TRISHA'S POV
Pagkatapos ko kumain dumeretso na ako sa room. Kaklase ko pala yung limang bully. My Gosh! Wala pala akong takas.
Maya maya dumating na yung teacher namin. May mga nakasunod sa kanyang students. Another Oh My Gosh! Pati yung tatlo kaklase ko din? Katapusan na ba ng mundo? Ayoko na.
"Ok class. We can start our discussion from the start. Since madaming absent kahapon." - Sir.
Teka lang. Bakit nung monday wala naman yung limang bully at yung tatlong lalaking yun dito. Anong nangyari? Ito na ba parusa nila sa akin? Whaaaa!
Nagsimula na magdiscuss si Sir. Tulala lahat ng mga kaklase ko sa kanya. Gwapo nga kasi. At si Chloe nakatingin lang kay Yuan. Si Yuan tulog. Si Terrence lang nga ang nakikinig kay Sir. Mabait nga siya.
Nakinig na din ako sa lesson ni Sir. Nakakatuwa nga e. Walang recitation. Walang kaba.
Ring!
Bell na. Recess na. Pero busog pa ako. Magla-library na lang siguro ako.
Palabas na ako ng room nun nung biglang may bumato sa akin.
"Aray!" - Trisha.
Nagtawanan sila lahat.
May bumato na naman. Nanakbo na ako. Batuhin ba naman ako ng tin can. Sakit nun ha.
Nagtago ako dun sa cr. Sa isang cubicle. Nilock ko na lang muna ang pinto.
Bakit nangyayari sa akin 'to? KC balik ka na. Tulungan mo ko. Naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako.
Isang oras din akong nag-stay sa loob ng cubicle ng maisipan kong lumabas na. Siguro naman wala ng mambabato sa akin.
Paglabas ko ng cubicle nadulas ako.
"Ahh.. Aray." - Trisha.
Basang basa yung sahig. Pinilit kong tumayo.
"Aray ko. Tulong!" - Trisha.
Di ako makatayo. Napasama yata ang bagsak ko. Naiwan ko pa naman yung bag ko sa room kanina. Pati cellphone ko. Wagas naman. Malas.
Biglang may pumasok sa cr. Babae. Ang cute niya.
"Miss anong nangyari sayo? Bakit ka nakaupo diyan?" - Miss cute.
"Nadulas kasi ako e." - Trisha.
"Hala. Tara dadalhin kita sa clinic." - Miss cute.
"Salamat." - Trisha.
Tinulungan niya akong makatayo.
"Ano nga palang pangalan mo?" - Miss cute.
"I'm Trisha Song. Ikaw?" - Trisha.
"Ahh.. Ikaw yung transferee. Yung pinag-uusapan ng mga students dito. Ako si Lindsay Valdez." - Lindsay.
Hala. Kalat pala yun sa buong campus. Wagas naman ang balita dito.
"Alam mo ang dami ngang galit sayo e." - Lindsay.
Siguro isa siya dun.
"Pero syempre hindi ako kasali dun. Di naman ako katulad nila. I hate Chloe nga e. Akala mo kung sino." - Lindsay.
Baka ginagawa niya lang 'to dahil galit din siya sa akin. Sabi nga nila 'keep your friends close but keep your enemies closer'.
"Tara na. Dun yung clinic." - Lindsay.
Sumama na lang din ako dahil hindi nga ako makalakad at wala din yung phone ko para macontact si KC or kung sino mang kamag-anak namin.
Pagdating sa clinic ginamot na ako nung school nurse.
"3rd day of class palang ganyan na nangyayari sa iyo." - Nurse.
Hala! Alam din ng nurse? Bakit di nila parusahan yung mga mayayabang na yun?
"Iyan. Ok na. Pero tingin ko dapat umuwi ka na muna." - Nurse.
"Thank you po." - Trisha.
"Tumawag ka na sa parents mo para masundo ka na." - Lindsay.
"Naiwan ko yung gamit ko sa room. Kukunin ko muna." - Trisha.
"Paano mo kukunin e pilay pilay ka ngayon?" - Lindsay.
Inabot niya sa akin yung phone niya.
"O. Text ka muna sa kanila. Tapos sila na lang din pakuhain mo ng gamit mo." - Lindsay.
Kinuha ko yung phone. Nagtext na ako kay KC. Baka kasi magalit si Mommy kapag nalaman niya ang ginawa ng mga kaklase ko sa akin. Pagkatapos ko magtext binalik ko na yung phone niya.
"Thank you." - Trisha.
"Wala yun. Sige una na ako. Baka nagsisimula na yung klase." - Lindsay.
Hinintay ko na lang si KC.
After an hour dumating na din si KC.
"Couz! Anong nangyari? Iniwanan lang kita sandali ganyan na nangyari sayo." - KC.
Hinihingal na sabi ni KC. Nanakbo siguro 'to.
"Wala. Nadulas ako sa cr." - Trisha.
"Hay naku. Sa susunod kasi titingin sa dinadaanan. Sige kunin ko na yung gamit mo then uwi na tayo." - KC.
"Sige." - Trisha.
Pagbalik ni KC umalis na kami dun sa clinic.
"Kumusta na pala yung pictorial mo? Pasensya ka na ha? Ayoko kasing malaman ni Mommy e. Alam mo na magpapanic yun." - Trisha.
"So sa amin ka muna mag-i-stay?" - KC.
"Ahmm... Kung pwede sana." - Trisha.
Pumayag ka. Pumayag ka. Please...
"Paano kapag nagtanong si Tita?" - KC.
"Sabihin mo gusto ko lang mag-overnight sa inyo." - Trisha.
"Ok. Sige. Paano bukas? Hindi ka muna papasok? 4th day of class palang natin." - KC.
"Tingin mo makakapasok ako nito? Pero kung bubuhatin mo ako ayos lang sa akin." - Trisha.
"Naku. Wag na." - KC.
Sabay irap niya. Taray din nito minsan e.
"Dito na tayo. Paano ka lalabas niyan?" - KC.
"Hindi ko din alam e. Alalayan mo kaya ako." - Trisha.
"Ano ba yan? Ang bigat mo e." - KC.
"Wag ka na muna umarte. Hindi naman ako magpapabuhat e." - Trisha.
Nakarating naman kami sa sala nila. Wala pala sina Tita. Nasa business trip.
"Couz dun ka na lang matulog sa guest room na katabi nung kwarto ko. Napaayos ko na yun." - KC.
"Pwede ba ulit humingi ng favor?" - Trisha.
"Naku alam ko na yan. Yaya! Patulong naman po si Couz pumunta sa guest room. Napilayan po e." - KC.
"Yes Ma'am!" - Yaya.
At yun na nga. Tinulungan na ako ni Yaya pagpunta sa guest room. Pagkapasok ko iniwan na niya ako.
Ano kayang gagawin ko? 3rd day pa lang ganito na. Tama ba talagang dun ako nag-aral? Anong mali sa pagiging ordinaryong tao?
~~
Magiging normal pa kaya ang buhay ni Trisha sa school nila? Abangan niyo na lang. ¤_^