Gustuhin man ni Sandy na umalis at magleave ng matagal, hindi rin pupwede dahil una ay hindi sya pinayagan ni Donya Paz at ang pangalawa ay hindi pa rin nya makuha ang contract mula sa company ni Mr. Rodriguez. Nag out of town daw kasi ito kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita at nagkakausap.
Ngayon ang dating ni Mathew dito sa Hacienda at ang lahat ng tao sa mansion ay abala at excited, maliban sa kanya. Bored na bored na nga sya kanina pa. Buti na lang at dumating si Jake.
Matalik na magkaibigan din sina Jake at Mathew noon. Actually hanggang ngayon din naman. Kaya nga ito nagpunta dito ngayon.
" Jake, palamig ka muna..." aniya at iniabot dito ang isang baso ng tinimpla nyang juice.
" Thanks Allie! Ang thoughtful mo talaga..." anito namang nakangiti. Sa lahat ng kakilala nya, ito lang ang bukod tanging tumatawag sa kanya ng Allie.
" Sira, juice lang yan,eh." tinitigan nya naman ito. " Wow, ang gwapo naman ng porma mo ngayon,ha. San ang lakad mo mamaya? "
" Tss! Ngayon mo lang napansin? Palaging ganito porma ko tuwing magkikita tayo, ngayon mo lang talaga na appreciate?" anitong bahagyang nakasimangot.
Natawa naman sya sa reaksyon nito.
" Eh sa ngayon ko lang talaga napansin,eh. Bakit ba? " aniya para lalong asarin ito. Pero ang pagsimangot nito ay napalitan ng matamis na ngiti.
" So ibig sabihin, nakikita mo na ang kagwapuhan ko ngayon? Nagkaka crush ka na sa'kin,noh? " tukso naman nito sa kanya.
" Tss! ang yabang, ha! " natawa naman ito at pinanggigilan ang ilong niya.
" Ang cute cute mo talaga!!!! " malakas nyang tinampal ang kamay nito para mabitawan ang ilong nya. Aba masakit kaya yon.
" Sandy, andyan na sina Donya Paz." excited na sabi ni Nana Stella sa kanila at nag-uunahan ang mga kasambahay nila sa pagpunta sa labas para salubungin ang mga bagong dating. Tumayo na din sila ni Jake at inalalayan pa sya nito papalabas.
Hindi naman sya excited makita si Mathew kagaya ng lahat ng mga tao dito pero bakit parang bigla syang kinabahan?
Unang bumaba ng sasakyan si Lola Paz nang pagbuksan ito ni Mang Ben, ang kasama nilang driver. Ang mga ito kasi ang sumundo sa binata sa airport. Isinasama sana sya ni Lola Paz nya kanina pero nagdahilan syang masakit ang ulo nya kaya hindi na sya nito pinilit pa.
Maya maya lang ay bumaba na rin ang isang matangkad na lalaking kasing tangkad lang ni Jake. Ewan ba nya at parang naging slow motion ang galaw nito habang palapit sa kanila.
Ang gwapo niya...at parang mas lalo syang gumwapo ngayon...
Bahagya syang napailing sa mga naiisip. Napalingon naman sya sa mga kasambahay nila na di maitago ang kilig. " Si Seniorito Mathew na ba yan? Ang gwapo naman nya..." anang isa. " Oo nga ang gwapo gwapo nya." ani naman ng isa.
" Uy Dude! musta? " narinig nyang bati ni Jake dito na pagkatapos mag fist bump ay nag manly hug pa ang dalawa.
" Welcome home Seniorito!!! " panabay namang bati ng mga kasambahay at ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis sa mga ito. Maya maya pa'y napadako ang tingin nito sa kanya. Unti unting nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagka kunot-noo.
Agad syang nagbawi ng tingin dahil parang bigla syang nailang. Napipilitang bumati rin sya dito dahil nakakahiya naman kung hindi,di ba? Sa kanya kaya nakatingin lahat ng mga nando'n ngayon.
" Welcome home po Seniorito." pormal nyang bati dito sabay lahad ng kamay. Tinanggap naman nito ang pakikipagkamay nya habang titig na titig sa kanya at kunot na kunot ang noo na para bang pilit inaalala kung magkakilala ba sila.
Hindi rin nagtagal ang pakikipag-kamay nya dito dahil agad din nyang binawi ang kamay pabalik. Parang may mumunting kuryente kasing nagmumula sa mga palad nito papunta sa kanya. Nakakapaso at nahihirapan syang huminga dahil parang may mga paru-parong nagliliparan sa sikmura nya.
" Hijo, she's Alliesandra. Sya yung anak ng Tatay Juancho mo." ani naman ni Donya Paz na nakahawak sa braso ng apo.
" Oh, Sandy... Yes yes, naalala na kita. " anitong pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan nya. Namula sya bigla dahil sa sinabi nitong naalala sya nito at sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya habang nakangisi ng bahagya..
Ano nga bang maaalala nito sa kanya bukod do'n sa aksidenteng muntik na nitong pagkakabundol sana sa kanya at ang kapangahasan nito ng hinalikan sya?
Hoy Sandy! wag ka ngang assuming dyan! Laking States yan, kaya imposibleng maalala pa nyan ang pagkakahalik sayo.
Lihim nyang pinagalitan ang sarili.
" Ang mabuti pa sa loob na lang tayo magkwentuhan habang kumakain." ani Donya Paz at niyaya na silang pumasok.
Sa komedor na sila nagtuloy. Sa kabisera naupo si Donya Paz na ipinaghila pa ng upuan ni Mathew. Si Jake naman ipinaghila din sya ng upuan sa bandang kaliwa kaya magkatapat sila nito ngayon na nasa bandang kanan ni Donya Paz. Umupo naman si Jake sa tabi nya.
Masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang kumakain. Grabe napakaraming ipinahandang pagkain ni Donya Paz. Lahat daw nito ay paborito ng apo.
Sya naman ay tuloy lang sa pagkain at nakikinig lang sa usapan nila. Sumasagot naman sya kapag may itinatanong sa kanya sina ang donya at si Jake.
" So, where's the pigtail, Sandy? " nagulat pa sya sa tanong ni Mathew sa kanya kaya napatingin sya dito. Nakangiti ito habang titig na titig sa kanya.
Bahagya tuloy tumaas ang kilay niya. Kung makapagtanong naman kasi ito akala mo naging close sila dati? Eh hindi nga sila nito nagpapansinan pagkatapos ng ginawa nitong kamaniac-an sa kanya. Tuwing isasama kasi siya ng tatay nya dati dito sa Hacienda laging naka pigtail ang buhok nya. Para syang lalaki dati kung kumilos at manamit at pag nagkikita sila nito hindi sya nito pinapansin dahil kapag pinansin sya nito ay napapahiya lang dahil puro singhal at irap lang ang ginagawa nya.
" Oh! " si Donya Paz na matamis ang mga ngiti habang palipat-lipat ang tingin sa kanila. "There's no more pigtails hijo. Hindi na boyish Alliesandra ang kasama natin ngayon, look at her, di ba mas lalo syang gumanda? "
Ramdam na ramdam nya ang pag-iinit ng pisngi nya. Hindi man nya nakikita ay alam nyang sobra ang pamumula niyon kaya naman napayuko na lang sya. Sanay naman syang palagi syang pinupuri at sinasabihan ni Lola Paz nya ng maganda pero ngayon lang sya nag-blush ng ganito at sa harapan pa ni mokong.
Hindi nya narinig na sumagot ang binata. Malamang na pinagtatawanan sya nito dahil sa pamumula nya. At nang mag-angat sya ng tingin ay sandaling nagtama ang mata nila. Andoon na naman ang nakakainis na pag-ngisi nito. Hindi na lang nya iyon pinansin at itinuloy ang pagkain.
" Hijo, buti naman at naisipan mo'ng dalawin kami dito..." ani ng Donya na lihim nyang ipinagpasalamat dahil wala talaga syang balak kausapin at makipag plastikan sa lalaking ito.
" Masyadong busy lang Lola."
" Baka pinapasakit mo na naman ang ulo ng Mama't Papa mo don. "
" Si Lola talaga... Uy, Jake, kumusta pala sina Tito? Pakisabi naman kay Tita Mel miss ko na ang adobo nya " anito namang obvious na iniiba ang topic.
" Okay naman si Daddy, ayun laging busy sa munisipyo. Sige sabihin ko kay Mom. Miss ka na nga din nun,eh."
" Sige kapag hindi na ko busy dadalawin ko sila. Wag mo munang sabihing andito ko, ha? I want to surprise them. "
" Sure bro! " ani naman ni Jake pagkuwa'y binalingan sya. " Allie, try this." ipinagbalat sya nito ng hipon bago ipinaglagay sa plato nya.
" Thanks! " nakangiti naman nyang sabi sa binata. Nakita naman nya ang pagkunot noo ng kanyang kaharap habang nakatingin sa kanila ni Jake.
****
Kakatapos lang nilang maghapunan at nasa marangyang salas sila ngayon dito sa mansion nang magpaalam na si Sandy na uuwi na. Dapat ay kaninang hapon pa sya nakauwi. Kaso hiniling sa kanya ni Donya Paz na dito na lang sya maghapunan kasabay nila. Sino ba naman sya para tumanggi sa munting hiling nito. Hindi tuloy sya nakasabay kay Jake at nauna na itong umuwi. May family dinner daw kasi ang mga ito kaya kailangang makauwi na ito ng bahay bago ang hapunan.
" Hija, magpahatid ka na lang kay Mang Ben." ani Donya Paz.
" Naku, Lola, wag na po. Magko-commute na lang po ako." tanggi naman nya.
" Anu ka ba namang bata ka... Gabi na,oh. Sige na magpahatid ka na..." bakas ang pag-aalala sa boses nito kaya napangiti sya.
" Sige po Lola magpapahatid na po ako. Alis na po ako. Puntahan ko na po si Mang Ben." yumakap muna sya sa matanda at humalik sa pisngi nito bago tuluyang lumabas ng bahay.
Nakasalubong naman nya si Mathew sa may pintuan. Huminto ito pagtapat nya. Alam nyang nakatingin si Donya Paz sa kanila kaya huminto na lang din sya at napipilitang nagpaalam sa binata.
" Mauuna na po ako Seniorito..." aniya at tumango lang ito sa kanya at tumuloy na papasok.
Tumango lang talaga?
Bakit anu ba ini-expect mo'ng gawin nya?
Hmp! anu ba to'ng mga pinag-iiisip ko?
Lihim nyang sinita ang sarili dahil sa mga naiisip. Pinuntahan na lang nya si Mang Ben para magpahatid pauwi.