Chapter 3 - Fighting!

458 Words
TRISHA'S POV Nasa bahay na ako ngayon at matutulog na. gabi na kasi e. Kumain na ako ng kumain kanina. Napagalitan pa nga ako ni Mommy masisira daw ang figure ko. Pero syempre dahil pasaway ako hindi ako nagpaawat. Kailangan ko ng lakas for tomorrow at hindi nila ako pwedeng apihin. At sa ngayon kailangan ko na din matulog para hindi ako matulala bukas sa klase. Zzz... YUAN'S POV Hala! Bakit ako nagka-POV? Pambabae lang 'to e. Mananahimik na lang ako. Si Terrence na lang kausapin niyo tutal makulit naman yun. TERRENCE'S POV Ano? Inaway din kayo ng nagmemenopause na lalaking yun? Wala talaga kayong aasahan diyan. Kaya kung ako sa inyo ako na lang ang kausapin niyo. At ikukwento ko na lang ang crush ko sa inyo. (At atin na ding patahimikin ang lalaking yan. Maya na love story mo.) TRISHA'S POV (Hikab. Hikab.) Whaaa! Umaga na pala. At simula na ng kalbaryo ko. I'm not excited. Tinatamad ako bumangon. May kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Pasok!" - Trisha. "Couz. Bumangon ka na diyan. Papasok na tayo." - KC. "Bakit ka nandito?" - Trisha. "E kasi po baka natatakot ka pumasok kaya sasabayan kita." - KC. "Ako? Natatakot? Hindi no!" - Trisha. "Hay naku. Tapang tapangan." - KC. "Ano?" - Trisha. "Sabi ko maligo ka na kung hindi ka talaga takot. Go! Shoo!" - KC. Pasaway talaga 'tong si KC. Ginawa pa akong aso. Makaligo na nga lang. Nung matapos ko ang aking ritual ay umalis na kami ni KC. Di na nga ako nakapagbreakfast dahil late na daw kami. Wagas talaga yun. "KC maaga pa pala. Bakit sabi mo late na? Punta muna tayo sa cafeteria." - Trisha. "Sige na nga. Kaawa ka naman. Paano ka nagmodel kung ganyan ka katakaw?" - KC. "Nagwowork out ako at tsaka puro maanghang food sa korea tsaka healthy unlike here." - Trisha. "Ganun? So ibig sabihin di ako healthy?" - KC. "Wala akong sinabi." - Trisha. Nakarating na kami sa cafeteria ng biglang may tumawag kay Couz. "Saglit lang Couz ha?" - KC. Umorder na ako. Sandwich na lang nakakahiya naman sa Cousin ko. Lumapit na sa akin si KC. "Couz. Sorry kailangan kong pumunta sa shoot ngayon. Kaya mo na naman di ba?" - KC. "Oo naman no. Ako pa." - Trisha. "Sige. Bye Couz. Take care." - KC. Hala. Ako na lang. Anong gagawin ko? Kumain na ako. At nararamdaman ko na nakatingin sa akin yung mga students dito. 'Akala ko di na siya papasok.' 'Ang lakas ng loob niyang bumalik pa dito 'no?' 'Kung ako sa kanya di na ako papasok.' Anong pinagsasasabi nila? Anong akala nila sa akin? Duwag? Hindi ko isasakripisyo ang kinabukasan ko dahil lang sa mga bully na yun 'no. Fighting!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD