Chapter 18

679 Words
Terrence's POV Nag-uusap na naman sila about sa engagement. Kitang kita naman na masaya si Yuan dahil nga ganun lang niya kadali makukuha ang pangarap niya. Pero bakit hindi ako masaya para sa kanya? Siguro dahil may tao siyang masasaktan. At tingin ko dapat kong pigilan siya. "Class dismissed!" Dali dali naman tumayo si Yuan at lalapit na kay Trishia. Iyan na naman siya sa pagpapanggap niya. Kawawa naman si Trish. "Bro una na ako ha? Alam niyo na.." Yuan. Hindi pa man kami nakakasagot ay nakalayo na siya sa amin. Kung titingnan ng iba parang inlove na nga itong kaibigan namin. Pero syempre alam namin ang totoo. "Terrence ano plano?" Si Lawrence na mukhang may pinaplano na namang lakwatsa. "Pass ako ngayon bro. May gagawin akong importante." Palusot ko. Wala kasi ako sa mood ngayon sa kalokohan niya. "Gaano kaimportante at iiwanan mo ako? Chicks yan 'no? In love ka na?" Pang-aasar pa niya. "Hindi." -_- "Lalaki bro? Bakla ka?!" Sabay layo sa akin. "Baka ikaw ang bakla." At saka ko siya iniwan. "Hoy bro! Alam mong hindi totoo yan. Ang dami ko ngang girlfriend e." Pagtatanggol pa nito sa sarili. Mukha tuloy siyang defensive.. Totoo kaya? "Kaya ka nga siguro hindi makapagseryoso sa babae kasi bakla ka at front mo lang sila." Sumakay na ako nun sa kotse ko at umalis na. Ayoko na pahabain ang nonsense na usapan na yun. Pagkadating ko sa bahay tinawagan ko na si Yuan... Yuan's POV Ring...ring... Tingin sa phone. Si Terrence. Problema nito? Lumabas muna ako sa bahay nina Trishia. Nandito pa kasi ako dahil sabi ni Tita ay dito na daw ako magdinner. "Hello. Napatawag ka?" "Bro. Pwede ba tayong mag-usap? Sa **** bar." Napakadirect to the point naman nito. "Nandito pa ako kina Trish e. Pwede ba mamaya na lang? Text kita pag pauwi na ako." "Sige bro." Binabaan na niya ako ng phone. Pumasok na ulit ako sa bahay nina Trish. "Yuan. Tara na kakain na tayo." Yaya sa akin ni Trish. Kumain lang kami at pagkatapos ay nagyaya si Tito sa garden. Nagkwentuhan about sa academics namin. Napatingin ako sa watch ko. 10 pm na pala. May assignment pa kami. "Tito, Tita.. Magpapaalam na po sana ako. Balik na lang po ako bukas.May assignment pa po kasi kami." Paalam ko. "Ay oo nga 'no? Gabing gabi na pala. Hindi na natin napansin ang oras." Tita. "Ihatid mo na muna siya sa labas Trish." Tito. "Opo. Tara na." Nauna na siyang maglakad sa akin. Nung malapit na siya sa gate ay bigla siya huminto. "Bukas na. Gusto mo ba talaga 'to? Magagawan pa naman natin ng paraan para pigilan 'to e." Pangungulit na naman niya sa akin. "Wala na akong reason para pigilan pa ito kaya sumunod na lang tayo." "Mahal mo ba ako?" Derederetsong tanong niya. Natigilan ako saglit pero agad naman akong nakabawi. "Tingin mo papayag ako kung hindi?" Para sa pangarap ko. Namula naman siya sabay punta sa likod ko at tulak sa akin papunta sa gate. "Sige na. Bye bye!" At tumakbo na papasok ng bahay. Ni hindi man lang ako hinintay na makaalis. Trisha's POV Hala! Mahal niya ako? Totoo? God! Crush ko na din kasi siya pero hindi ko sukat akalain na mahal niya na ako. Nanakbo na ako kasi alam ko kung gaano na kapula ang pisngi ko. "O anak. Nakaalis na ba si Yuan? Ang bilis naman." Mommy. "Opo." Sagot ko sabay takbo na sa kwarto ko. Grabe gusto ko sumigaw sa kilig. Siguro nagtataka kayo kung bakit pinipigilan ko ang engagement ngayong may gusto na ako sa kanya 'no? Simple lang. Kasi ayaw ko umasa sa one sided love relationship. Masasaktan lang kasi ako. Pero ngayong alam ko na ang nararamdaman niya go go go na ako. I'm so happy! Akala ko wala talagang forever pero mukhang magkakaroon na ako. ~~~ Hay naku! Kung alam mo lang Trish.. Sige kiligin ka lang muna diyan. Mukhang mas madami kang iiiyak sa susunod. Pero lumambot naman ang puso ni Yuan at hindi na niya ituloy ang p*******t niya kay Trisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD