Chapter 16 Samantha’s POv. Ilang araw na ang lumipas. Sa labas, mukha akong kalmado, pero sa loob ko, hindi pa rin tumatahimik ang isip ko. Ang guilt ko kay Eli ay bumabagabag, pero mas matindi ang galit ko kay Lorenzo. Sinunod ko ang sinabi ko kay Ivy naging busy ako sa clinic, mas inayos ko ang sarili ko, at pilit kong pinaramdam kay Lorenzo na wala akong pakialam. Hindi na ako bumalik sa bar na iyon, at ang nangyari kay Eli ay sinubukan kong ibaon sa pinakamalalim na bahagi ng aking alaala. Tahimik lang ako sa loob ng bahay. Si Lorenzo, ganun pa rin parang multo lang. Hindi siya nagpapaliwanag, at hindi ako nagtatanong. Ang relasyon namin ay patuloy na lumulubog sa kadiliman. Isang hapon, habang nagkakape ako sa terrace, nakatanaw sa malawak na hardin, bigla akong tinawag ni Lorenzo

