Maaga syang gumising kanina para maaga rin syang matapos sa paglilinis ng bahay. Rest day nya ngayon sa trabaho pero hindi rin pala sya makakapagpahinga. Mamayang makapanghalian kasi, darating na si Mathew para sunduin sya. Sabi naman nya dito na sa mall na sila magkita eh. Ayaw lang nito pumayag at baka daw magbago ang isip nya hindi sya sumipot.
Grabe, ang lagkit na ng pakiramdam nya, hindi pa sya tapos sa paglilinis. Kusina kwarto at banyo pa lang ang natatapos nya. Kung bakit kasi araw araw naman syang nagwawalis pero madami pa ring alikabok.
Nasa salas na sya ngayon. Tinulak na nya papunta sa gitna ang dalawang sofa para malinis ang mga sulok sulok. Tagaktak na ang pawis nya kaya medyo basa na rin ang suot nyang manipis na sando. Napaka init talaga ngayon dahil summer season na.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto.
' Sino na naman kaya ito?'
'Ah Baka isa sa mga kapitbahay ulit na nagbibigay ng mga pagkain.'
Mahilig kasing magbigay sa kanya ng kung anu-anong pagkain ang mga kapitbahay nila. Kaya madalas hindi na sya nagluluto at nalilibre na sya sa ulam, minsan naman mirienda.
Naiwan na naman nya 'atang bukas ang gate kay nagdire-diretcho ng pasok ang tao sa labas. Safe naman dito sa lugar nila dahil matagal na ang mga nakatira at magkakakilala rin sila kaya hindi nakakatakot.
Nagulat sya nang pagbukas nya ng pinto, hindi ang kapitbahay nya ang nasa labas kundi si Mathew! Sa sobrang gulat at samahan na rin ng biglaang pagkataranta, agad nyang naisara ulit ang pinto. Buti na lang at mukhang hindi naman ito naipit or tinamaan.
" Hey Sandy, open up this door." narinig nyang muling katok nito sa pinto at parang naiinis na ang boses.
Dahan dahan naman nyang binuksan muli ang pinto pero maliit na siwang lang para mailabas ang ulo nya.
" Bakit ka kasi nandito?" aniya habang nakasilip sa pinto.
" Hindi ba may usapan tayo?" tila naiinis na sagot nito. Kunot pa ang noo.
" Oo, pero after lunch pa naman yun, di ba?"
" Traffic ngayon kaya inagahan ko na ang punta."
" Eh, hindi pa 'ko naka-ready."
Jusmio ano ba naman kasi itong lalaki na ito?! After lunch pa ang usapan, ten pa lang naandito na? Anong gagawin nito dito sa bahay nya eh napaka kalat dahil naglilinis pa sya!
" Buksan mo kaya' tong pinto nang makapag-usap tayo ng maayos."
" Hindi pwede.."
" Bakit?"
" Bawal ka pumasok. Makalat sa loob." pagdadahilan nya pero ang totoo mas pinuproblema nya ngayon ang hitsura nya. My gosh sobrang ang dugyot nya!
At kelan pa sya nagsimulang ma-conscious sa hitsura nya? Dati naman ay wala syang pake, ah.
Kaso nga ang iksi iksi ng shorts nya! Tapos ang nipis pa masyado ng sando nya. Hindi sya sanay humarap sa tao ng nakaganito.
" So?" hinawakan nito ang pinto at marahang itinutulak. "Sandy, open this damn door!"
Hala at mukhang nagalit na nga sa pag-iinarte nya.
Dahil mas malakas nga ito kasya sa kanya, plus natatakot din syang baka maipit ang kamay nito, nagparaya na lang sya. Gumilid na lang sya sa pinto at hinayaan itong mabuksan iyon ng tuluyan.
'Bahala na!'
" See? I told you, makalat, hindi ba?" iminwestra nya dito ang gulo-gulo nyang salas.
Pero ni hindi ito sumagot, at nang muli nya itong lingunin, hindi pala sa magulong bahay nya nakatingin kundi sa kanya! Kitang-kita nya na sa kanya pala nakapako ang mga mata nito. No sa katawan nya actually!
" Eyes up here Mr. Montecillio." paninita nya dito sabay halukipkip ng mga braso na dapat ay hindi nya ginawa. Lalo lang kasing na-emphasize ang dibdib nya lalot at medyo mababa ang neckline ng suot nyang manipis na sando. Bahagya tuloy lumitaw ang cleavage nya. Buti na lang din at may suot syang bra!
" Ganyan ang ayos mo tapos hindi man lang naka-lock ang gate nyo? Pa'no kung ibang tao pala ang napagbuksan mo?" paninita rin nito sa kanya.
" Excuse me, safe ang lugar namin." pagdadahilan nya. Mapagtakpan lang ang pagkapahiya.
" Eh pano nga kung may maligaw, ha?"
" Hindi naman ako nagpapapasok ng bahay, ano. Kita mo nga ayaw kitang papasukin kanina, di ba?"
" Still–"
" Okay, okay. Hindi na po mauulit." aniya na lang para matapos na. Itinaas pa nya ang dalawang kamay. Napaka strict naman nitong tatay nya.
" Sige na magpalit ka na at ako na ang magre-ready nito." anito na naglakad papuntang kusina. Hindi nya napansin kanina ang dala nitong supot.
'Bah, akala mo naman sarili nya itong bahay, ah!'
" Ano 'yan?" tanong nya habang nakasunod dito.
" Pagkain."
" Ba' t nagdala ka pa? "
Instead of answering her question, tiningnan lang sya nito with matching kuno-noo.
" Andami mo namang tanong. Magpalit ka na kaya. Matuyuan ka pa ng pawis sa ginagawa mo."
Natameme sya sa sinabi nito. In fairness, concern din ang mama. Or baka naman naaasiwa na ito sa kadugyutan nya.
Dahil sa naisip, walang lingon lingon syang nagmadaling umakyat para makapagpalit na ng damit.
Matapos magpalit ng pambahay, bumaba ulit sya. Oo nakapambahay pa din sya dahil hindi pa naman sya tapos maglinis.
Nadatnan nya si Mathew na nagma-mop ng sahig. Nakaayos na din ang dalawang sofa na inusog nya kanina.
" Hooy! Ano 'yang ginagawa mo?"
" Nagma-mop." balewalang anito na para bang hindi nya alam na nagma-mop nga ito.
" Akin na nga yan, bitaw na." akmang aagawin nya dito ang mop pero iniiwas lang nito iyon.
" Mathew ano, ba?!"
" Anong ano ba? Tinutulungan lang kita para matapos na agad at ng maaga tayong makaalis."
" Eh hindi ka naman sanay sa ganyan, eh."
" Marunong ako." anito saka nagsimulang mag-mop ulit. "See? It's so easy."
Napahalukipkip syang pinagmamasdan ito sa ginagawa. Para itong bata na naglalaro lang. Pero nakakatuwa din na all along akala nya hindi ito marunong makibagay sa mga katulad nya dahil nga anak mayaman. Laki sa karangyaan 'ika nga. Yun bang parang mga spoiled brat at mapagmata ng tao. In short masama ang ugali. Hindi nya akalaing may natatago rin pala itong ganitong side.
' Infairness ang pogi nyang mag- mop ng sahig. '
Kitang-kita rin ang paggalaw ng mga muscles nito sa braso at likod.
' Ang macho ng lolo mo!'
Nagulat pa sya nang may mag-doorbell.
" Bestieee!!!" tili ni Kakai pagkakita sa kanya.
'Tss. Napaka-iscandalosa talaga!'
" Long time no see bakla. Na-miss kita." anito ng pagbuksan nya ng gate at niyakap sya.
" Maka- longbtime ka naman, two weeks lang."
" Uy matagal din yun."
" Oa ka. Halos gabi-gabi naman tayong nagv-video call."
" O, sya sya. Pasok na tayo at marami akong dalang pasalubong sayo."
" Ha? Ahm.." bigla syang nataranta ng maalala si Mathew na nasa loob ng bahay nya. Next time na lang kaya. May pupuntahan pala ako eh."
" Ano ba yan, kainis ka naman eh." nakangusong anito. " Oh, sige tara hatid na kita."
" Sandy, I'm done here." biglang singit ni Mathew na nakasilip sa pintuan.
"O-M-G!"
Eto na nga ba ang naiisip nya, eh! Kitang-kita nya ang pamimilog ng mga mata ni Kakai.
" Who is th–" humigpit ang hawak nito sa braso nya. "Hoy Aliessandra nag-asawa ka na ba ng hindi namin alam?"
"Ano bang sinasabi mo? Hindi noh!" tinanggal nya ang pagkakahawak nito.
" Eh, bakit may lalaki sa bahay mo? Wait is that Mathew?!" nakatingin ito sa pinto kung nasaan ang binata.
Tango lang ang sagot nya.
" Ah, kaya pala may poging car sa tapat ng bahay mo, ang pogi din ng driver." naiikot nya ang mga mata sa sinabi ni Kakai. Umandar na naman kasi ang pagkabakla nito.
" Tara na nga sa loob. Ang ingay ingay mo." hinila na nya ito papasok.
***
" Hindi nga, may date kayo? "
" Ano'ng date?!" pinanlakihan nya ito ng mata.
Buti na lang at nasa banyo si Mathew. Pinahiram nya ito ng towel kanina para makaligo dahil basang basa ng pawis ang suot nitong damit kanina. Boy scout din ito at palaging may baong extra shirt sa kotse. Sya naman ay naghahain ng tanghalian nila. At etong bruha nyang kaibigan hindi sya tinatantanan ng katutukso. Sinabi na nga nya kung bakit sila magkasama ni Mathew, nangungulit pa rin.
" Oh, sya sige na. Uwi na 'ko."
" Hindi ka na dito kakain?"
" Hindi na, wag na. Sa bahay na' ko kakain ng lunch. Para makapagsolo na kayo."
" Kakaiii!" gigil na banta nya. Pinandilatan nya na din ng mata.
" Eto naman masyadong pikon." natatawang anito."
" Heh!"
" Naks, haba ng hair ni ate gurl." humagikhik pa ito. Akmang hahablutin nya ang buhok nito ng tumunog ang pinto ng banyo.
Lumabas si Mathew na fresh na fresh. Pero sabon nya ang naamoy nyang gamit nito. Natural dahil wala namang panlalaking sabon dito sa bahay nya.
" Hey, Mathew una na'ko."
" Hindi ka samin sasabay mag-lunch?" tanong din dito ni Mathew
" Naku, hindi na. Sa bahay na. Baka magka diabetes ako bigla eh."
'Bruha talaga!'
Kita nya ang pagkunot ng noo ng binata. Hindi nito na-gets ang sinabi ni Kakai.