukha nila.
"Akyat po muna ako. Magpapalit lang po ako ng damit."
Hindi ko na kaya ang pagpapanggap sa harap nila. Kailangan ko muna huminga kaya umakyat muna ako sa kwarto.
Tinawagan ko si KC. Hindi sumasagot. Si Lindsay cannot be reach. Tinalikuran na ba nila ako? Anong gagawin ko?
Pagbaba ko sa sala wala na sila.
"Ma'am nandun po sila sa garden."
"Ok. Thank you."
Lumabas na ako sa garden.
"Next month ang engagement party niyo. At after graduation niyo ng College ang wedding. Syempre gusto naman naming masecure ang future niyo before that." - Daddy.
Salamat naman. Pwede kaming gumawa ng story na lagi kaming nag-aaway o ako lang? Hahaha. Sana success.
~~~
Success nga ba Trisha?
Anong tumatakbo sa isip ni Yuan?