Trisha's POV
Ang bilis tumakbo ng panahon. Bukas engagement party na. At sa bilis ng panahon na iyon nagiging ok naman kami ni Yuan. Mabait din naman pala siya.
"Yuan. Wala na ba talagang pag-asa na iatras yung engagement? Ok na naman tayo di ba?" Pangungulit ko sa kanya. Ayaw niya kasi ipatigil. Ewan ko ba dito.
"Ayoko. I don't want to disappoint them. Tsaka di ba ikaw na nga nagsabi na ok na tayo? So bakit kailangan pa iatras?" Yuan.
Laging ganyan ang sinasabi niya sa akin. Paano ba ito?
Yuan's POV
Ayoko iatras ang engagement. Alam niyo ba kung bakit? May deal kasi kami ng parents ko and I don't want to ruin that. Kapag natuloy ang engagement namin magkakaroon na ako ng sarili kong unit. So it means na hindi na nila papakialaman pa ang buhay ko. Malaya kong magagawa ang gusto ko so kailangan ko ito. Sorry na lang Trisha kung akala mo ok na talaga tayo. I just need it.
Trisha's POV
Sabay kami ngayon pumasok sa school ni Yuan. Lagi na lang tuloy nagkakagulo. Pero kailangan ko na masanay. Tsaka sanay na naman akong pagkaguluhan e. Iba nga lang ito dahil puro bashers. Dati kasi puro admirer.
'What?! Sabay na naman sila? Ano bang meron sa kanila?'
'May nakita akong invitation sa office ni Daddy e. Para sa engagement party. Lee-Song Engagement something nakalagay e.'
'Naku. Wag na nating isipin yun. High school pa lang sila 'no! Baka iba yun. Baka kamag-anak nila kaya sila close.'
Hopeless na sila. Pinapaniwala nila ang sarili nila sa isang bagay para hindi sila masaktan. Akala mo naman may mapapala sila doon.
"Yuan.. Pwede bang hindi na lang ako sumabay sayo next time?"
"What? Because of them? Just don't mind them." Yuan.
Hirap naman ispelengin nito. Haist!
Nakadating naman ako ng room namin ng buhay. Syempre di nila ako sasaktan kapag kasama ko itong si Yuan. Kaya parang ok na din sa akin na kasama ko siya kasi hanggang salita lang ang nagagawa nila.
"Trish!/Couz!" Sabay na tawag sa akin ni Lindsay at KC.
"Mukhang tuloy na tuloy na a.. Sabihin mo nga. In love na ba kayo sa isa't isa?" Lindsay.
"Tumigil ka nga diyan. Hindi ko alam sa kanya. Basta ako hindi. Lagi ko siyang kinakausap na iurong na ang kasal pero ayaw niya."
"Oh my gee! He's in love na with you Couz. Kaya ayaw niya ipatigil ang kasal niyo." KC.
"Ewan ko. Bahala na. Kakausapin ko lang siya ng kakausapin. Baka maconvince ko pa siya. Hindi ako mawawalan ng pag-asa."
"Ano ba yan? Akala ko ok na." Disappointed na sabi ni KC. Gusto niya daw kasi para sa akin si Yuan. Nag-iba daw kasi ito. Mas approachable na daw kesa nung wala pa ako. Hay naku! Baka imagination niya lang 'yun. I don't want to assume.
"Pero tingin mo macoconvince mo pa siya? Di ba bukas na ang engagement niyo?" Lindsay.
Bigla naman kumislap ang mata ng pinsan kong pasaway. Akala ko kakampi ko siya pero biglang hindi na e. I hate her na.
"Oo nga 'no? Hahaha.. Tuloy na tuloy na pala. Wala ka ng magagawa Couz." Masayang sabi niya.
"Engagement pa lang 'yun, hindi pa kasal. So I have a lot of time to convince him to back out." Sabi ko na lang. Malaki ang tiwala ko sa sarili ko na magagawa ko 'yun.
"Basta wala na. Tiwala ako dun. Wala ka ng magagawa." Tumatawa pang sabi nito.
Hindi ko na muna siya pinansin after nun. Buti na lang dumating na ang teacher namin.
Yuan's POV
"Seryoso ka na ba diyan Yuan?" Lawrence.
"Alam niyo naman di ba? Kailangan pa bang pag-usapan yan? Basta makisama na lang kayo. Kayo din, kapag nagkaroon na ako ng sariling unit may matatambayan na kayo kapag ayaw niyo mag-stay sa bahay niyo."
"Sabi ko nga." Lawrence.
Yung isang kaibigan namin tahimik lang. Problema kaya nito?
"Class dismissed!" Ang pinakahihintay naming lahat.
"So guys! Kailangan ko ng umalis. Alam niyo na." Paalam ko sa kanila.
~~~
Ang sama ni Yuan.. Manggagamit siya..