CHAPTER ONE

1267 Words
" Bestfriend!!!! " tili ni Kay at excited na pumasok sa loob ng opisina ni Sandy na nasa loob lang din ng mansion ni Donya Paz dito sa Hacienda Andrada.. Humalik ito sa pisngi nya ng makalapit. " Oh anong nangyari sayo at mukhang sobrang saya mo? " " Nag-aaya kasi si Jake mag beach. Punta daw tayo sa resort nila sa Batangas." anitong di maalis alis ang pagkakangiti at parang nasa cloud-9 na umupo sa visitors chair na nasa loob ng opisina. Si Jake ang bunsong anak ng mayor dito sa bayan nila. Mabait ang binata at naging kaibigan na nila simula nung mga nag-aaral pa sila. Hanggang ngayon lagi itong bumibisita at nagdadala ng kung anu-anong regalo sa kanila ni Kakay. Bukod kay Donya Paz, sina Jake at Kakay na ang itinuturing nyang pamilya simula ng sabay na mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente. " Kelan naman daw? " aniya habang inaayos ang mga papel na nasa ibabaw ng desk niya. " Kung kailan ka daw libre." natawa naman sya sa sinabi nito. " Siguro kinulit mo na naman ang isang iyon, ano? " Sigurado kasing kinulit na naman ni Kakay ang binata kaya ganon ang naging sagot nito. Sa kanya na naman nakasalalay ngayon kung matutuloy ba o hindi ang pagpunta nila ng beach. " Pumayag ka na... tagal na nating hindi nagbi-beach." parang batang anito. " Hindi ako pupwede ngayon... Alam mo naman diba? Ako lang inaasahan ni Lola Paz dito sa Hacienda. pwede naman kayong mauna ni Jake don, tsaka na lang ako susunod." " Hmp! ang kj mo talaga." irap nito sa kanya. " Ako pa talaga ang kj? Eh, di ba nga gusto mo'ng masolo si Jake? oh ayan binibigyan na kita ng chance." tatawa tawa nyang sagot dito. Alam nya naman kasing matagal ng may lihim na pagtingin ang matalik nyang kaibigan para sa binata. " Ang tanong, gugustuhin ba nung isang iyon na ako lang ang kasama nya?" anitong nakataas pa ang isang kilay sabay halukipkip. " Eh kahit siguro maghubad pa ko sa harap non, hindi pa rin ako non papansinin dahil obvious na obvious namang ikaw ang gusto non, noh." " Ako?" hindi makapaniwalang tanong nya at napaturo pa sa sarili. Sa tagal na kasi nilang magkakaibigan, hindi naman sya nakakaramdam ng kakaiba sa mga ipinapakita ni Jake sa kanya. "Hoy Kakay 'wag mo ngang binibigyan ng malisya ang pagiging mabait sa'kin ni Jake." " Manhid ka lang kasi... " anito pa. " Loka-loka! Hindi ako manhid. Sadyang madumi lang yang isip mo." " Ano'ng hindi? " tinaasan nya din ito ng kilay. " Hindi ka lang manhid, bulag ka na rin. " " Tigilan mo nga ako. Nakakahiya kay Jake kapag narinig nya ang mga pinagsasabi mo. " " Hmp! Baka nga magpasalamat pa yung mokong na yun sa'kin,eh. Abangers kaya 'yon." " Abangers? " ulit nya sa huling sinabi nito. Ito talagang babaing ito kung anu-ano ang mga lumalabas sa bibig na hindi nya na maintindihan minsan. " Abangers! tawag yon sa mga nag-aabang. Si Jake yun, isa sa mga dakila mong abangers. Inaabangan ka na non matagal na... manhid ka nga lang talaga... nag-aantay ng tyempo kung kailan ka nya pwedeng ligawan. " anitong kumukumpas kumpas pa ang mga kamay na parang naglelecture. " Tumigil ka nga... Baka may makarinig pa sayo, nakakahiya." Natawa lang si Kakay sa sinabi nya pero tumigil din ito at iniba ang topic. " Anu nga ba meron dito at masyado ka naman atang busy? " " Nirereview ko kasi tong mga papers. Naghahanap kasi ko ng mga investors na pupwedeng mag-invest dito sa Hacienda. " " Wow, ha. Kung mag-alala ka naman para sa Hacienda parang ikaw ang may-ari." " Kakay, trabaho ko yun..." " I know pero parang sobrang workaholic mo naman na. Imagine, halos buong araw ka'ng naka kulong dito sa office. Kulang na nga lang dito ka na din sa bahay ni Donya Paz matulog. Bihira ka ng makipag bonding samin." " Ngayon lang 'to... " aniya at luminga linga muna sa paligid. " Dadating kasi yung mayabang na apo ni Lola Paz." pabulong nyang sabi. " Si Mathew? " napalakas nitong bigkas sa pangalan ng lalaki. Pinandilatan naman nya ito kaya hininaan din nito ang boses. " Kelan ang dating? " " Hindi sinabi kung kailan... Basta ang dinig ko lang magbabakasyon daw dito, At kailangang matapos ko na ang mga trabaho ko dito bago pa man sya dumating at nang makapag leave na din ako ng matagal." " What? magle-leave ka pagdating nya? Hindi ka ba excited makita ang first kiss mo? " pabulong nitong pang-aasar sa kanya. Pinandilatan naman nya ito. " Tumahimik ka nga! May makarinig sayo dyan,eh." Buti na lang at nagkataong absent ngayon ang kasama nya dito sa opisina kung hindi ay talagang masasabunutan nya na itong babaing ito sa kadaldalan. " So ano nga? hindi ka nae-excite? magkikita ulit kayo ng Mathew mo after seven years. " ulit pa nito. " Hindi, okay? " mataray nyang sagot dito. Napaka kulit talaga ng Kakay na ito kahit kelan. Kung bakit ba kasi naikwento kwento pa nya dito ang nangyaring paghalik sa kanya ng lalaking iyon seven years ago. " Weh...? " pinandilatan na nya ito. " Ang kulit mo! " " Im just wonderin' lang kasi... bakit hanggang ngayon ayaw mo pang magpaligaw? Haler twenty-two ka na kaya... hanggang ngayon hindi mo pa nararanasang magka boyfriend. " " Oh, eh ano naman? Kung makapagsalita ka dyan. Bakit krimen na ba ngayon pag wala ka pang nagiging boyfriend kapag nag twenty-two ka na? " " Sissy, yung ganyang edad pwede na ngang mag-asawa yan eh. Tingnan mo yung mga naging classmates natin dati nung high school marami na sa kanila may asawa na. Kung hindi may asawa may jowa naman. " " At pano mo naman nalaman? " " Duh! " maarteng anito." Try mo kayang mag open ng sss minsan. Puro ka lang trabaho eh." " What's sss? " " My gosh! Saang cave kb nanggaling?" tila nae-eskandalong anito." sss. f*******:. Di ba nga ginawan na kita ng account mo kasi super tamad ka gumawa? " " Ahh..okay. " aniya sabay tango. " Nakabalandra kaya sa social media ang mga status nila." " Yaan mo na sila doon sila masaya." " Whatever!!!! " inikutan lang sya nito ng mata. " Pero aminin mo... hanggang ngayon naaalala mo pa yung kiss nyo? " " Anong pinagsasabi mo? Sya lang ang nanghalik sa'kin at hindi ako... tsaka saglit lang naman iyon. Kaya nga nakaw,eh. " " Pero sya pa rin ang first kiss mo. At hanggang ngayon wala pang ibang nakakahalik sayo. Sya kaya, naalala ka pa kaya nya? " " Aba, malay ko! " " Tss! Ang defensive mo..." inirapan na lang nya ito habang tawa naman ito ng tawa dahil sa pamumula ng pisngi nya. " Alam mo, ikaw, kapag hindi mo ko tinigilan... sasabihin ko kay Jake wag nang ituloy ang pagpunta nyo sa beach. " banta nya dito. " Hmp! ang kj mo talaga! Sige na nga... Aalis na lang ako..." anito sabay tayo. humalik muna ito sa kanya bago naglakad palabas. Nang nasa may pinto na ito muli itong lumingon sa kanya. " Sama ka ba? Bar tayo maya." " Pass muna ko... Kayo na lang ni Jake mo. " Ngumiti ito ng pagkatamis tamis sa kanya dahil mukhang nagustuhan nito ang sinabi nyang 'Jake mo'. Haay, baliw na talaga 'to. " Okay, bye... Mwaah!" nagflying kiss pa ito bago tuluyang lumabas. Naiiling na lang syang sinundan ng tingin ang kaibigan. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD