KC's POV
Oh my gosh! This is it! This is the day!
"Couz! Ano na?! Gising na diyan. Baka naman masobrahan ka na sa tulog diyan. Ano ba yang panaginip mo at ngingiti-ngiti ka pa?" Ang weird niya na ha?
"Couz naman e. Iyun na e.. Ang ganda na ng panaginip ko e." Inis na sabi niya sa akin sabay bangon.
"Asan na pala si Lindsay? Di yata kayo magkasama."
"Nasa bahay nila malamang. Mamaya na daw siya pupunta, sasabay na daw siya sa parents niya sa party. Wala pa daw siyang damit e."
"Hay naku.. Akala ko naman makukwento ko na din sa kanya." Dismayadong sabi niya. Ano kaya yung sasabihin niya at parang sobrang importante naman.
"Ano ba yun? Spill it! Mamaya mo na ikwento kay Lindsay, hindi ako makikialam."
"E kasi..." Nagbablush siya. Parang nacurious tuloy ako lalo.
"Ano ba?! Grabe naman. Pa-suspense pa."
"Ito na. Kasi kagabi nandito si Yuan."
"So? Araw araw naman siya dito dahil araw araw ka naman niya hinahatid sundo." Pagputol ko sa sinasabi niya.
"E kasi naman e. Patapusin mo muna ako." Inis na siya.
"O sige na. Tatahimik na ako. Tuloy ang kwento."
"Iyun na nga. Nung pauwi na siya sinabi ko ulit sa kanya na kung pwede naming pigilan ang engagement hangga't hindi pa huli ang lahat."
"At pumayag siya tapos hindi na nga tuloy?!" Shocked na sabi ko. Ano ba naman itong si Couz?! may forever na e, kinokontra pa.
"Hindi. Patapusin mo kasi muna ako. React kasi agad ng react e."
"Sorry naman. Masyado naman kasing mabagal ang phasing e."
"Tutuloy ko na ha? Wag ka munang uusap." Pakiusap sa akin ni Couz.
"Oo na. Behave na ako." Sabay zip ng bibig.
"Okay. Iyun na nga, as usual ayaw niya dahil sabi niya wala naman daw dahilan para umatras siya."
Kinikilig na ako pero hindi ako makareact dahil behave nga muna ako.
"Tinanong ko siya kung mahal niya ba ako. Hindi ko nga alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para tanungin siya nun."
Hindi ko na kaya. Sasabat na ako.
"Anong sabi niya Couz?!" Kinikilig na tanong ko sa kanya.
"Sabi niya, 'Papayag ba ako kung hindi?'." Kinikilig na sabi din niya.
"Tapos?"
"Iyun. Tinulak ko na siya sa labas tsaka ako nagbabye at tumakbo papasok ng bahay." Pagtatapos niya ng kwento.
"Iyun na yun?" Dismayadong sabi ko.
"Anong iyun na yun? Sobrang kilig ako kagabi tapos iyun lang masasabi mo?" Nainis na naman siya. Grabe naman ito. Kinilig na siya dun? E ni hindi nga nasagot ng deretso yung tanong niya.
"Grabe Couz. Ito na! May forever na ako!" Kilig na kilig na sabi niya.
Biglang may kumatok sabay pasok ni Tita.
"Anak. Nakahanda na ang breakfast. At nandun na din sa baba ang mga dress na susuutin mo mamaya." Tita.
"Susunod na lang po ako Mommy. Isama niyo na po si KC. Nagkukulit lang naman po yan dito." Trisha.
"Ano ako? Bata?"
Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso na ako sa banyo.
Pagkababa ko sa sala ay nandun ang designer namin. May dala siyang tatlong box at sigurado akong iyun na ang dress na tinutukoy ni Mommy.
"Trish anak lumapit ka na dito ng makita mo na ang mga dress mo." Kaya lumapit na nga ako sa kanila. Kung nung nakaraan hindi ako masaya dito, ngayon ay excited na excited na ako.
Binuksan na nila ang mga box. At kung sinabi kong excited ako, mas excited pa ang pinsan ko.
"Gosh! Ang ganda ng mga dress mo Couz. Excited na ako. Sukat mo na dali!" Mas excited pa talaga. Na-a-amaze pa lang ako dito e.
Umakyat na ako sa taas at nakasunod na ang Mommy ko, yung designer at syempre ang excited kong pinsan.
"Unahin mo yung white Couz." Siya na ang nag-abot ng mga isusuot ko.
Pagkatapos ko isuot at lumabas na ako sa walk in closet ko.
Bagay daw sa akin lahat sabi nina Mommy kaya ito namang pinsan ko lalong naexcite. Excited na din ako.
After 123456789 years...
"Couz.. Ang ganda ganda mo talaga. Siguradong maiinggit lahat ng ka-schoolmate natin sayo."
Inaayusan na kasi ako dahil any minute ay magsisimula na ang party.
"Madaming maiinggit at dadami din ang haters ko. Parang gusto ko ng bumalik sa Korea. Doon maraming nagmamahal sa akin."
"Couz. Matatanggap din nila yun lahat. Wag ka matakot dun, lagot sila kay Yuan kapag sinaktan ka nila." Sabagay nga. Kapag kasama ko si Yuan wala naman silang magawa.
Biglang may kumatok sa pinto sabay pasok ni Mommy at Daddy.
"Tara na anak. Magsisimula na ang party." Mommy.
Tumango lang ako at sumunod na sa kanila.
~~~
Ano kayang magyayari sa party nila?