Chapter 44 Samantha’s Pov Naghubad na si Eli sa kanyang pang itaas na damit dahil sa sobrang basa na ito. Inabot ko sa kanya ang damit na ipapasuot ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. “Sam..” sabi niya sa akin. "Eli, diba hindi na nga tayo pwede?" Tiningnan ko siya, pinipilit na panatilihin ang distansya namin. "Ang kalagayan natin, tignan mo. Ako ang ninang mo! Ang kaibigan ng mama mo! Ito ay labag sa lahat!" Ngunit sa halip na sagutin niya ako sa salita, bigla na naman niya akong niyakap nang mahigpit. Ang yakap niya ay puno ng init at pangako. Hinalikan niya ako, isang halik na parang pinatunayan niya ang kanyang pagmamahal na higit sa lahat ng aming problema. Hindi na naman niya binitawan ang mga labi ko. Kinulong niya ang mga labi ko sa kanyang labi na parang nagsasabing wala

