Chapter 43 Samantha’s Pov Nakatitig ako sa bintana ko. Hapon na. Nandiyan pa rin si Eli sa labas ng tapat ng gate ko, nakaupo sa motor niya. Hindi pa rin siya umaalis. Ang tigasin niya talaga. Nakita ko ang langit makulimlim na, parang uulan. "Bakit ba hindi siya umuwi?" Tanong ko sa sarili, habang patuloy ko siyang sinisilip. Ang puso ko ay nahahati sa pagitan ng pangamba at pag-iwas. Alam kong masama ito para sa amin, pero nag-aalala ako. "Baka maabutan siya ng ulan sa tigas ng ulo niya," Bulong ko. Pinapauwi ko siya sa isip ko, dahil ito ang tama ang pag-iwas muna sa kanya. Biglang bumuhos ang ulan. Malakas. Mabilis. At naulanan na siya sa labas ng gate. Nakita ko siyang naka-yuko, pilit na hindi gumagalaw. Hindi ako nakatiis. Hindi ko kayang makita siyang nagkakaganyan dahil sa

