Maagang nagising si Sandy ngayong umaga. Umuwi sya nung isang gabi dito sa bahay nila. Day off kasi nya kahapon sa trabaho. At ngayon, back to normal na naman ang buhay nya. Kailangan na nyang bumalik sa Hacienda para magtrabaho.
Business Management ang course nya noong college kaya naman madali na lang para sa kanya ang trabahong ibinigay sa kanya ni Donya Paz. Isa pa napakalaki ng tiwalang ibinibigay nito sa kanya kaya hindi nya ito pwedeng biguin.
Naghahanda na sya sa pag-alis nang marinig ang tunog ng doorbell. Sumilip muna sya sa bintana. Nakita nya si Jake na nakatayo sa tabi ng sasakyan nito. Pinagbuksan naman nya agad ito ng gate.
Anong ginagawa nito dito? Ang aga naman ng punta nya.
" Good morning Allie! " naka ngiting bungad nito sa kanya at humalik sa pisngi nya ng makalapit.
" Good morning too Jake. Napadaan ka? "
" Yeah. Wala naman kasi ko'ng magawa sa bahay,eh. Naisipan ko'ng ako na ang maghatid sayo sa hacienda."
" Sigurado ka? Hindi ba ko nakaka abala sayo? "
" Ano ka ba? Syempre hindi. Ikaw pa malakas ka sa'kin."
" Tsss. 'Pag ako na spoiled sayo, sige ka... araw araw mo na ko'ng susunduin dito..."
" Aba abuso ka din pala,ha? " biro naman nito. " Pero sige, willing naman ako,eh." anito sabay kindat sa kanya.
" Sira! Pumasok ka kaya muna, hindi pa kasi ko tapos mag ayos ng mga dadalhin ko..." niluwagan nya ang bukas ng pinto para papasukin ito. " Kumain ka na pala? "
" Tapos na... Alam mo naman si Mommy, hindi ako paalisin nun ng bahay kapag hindi ako kumain ng niluto nya..."
" Ah buti naman... akala ko dito ka pa makiki kain,eh... " biro naman niya. Nagulat sya ng bigla nitong pisilin ang magkabilang pisngi nya.
" Ang sweet sweet sweet mo talaga..." anito habang gigil na gigil.
" Araay! Masakit ha. " inalis nya ang kamay nito sa mukha nya. " Maupo ka na nga lang dyan... Sandali na lang ako. "
Tatawa tawa namang sumunod ito sa kanya. Sya naman ay dali daling umakyat na ulit sa kwarto nya para kunin ang mga gamit nya. Matapos ang ilang minuto bumaba na din sya.
Si Jake pa ang nag-lock ng bahay nya bago sila tuluyang umalis. Habang nasa sasakyan, panay ang tawa at kwentuhan nila. Hindi talaga boring kasama ang binata dahil may pagka kalog din ito kagaya ni Kakay. May thirty minutes din ang ibinyahe nila bago makarating sa hacienda.
Matapos maipark ang sasakyan, agad na bumaba ang binata at ipinagbukas pa sya nito ng pinto at inalalayan pa sya sa pagbaba. Napaka gentleman talaga nito. Nagtatawanan pa sila habang naglalakad papasok ng mansion nang makasalubong nila si Mathew na kabababa lang ng hagdan. Fresh na fresh ang hitsura nito at halatang bagong ligo dahil basa pa ang buhok nito. Napatigil ito sa paglalakad at naka kunot noong tumungin sa kanila.
" Dude, morning! " nakangiting bati dito ni Jake.
" Ang aga mo namang pumasyal. May appointment ka ba kay Lola ngayon? " naka kunot noo pa rin ito habang sinasabi iyon.
" Ah wala naman... Hinatid ko lang si Allie para hindi na sya mahirapang mag commute papunta dito." si Jake.
Napadako naman sa kanya ang tingin ni Mathew. Nawala na ang pagka kunot ng noo nito pero naging pormal naman ang mukha.
" Good morning Mr. Montecillio." bati naman nya dito at binigyan nya ito ng tipid na ngiti or napipilitang ngiti. Tumango lang ito sa kanya.
" By the way, I have to go na rin Allie. May appointment din kasi ko mayang nine. Kita na lang tayo ulit." paalam ni Jake. " Matt, dude mauna na ko,ha. Inom tayo pag balik ko dito."
Ngumiti naman si Mathew dito. Si Jake naman humalik muna sa pisngi nya bago tuluyang lumabas. Halatang nagmamadali ito sa pag-alis.
Sira ulo kasi... Hinatid hatid pa ko dito may appointment naman palang pupuntahan. Ngayon magmamadali...
Bahagya pa syang napangiti habang nakatingin sa paalis na binata. Nang tuluyang mawala ito sa paningin nya, nagpasya na syang dumiretso sa opisina nya. Bahagya pa syang nagulat dahil pagpihit nya paharap nakita nyang ando'n pa rin si Mathew sa kinatatayuan nito. Kunot na naman ang noo nito at marahil ay kanina pa nakatingin sa kanya. Naconcious tuloy sya bigla.
" Excuse me sir, pasok na po ako..." aniya na hindi tumitingin dito. Nilagpasan nya ito at mabilis na syang naglakad papunta sa opisina nya.
****
Dahil sa sobrang busy nya, hindi na nya namalayan ang oras. Hindi pa rin sila nagkikita ni Donya Paz dahil hindi pa rin ito nagagawi sa opisina.
" Miss Sandy, lunch break na po... Tawag ka ni Donya Paz, sabay na daw kayo'ng kumain. " ani Lisa na kapapasok lang galing sa labas. Ito ang secretary nila dito sa opisina.
" Ah sige Lisa, salamat." nakangiti naman nyang sagot. " Kaw kumain ka na ba? Di ka ba sasabay sa'min? "
" Dito na ako kakain... Pinagbaon kasi ko ni Nanay. Magagalit 'yon kapaag di ko kinain niluto nya,eh."
" Sige, kaw bahala..." aniya at niligpit na ang ginagawa.
Maya mya pa'y nagpunta na sya sa komedor at nakita nyang nakaupo na sa kabisera si Donya Paz. Humalik muna sya sa pisngi nito bago naupo sa dating pwesto nya sa kaliwa nito. Pagkaupong pagka upo nya saka naman dumating si Mathew. Humalik din ito sa noo ng Lola nito at umupo din sa bandang kanan at magkaharap na naman sila ngayon. Saglit lang silang nagkatitigan at sya ang unang umiwas ng tingin.
Ang totoo, nawala talaga sa isip nya na narito na nga pala itong lalaking ito. Nasanay na kasi sya na silang dalawa lang ni Lola Paz ang magkasama tuwing kakain dito sa mansion. At minsan naman ay nakakasabay din nila ang secretary nitong si Lisa.
" Ahermm! " tikhim ni Donya Paz. Nahahalata kasi nitong parang may namumuong tensyon sa pagitan nila ng binata. " Sige na kumain na tayo... Alam nyo ba'ng kanina pa ko nagugutom sa pag-aantay sa inyong dalawa?"
" Sorry po Lola, hindi ko na po kasi namalayan ang oras." hingi nya ng paumanhin. Totoo naman kasi talaga dahil sobrang busy nya kanina sa trabaho. Ewan nya dito sa isa kung ano naman ang dahilan nito kung bakit pinaghintay ang Lola nila.
" Bueno, hijo, may plano ka na ba para dito sa hacienda? "
Na-freeze ang gagawin nya sanang pagsubo sa narinig. Nagtatanong ang mga matang napatingin sya kay Donya Paz dahil baka nagbibiro lang ito sa sinabi. Tuloy lang ito sa pagkain habang nakatingin naman sa apo nito. Napatingin naman sya sa binata nang sumagot din ito.
" Bukas na bukas din po Lola sisimulan ko nang pag-aralan ang mga detalye. Pero uunahin ko po muna ang pag-iikot dito sa hacienda para makausap ko na din ang mga tauhan natin." anitong tuloy lang din sa pagkain.
" Mabuti naman kung gano'n hijo... But I think, much better kung sasamahan ka ni Sandy..."
Kunot noong binalingan nya ng tingin ang Donya. Tama ba'ng narinig nya? Pero napataas ang kilay nya sa sagot ni Mathew.
" Bakit kay Ms. Ramos pa?, wala na ba'ng iba'ng pwede?"
Aba't, ano ba ang pinalalabas ng mokong na'to? Napaka yabang naman!
" Hijo, mas maganda kung si Sandy na ang sasama sayo dahil sya ang mas may nalalaman sa pagpapatakbo dito. Maipapaliwanag nya sayo nang mas maayos ang bawat detalye ng negosyo natin."
" Ahmm, Lola, hindi din po ako pwede bukas. Madami po ako'ng gagawin sa opisina tsaka irerevise ko pa po yung proposal natin para kay Mr. Rodriguez." pagdadahilan naman nya. Gusto nyang ipabatid sa binata na ayaw din nya itong samahan. "
" Hija, madami pa namang oras para kay Mr. Rodriguez... Diba nga sabi mo, next month pa naman ang dating non. Ipagawa mo na lang kay Lisa ang ibang gagawin mo sa opisina. Samahan mo na lang si Mathew para makilala sya ng mga tao natin dito."
Hmp! ano 'to, bata? Kailangan pa'ng samahan?
Kung tutuusin kasi, mas kilala pa ata sya ng mga tao dito sa buong hacienda kesa sa binata na syang apo ng may-ari nito. Ang alam nya kasi lumaki ito sa Maynila dahil doon nakatira ang mga magulang nito. Paminsan minsan lang ang mga ito umuwi dito sa hacienda para magbakasyon at matagal na sa mga ito ang isang linggong pamamalagi dito. Pagkatapos ay sa States pa ito nag-aral kaya halos ilang taon din ang lumipas bago ito muling nakabalik.
Nagkibit balikat na lang sya. Mukhang kahit anung tanggi pa nya, wala din syang magagawa. Wala syang choice ngayon kundi samahan ang lalaking kinaiinisan nya. Wala sa loob na napatingin sya kay Mathew na saktong tumingin din sa kanya. Bahagya pa itong ngumisi na lalo lang nyang ikina-irita.
****
" Sandy, andyan ang kaibigan mong si Kakay hinahanap ka. Puntahan mo na lang sa salas." tawag sa kanya ni Joan, isa sa mga kasambahay dito sa mansion.
" Sige po Ate Joan susunod na po ako." sagot naman nya bagamat nagtataka sya dahil himalang hindi ito tumuloy dito sa opisina ngayon. Tuwing pupuntahan kasi sya ng kaibigan, dumideretcho ito agad dito sa opisina.
Maya maya lang ay tumayo na din sya at naglakad palabas ng silid na iyon para puntahan ang kaibigan sa loob ng mansion. Nasa may bungad pa lang sya naririnig na nya ang boses nito.
Sino namang kausap non? Parang ang saya at kinikilig pa! aniya sa isip. Naririnig pa kasi nya ang paghagikhik nito kaya napangiti tuloy sya habang mabilis na naglakad papasok.
" Bestfriend!!!! " gusto nyang mapangiwi sa tili nito nang makita sya. Para naman kasing palagi itong excited tuwing magkikita sila. Habang sya naman ay parang timang na biglang naestatwa sa may pintuan nang makita kung sino ang kausap nito.
Tss! si Mathew lang pala... Kala ko kung sinong artista para kiligin sya ng ganyan!
Lumapit sa kanya si Kakay at pagkatapos nitong bumeso sa kanya, hinila na sya nito pabalik sa kinauupuan nito kanina, sa harap ng kinauupuan ng binata.
Nagkatinginan sila saglit ng binata ng maupo sya at himalang ito ang unang nagbawi ng tingin. Nawala na din ang pagkakangiti nito at bahagyang sumeryoso ang mukha. Maya maya lang ay tumayo na ito. Nagpaalam itong aalis na nang hindi man lang sya tinapunan ng tingin.
Kay Kakay lang talaga nagpaalam?
Bumaling naman sya sa kaibigan. Pasimpleng kinurot nya pa ito sa tagiliran dahil para itong timang na pagkatamis tamis ng ngiti.
" Anong kailangan mo? "
" My gosh, Sandy!!! ang gwapo pala nya? " naibulalas nito habang nakatingin sa papalayong binata. Parang hindi nito narinig ang tanong nya kung ano ba ang ginagawa nito dito kaya muli nya itong kinurot sa tagiliran.
" Aray!!! naman, Sandy, anu ba? Kanina ka pa kurot ng kurot dyan,ha! "
" Para ka kasing may embang dyan! Kung makatulala ka, akala mo artista ang tinitingnan mo."
" Eh artistahin naman talaga si Mathew, ah! "
" Tss! Ang OA mo... Ako ba'ng ipinunta mo dito o ang lalaking iyon? "
" Eto naman... Nacu-curius na kasi ko sa hitsura nya... Sabi mo kasi nung tawagan kita hindi sya gwapo. Eh, half smirk pa lang non, ulam na! Ano ka ba, bulag ka ba, bestfriend o tanga? " Bigla nyang ibinato dito ang isang throw pillow na hawak nya. Ayun at sapol ito sa mukha.
" So, sya pala talaga ang ipinunta mo dito at hindi ako? " pinandilatan nya ito ng mata. Natawa naman ito.
" Hindi, Ikaw talaga ang ipinunta ko dito... Uhmm, kasi... ano,eh..."
" Ano nga? "
" Si Jake kasi... feeling ko iniiwasan na nya 'ko? " nakasimangot nitong sagot.
" Huh? Bakit mo naman nasabi? " takang tanong naman nya.
" Hindi na kasi nya sinasagot ang mga tawag ko. Then kapag pinupuntahan ko sya sa office nya palaging sinasabi ng secretary nya na nasa meeting daw o kaya may appointment."
" Baka naman talagang busy lang yung tao. Ikaw naman... bakit anu ba'ng ginawa mo para iwasan ka nya? "
" Uhmm, nagtapat na ko sa kanya ng feelings ko,eh." tila nahihiyang sagot nito.
" WHAT? " hindi makapaniwalang naibulalas nya. Alam nyang loka loka itong bestfriend nya kaso hindi nya talaga mapaniwalaan na kaya nga nitong magtapat ng nararamdaman para sa bestfriend din nilang si Jake.
" Nagpunta kasi kami sa bar noong isang gabi... Siguro dahil medyo nalasing na'ko, nawala ako sa sarili ko. I kissed him then umamin ako sa nararamdaman ko para sa kanya na matagal ko ng kinikimkim." anitong bakas ang pagkalungkot sa mukha.
" WHAT? " wala na syang ibang masabi kundi puro 'what' na lang dahil talagang naabibigla sya sa mga sinasabi nito
" Sandy, help me naman,oh... Ayokong magalit sya sa'kin... Haist! kung pwede ko nga lang bawiin na lang yung mga sinabi ko sa kanya, eh."
Nakaramdam naaman sya ng awa para dito. Kabisado rin nya kasi si Jake. Alam nyang sa lahat ng ayaw nito ay ang mga babaeng unang nagpapakita ng motibo at yung mga babaeng habol ng habol sa kanya. Malamang talaga ay hindi nito nagustuhan ang ginawa ni Kakay pero knowing Jake na din, hindi rin nito matitiis ang kaibigan.
****