Chapter 15: Eli’s POV Nang makabalik ako sa bahay, tahimik akong umakyat sa kwarto. Hindi ko na inabala si Mommy na gisingin pa. Pagdating ko sa loob, tuluyan akong napasalampak sa kama. Ang pagod ko ay walang sinabi sa energy na naiwan sa akin ng nangyari kagabi. Ang isip ko, hindi umalis kay Samantha. Ang tingin niya noong nagmamakaawa siya, ang init ng balat niya, ang tapang niya noong umalis siya, kahit na halata ang guilt at pagsisisi. “Bakit ako pumatol sa mas matanda sa akin?” Bulong ko sa sarili ko, habang nakatitig sa kisame. May asawa. Mas matanda. Pero damn, iba ang attraction. Iba ang pakiramdam. Ang nangyari sa amin ni Samantha ay parang isang adrenaline rush na hindi ko naramdaman sa mga kaedad ko. Iba ang hunger niya, at masaya ako na ako ang nagbigay ng release sa kan

