PROLOGUE
This is a work of fiction. Names, characters, businesses and places are purely coincidental. Some events and incidents are purely products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or death or actual events are purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the author's permission.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!
Warning: Some scenes are prohibited and not suitable for very young readers. Read at your own risk.
________________________________________
PROLOGUE
Gamit ang bike na itinakas nya lang sa kanyang ama, binaybay ni Sandy ang kahabaan ng malapad na kalsada sa gitna ng palayan. Alas-singco na ng hapon at sarap na sarap syang damhin ang hangin sa kanyang mukha at braso. Enjoy na enjoy syang mag-bike ng ganoong oras. Napaka raming ibong maya sa gitna ng daan at nagliliparan kapag nadaanan.
Binilisan pa nya ang pag pedal. Kailangang makabalik din agad sya sa kanila bago dumilim dahil siguradong hahanapin sya ng kanyang Tatay at tiyak na masesermunan na naman sya kapag nalaman nitong itinakas na naman nya ang bike nito.
Dahil sa pagmamadali, nakalimutan nyang blind spot nga pala ang parteng iyon dahil pakurba ang daan kaya hindi nya napansin agad ang isang kotseng pasalubong sa kanya. Kamuntik na siya nitong mabangga kung hindi lang sya naka iwas agad.
Tumilapon ang bike nya dahil sa bigla nyang pagliko. At syempre tumilapon din sya sa tabi ng kalsada. Buti na lang at dito sya bumagsak sa madamong bahagi ng lugar na iyon at hindi sa irrigation canal na puro bato. Yun nga lang maputik din sa bahaging iyon dahil kauulan lang kanina kaya eto sya ngayon, puno din ng putik. Naka puti pa man din sya.
" Miss, are you all right? " tanong sa kanya ng isang lalaki na dali daling bumaba mula sa kotseng muntik ng bumangga sa kanya.. Napatingala sya dito para sana singhalan ito at awayin dahil sa nangyari. Pero walang kahit anung salitang lumalabas sa bibig nya at tulalang nakatitig lang sya sa gwapong mukha nito.
Napahiya naman sya bigla nang makitang pinagtatawanan sya nito. Ang kaninang paghanga nya para dito ay napalitan ng inis.
" Mukha ba 'ko'ng okay?" mataray at gigil na gigil nyang sagot habang sinusubukang tumayo.
" Halika dadalhin kita sa hospital." anito at akmang aalalayan pa sya.
Bigla naman syang na conscious sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Tinabig nya ang kamay nito nang akmang hahawakan sana sya.
" Hindi na. " aniya at luminga linga. " Ayun yung bike ko. Yun na lang ang kunin mo dahil kapag ako pa ang kumuha no'n baka ihampas ko pa sa'yo."
" Ang sungit mo naman Miss." anito pa pero sumunod din naman ito at napapangiting iniabot nito sa kanya ang bike.
" Here's your bike. It seems okay naman."
" Pasalamat ka! Akin na." pahablot nyang kinuha iyon at sasakay na sana sya sa bisekleta para maka alis na sa lugar na iyon.
" Hey wait! Teka lang Miss sungit..." bigla nitong pinigilan ang manibela ng bike.
" A-ano ba yon? " pasinghal na tanong nya dito.
" Hinahanap ko kasi ang bahay ni Mang Juancho. Pwede mo ba'ng ituro kung saan?"
Si Tatay? Hinahanap nya si Tatay? Bakit? naisaloob niya.
" Miss? " untag nito sa kanya saka nakakalokong ngumiti. Hindi kasi sya agad sumagot at nakatitig lang dito.
Hmp! baka akala ng mokong na ito nagugwapuhan ako sa kanya dahil nakatulala ako.
Saglit muna syang nag-isip bago sumagot.
" Dire-diretchohin mo lang 'yang kalsada na iyan. Tapos pagdating mo sa intersection kumanan ka tapos kumaliwa ka ulit. Andon na ang bahay ni Mang Juancho." pigil nya ang matawa.
" Thank you Miss! " anang lalaki sabay kabig nito sa baywang ni Sandy na ikinabigla naman ng dalaga. Lalo ang sumunod na ginawa nito. Mabilis na hinalikan sya ng estrangherong lalaki sa labi.
" Bastos! Walanghiya!" gigil na sigaw ni Sandy sa lalaking mabilis na nakalayo at sumakay ng kotse nito at agad na pinatakbo iyon palayo.
Wala sa sariling napahawak sya sa labi nya.
" Hinalikan nya ko? " pabulong nyang sabi. " Ang first kiss ko!"
" Huuuh! Ninakaw ng walang hiyang 'yon ang first kiss ko! " Gusto nyang maiyak at nagpapadyak na lang sa inis dahil sa nangyari.
Fifteen pa lang kasi sya at hindi pa sya nagkaka boyfriend. Madami sana ang gustong lumigaw sa kanya lalo ang mga kaklase nyang lalaki kaso palagi nyang binabasted dahil pag-aaral talaga ang gusto nyang unahin. Isa pa nakakahiya kay Donya Paz, ito ang may-ari ng hacienda na pinagtatrabahuhan ng Tatay nya. Ito rin kasi ang nagpapa aral sa kanya. Isa kasi sya sa mga scholar na sinusuportahan nito. Tapos nahalikan lang sya ng ganun ganun lang ng isang lalaking ni hindi nya naman kilala?
Disappointed na sumakay na lang sya sa bisekleta. Kahit kasi maglupasay pa sya, wala din namang mangyayari dahil nakuha na nito ang iniingatan nya sanag first kiss nya. Napatingin sya sa kalsadang dinaanan ng kotse ng lalaki. Itinuro nya kasi ito sa maling direction.
" Hmp! maligaw ka sana at 'wag na wag kang magpapakita pa ulit sa'kin dahil babalian talaga kita ng buto walanghiya ka! "
*********
Dahan dahan at halos patingkayad ang lakad na ginawa ni Sandy papasok ng kanilang bahay. Sa likod sya dumaan para siguradong hindi sya makita ng Tatay nya. Kailangan nya munang makapagpalit ng damit dahil puro putik ang suot nya.
" Saan ka na naman ba nanggaling na bata ka, ha? " halos mapatalon si Sandy sa boses ng Nanay nya. Akala pa naman nya ay walang tao doon.
" Nay, namasyal lang po ako..." aniya
" Itinakas mo na naman ang bike ng Tatay mo. Ilang beses ba'ng sasabihin sayo na dalaga ka na at wag ka ng lalabas ng bahay kapag mag gagabi na."
" Nay, nag-ikot ikot lang po ako. "wag nyo na po ako'ng isumbong kay Tatay." nilambingan pa nya ang boses.
" At ano ba yang suot mo, bakit puro putik? Maligo ka nga muna doon bago ka pa makita ng Tatay mo. Pati ako, siguradong mapapagalitan sayo nyan,eh."
" I love you Nanay! " mabilis nya itong hinalikan at patakbong nagtungo sa sariling silid para kumuha ng pamalit bago nagtungo sa banyo para maligo. Ang Nanay naman nya ay naiiling na lang sa kanya.
Pagkatapos maligo, bumalik ulit sya sa kwarto nya at hindi nya namalayang nakatulog na pala sya. Maya maya pa'y narinig nya ang pagkatok na kanyang Nanay sa pinto. Tinatawag na sya nito dahil nakahain na daw ang hapunan nila.
" Sige po Nay, susunod na po ako..."
Maya maya lang ang bumaba na din sya.
Matapos ang hapunan, sya na ang naghugas ng kanilang pinagkainan. Ang mga magulang naman nya ay nagpunta na ng kanilang salas para makapag pahinga. Pagkatapos ng ginagawa naisipan nyang sumunod din sa mga ito. Napatigil sya sa paghakbang nang marinig nya ang boses lalaki na kausap ng kanyang mga magulang. Naisipan nyang sumilip muna sa kurtina. Bigla syang nataranta ng mapagsino ang kausap ng mga ito.
Ang lalaking muntik ng makabangga sa kanya! Ang lalaking nagnakaw ng first kiss nya!
Walang ingay at patingkayad syang naglakad papunta sa may hagdan. Aakyat na lang sya ng kanyang kwarto dahil baka kapag nakita sya ni Mamang ano... ni mamang maniac, baka isumbong sya sa Tatay nya paniguradong mapapagalitan na naman sya.
Hindi pa man sya nakaka-tatlong hakbang nang tawagin sya ng kanyang Tatay.
" Sandy, anak, halika ipapakilala kita sa apo ni Donya Paz."
A-ano daw? apo ni Donya Paz? Patay! aniya sa sarili at bahagya pa syang napangiwi nang makitang lumingon din sa gawi nya ang lalaki. Dahan dahan naman syang lumapit sa mga ito. Hindi nya makuhang tumingin man lang sa lalaking ito dahil kahit hindi nya nakikita ang mukha nito, alam nyang nakangiti ito ng nakakaloko.
" Seniorito, sya ang anak namin. Si Sandy."
" Oh, hi Sandy. Nice to meet you again." nakangiti nitong sabi at naglahad pa ng palad sa kanya para makipagkamay. Napataas kilay tuloy sya habang nakatingin sa kamay nito.
Napipilitang tinanggap na lang nya ang pakikipagkamay nito dahil nakita nyang masama ang tingin sa kanya ng kanyang Tatay. Nainis naman sya nang bahagyang pisilin nito ang kamay nya kaya agad nyang binawi iyon.
" Seniorito, bakit nga pala ginabi ka na ata sa pagpunta dito? " Tanong ni Mang Juancho sa binata.
Naniningkit ang mga matang napatingin ito sa kanya. Sya naman ay hindi mapakali. Paano na lang kapag nagsumbong ito sa Tatay nya? Paniguradong malilintikan sya. Malay nya bang apo pala ito ni Donya Paz.
" Naligaw po kasi ko Tay." narinig nyang sagot nito.
At nakikitatay pa talaga, ha? Inirapan nya ito nang magtama ang mga mata nila.
" Actually, maliwanag pa talaga kanina nung papunta ako dito. May nakasalubong po kasi ko na babaing naka bike. When I asked her kung saan ang daan papunta sa bahay nyo, maling daan ang itinuro sa 'kin. Imbes na dito, sa bayan pa ko nakarating. " anito pa na nakatitig pa rin sa kanya.
Naitakip na lang nya sa mukha ang hawak nyang unan dahil sa pambubuko nito sa kanya. Kung pwede nga lang ay gusto na nyang lumubog sa kinuupuan nya ng sandaling iyon. Nakita nyang napapailing ang kanyang Tatay. Alam nyang alam na ng mga ito na sya ang babaing naka bike na tinutukoy ng lalaking ito. Sya lang naman kasi ang babaing mahilig magbike sa lugar na iyon lalo kapag ganoong oras. At paniguradong lagot sya nito mamaya.
" Naku, seniorito pagpasensyahan mo na sana itong si Sandy... talagang makulit lang ang batang iyan." anang Nanay nya saka bumaling sa kanya. " Sandy magsorry ka kay Seniorito Mathew. Nakakahiya ang ginawa mo."
" Nay naman,eh... hindi ko naman po alam na sya pala ang apo ni Lola Paz."
Lola na ang tawag nya kay Donya Paz dahil iyon din ang gusto ng matanda na itawag nya dito. Malapit kasi ang loob nila sa isat-isa lalo at madalas sya nitong pinapatulog sa mansion dahil para na syang tunay na apo nito kung ituring..
At saka, mas malala naman po ang ginawa nyan sa'kin. Muntik na kaya akong banggain nyan. Tapos ninakawan pa ko ng halik!
Hindi nya maisatinig ang gusto nya sanang sabihin dahil alam nyang mas masesermonan lang sya. Kabilin bilinan kasi ng mga ito na wag syang maglalalabas dahil delikado daw lalo sa may kurba. Madami kasi ang naaksidente roon. Yun nga at kamuntik na rin sya.
" Nay Mercy, okay lang po. wag nyo na po pagalitan. Nakarating naman po ako dito ng maayos." anito naman na nakatingin sa kanya. Inirapan nya lang ito saka nagpaalam na sa mga magulang na aakyat na lang sa kwarto nya para magreview.
" Hindi ka pa humihingi ng paumanhin Alessandra. " kalmado pero may pagbabanta sa tining ni Mang Juancho.
Kahit labag sa loob ay sumunod na lang sya. " Sorry po Seniorito." aniya na labas sa ilong.
Hindi na nya inantay ang sagot nito at agad na syang tumalikod. Hindi rin naman kasi sya interisado sa ipinunta dito ng maniac na iyon.
Teka, ano na nga bang pangalan non?
" Mathew? " sambit nya sa pangalan nito.
" Hmp! ganda ng pangalan ang maniac naman. " bubulong bulong na kausap nya sa sarili habang inaayos ang mga libro nya sa ibabaw ng kanyang lamesita.
" Makapag-review na nga lang gaganda pa ang mga grades ko."
_________________________________
A/N
No haters please❤️
Enjoy reading po!