CHAPTER FOUR

1634 Words
Kasalukuyang nagpapahinga si Donya Paz sa kanyang rocking chair nang lumapit si Mathew sa may likod nito at bahagya nyang minasahe ang noo ng kanyang Lola. Napangiti naman ito sa paglalambing nya. " Hmm, hijo, ba't andito ka? wala ka ba'ng lakad ngayon? " " Bakit Lola, ayaw mo ba'ng makita ako dito sa loob ng bahay? " sagot naman nyang pabiro. Natawa lang sa kanya ang Lola nya. Malamang kasi ay nagtataka ito sa kanya dahil alam nitong kadalasan ay hindi sya nagpipirmi sa loob lang ng bahay lalo kapag andito sya sa hacienda. Dati kasi tuwing magbabakasyon sya dito, palage naman syang umaalis. Mas gusto pa nyang mag-stay sa labas dahil boring para sa kanya ang pananatili sa hacienda. Madalas silang magkasama ni Jake sa pagpunta sa mga bar sa bayan. " Uhmm, Lola, ano pala ni Jake si Miss Ramos? " maya maya'y naitanong nya. Kumunot naman ang noo ng kanyang Lola na parang sandaling nag-isip bago sumagot. " Bakit mo naman naitanong, hijo? " nangingiting balik tanong nito sa kanya. " Wala naman Lola, napansin ko kasing masyado lang silang close. Tas wala naman din akong nababalitaan kay Jake na may girlfriend na sya o babaeng dini-date man lang. " " Ang alam ko lang matalik na magkaibigan ang dalawa. Mula nung bumalik ka ng Maynila at nung sabay na mamatay sina Juancho at Mercy, naging close na sila." " Magkaibigan lang sila? " ulit pa nya na parang hindi kumbinsido sa sagot ng Lola nya. " I thought they were couple...?" Natawa na ng tuluyan si Donya Paz sa sinabi ng apo. Napakamot tuloy sya sa dulo ng kilay nya. Bakit pa ba kasi sya nagtanong ng tungkol sa babaing iyon? " Bakit mo naman nasabi apo? " Mas pinili na lang nyang wag ng sumagot at nagkibit balikat na lang sya. " Actually, that's what all of us here expecting. Lalo na ang Tita Mel mo, naku, gustung gusto nya si Sandy para kay Jake. Napaka bait kasing bata non,eh. Yun nga lang napaka pihikan pagdating sa mga manliligaw. Alam mo ba'ng lalapit pa lang ang lalaki para sabihing manliligaw sya, binabara na agad? " natatawang kwento ni Donya Paz. " So binasted din nya si Jake? " " I don't know... Pero malamang hindi naman nanliligaw si Jake kay Sandy. Sadyang close lang talaga sila nito. Knowing Sandy, kapag nalaman nyang may balak manligaw sa kanya ang isang lalaki, nilalayuan na nya. " " Sobrang malapit na pala sa inyo ang ampon nyong iyon Lola." he said na parang may halong pagseselos sa tono ng boses nya. Parang bigla ay gusto nyang mainggit sa dalaga dahil obvious namang nakuha na nito ng tuluyan ang loob ng lola nya. " Parang apo na din ang turing ko sa batang iyon. Kung pumayag nga lang iyon noon na ampunin ko sya ay matagal ko na sanang ginawa." anang lola nya na parang nangangarap pa ang aura. "Gustung-gusto ko talagang maging apo si Sandy. " " Gusto nyong ampunin La? Ano ho bang nakita nyo sa babaing yun?" " Masungit lang yun minsan apo pero napaka bait na bata. Kaya naman halos lahat ng tao dito gustung gusto sya. Alam mo, kahit ikaw kapag nakasama mo sya, gagaan din ang loob mo sa kanya." makahulugang ngumiti ang Lola nya. Hindi na lang nya ito pinansin at nagpaalam ng lalabas muna sya. " Hijo, be nice to her at magkakasundo rin kayo... " narinig pa nyang pahabol ng Lola nya. Parang napaka unfair lang, di ba? ako ang apo nya, ako ang nag-iisa nyang tagapagmana ng haciendang ito. Tapos ako pa ang sasabihang maging nice sa isang empleyado lang? Haay! Makalabas na nga lang ng maakalaanghap ng sariwang hangin. Naisipan na lang nyang maglakad lakad sa labas ng mansion. Hanggang sa may mamataan syang isang pamilyar na babae na naglalakad sa may di kalayuan. Si Sandy! Ewan, pero parang bigla syang na excite at parang may sariling isip ang mga paa nya na sinundan ang babae. ***** Gaya ng naka gawian na nya, tuwing alas singco ng hapon bago umuwi, naglalakad lakad si Sandy dito sa hacienda pagkatapos ng trabaho sa opisina. Napakasarap sa pakiramdam nya ang simoy ng hangin dito at talagang nakapagpapawala ng stress. Pati sya ay nas-stress sa nangyayari sa mga kaibigan nya. Bukod kasi sa stress nya sa trabaho, stress din sya sa pagdating ni Mathew dito. Ewan ba nya at kahit wala pa mang ginagawang masama sa kanya ang apo ni Donya Paz, inis na inis sya dito. Tapos ngayon, eto pang mga kaibigan nya at dumagdag pa? Buti na lang at wala syang boyfriend dahil malamang kung meron pandagdag stress din iyon sa kanya. Naisipan nyang magpunta sa manggahan. Ito kasi ang pinakamalapit sa mansion. Libang na libang sya habang tinitingnan ang mga puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. Nakangiti at binabati sya ng bawat makasalubong nya dahil iginagalang at kilalang kilala sya ng mga tao dito. Nakita naman nya si Carlo, isa sa mga pinagkakatiwalaan nila dito sa hacienda. Nakangiti itong lumapit sa kanya at bumati. " Magandang hapon ,Sandy." " Magandang hapon din sa'yo Carlo. Kumusta kayo dito sa manggahan? " " O-okay lang naman kami dito Sandy." tila nahihiyang sagot naman nito. " Uuuy, Carlo... Natotorpe ka na naman sa harap ni Sandy?" singit naman ni Julius na pinsan nitong buskador. " Hi, Sandy! " Nginitian naman nya si Julius habang si Carlo ay kitang kita naman nya ang pamumula ng mukha dahil sa sinabi ng pinsan nito. Kunot noong natitigan nya tuloy ito. Gwapo din si Carlo, matangkad at moreno. Ang alam nga nya ay pinagpapantasyahan ito ni Lisa at ng iba pang dalaga dito sa hacienda. " Pagpasensyahan mo na itong pinsan ko Sandy. Hindi na naman kasi ito nakainom ng gamot nya kaya kung anu-ano na naman ang pinagsasabi." anito namang kakamot kamot sa batok. Si Julius naman ay bahagyang napasimangot nang matawa sya sa sinabi ni Carlo. Masaya talagang kasama ang magpinsan na ito. Simula nung mga bata pa sila puro biro at kalokohan ang mga pinagsasasabi ng mga ito. Pero siguradong sigurado naman sya na parehong mababait ang dalawa. Habang nagtatawanan silang tatlo, napansin nyang biglang natahimik ang mag pinsan at seryosong napatingin sa likod nya. Nagtataka naman nyang sinundan ang tinitingnan ng dalawa at na freeze ang ngiti nya ng mapagsino ang lalaking palapit sa kinaroroonan nila. Si Mathew? At ano naman ang ginagawa nito dito? Diba sabi nya ay bukas pa sya pupunta dito? Hello! Sandy, sya po ang may-ari nitong hacienda kaya wala kang magagawa kahit magpakalat kalat sya dito anumang oras, okay? Tss! oo nga pala. Anu nga ba'ng paki ko? " Good afternoon Miss Ramos." nakangiti nitong bati sa kanya nang makalapit. Bagay na ipinagtaka naman nya. " Hindi mo man lang ba'ko ipapakilala sa mga kasama mo? " Huh? bipolar ba ito? Kanina lang halos ipamukha sa'kin na ayaw nya ako'ng makasama. Tumikhim muna sya dahil parang may bumara sa lalamunan nya. Bagamat nagtataka, ipinakilala na rin nya ang mga ito sa isat isa. " Ahm, sya si Mr. Montecillio, siya ang apo ni Donya Paz. Mr. Montecillio sina Carlo at Julius po, sila ang pumalit kay Mang Diego dito sa manggahan. " " Good afternoon po seniorito." halos panabay na bati nina Carlo at Julius na bahagya pang yumuko ang mga ito. " Good afternoon din, Kumusta naman kayo dito? " narinig nya namang sagot nito. Animo'y napaka bait kuno. " Mabuti naman po seniorito. Malapit na nga po pala ang anihin nitong mga mangga. Baka po sa makalawa ay pwede na..." ani Carlo " Ah, okay, thats good." tipid na sagot naman ni Mathew. Nakaramdam ng pagkailang si Sandy dahil sa sulok ng mga mata nya ay nakikita nyang nakatingin sa kanya ang binata. " Buti naman ho seniorito at nagbakasyon ulit kayo dito." si Julius. " Actually, I'm planning to stay here for good. gusto kong tulungan si Lola sa pagpapatakbo nitong hacienda." Huh? ano daw? Dito na sya titira? Sa pagpapatakbo ng hacienda? What? Magiging boss ko na sya? For real? " Ahmm...excuse me, mauuna na ako sa inyo, ha? " paalam nya kina Carlo at Julius pagkatapos ay si Mathew naman ang hinarap nya. Nagpaalam din sya dito pero bakit hindi nya makuhang tumingin sa mga mata nito? " Seniorito, excuse me po, uuwi na po ako." Tumango lang ito sa kanya at tumalikod na sya. Nakakaisang hakbang pa lang sya ng may tumawag sa kanya. " Sandy, hatid na kita pauwi... " ani Carlo. Kaya nilingon naman nya ito at ngumiti. Sasagot pa lang sana sya nang si Mathew naman ang magsalita. " Ako na ang maghahatid sa kanya. " gulat na gulat naman syang napatingin dito. Kung kanina ay naiilang syang tumingin dito, ngayon naman ay titig na titig sya sa mukha nito. Pinagti tripan ba sya na lalaking ito? " Pero seniorito--" hindi na nya naituloy ang pagtanggi sana nya dahil mabilis na itong tumalikod at nauna ng naglakad. Nakakailang hakbang na ito ay hindi pa rin sya tumitinag sa kinatatayuan kaya naman napahinto ito sa paglalakad at kunot noong nilingon sya. " So, are just going to stand there all day? " para syang biglang natauhan dahil bakas ang pagka irita sa tono nito. Napahiya din sya sa mga kaibigan nya. Hmp! Nakakainis na, ha! Bipolar lang talaga!!! Nagpaalam nalang ulit sya kina Carlo at nagmamadaling naglakad paalis. Si Mathew naman ay tumalikod na ulit. Akala naman ng lalaking ito susunod ako sa kanya. Nek nek nya! Akala mo kung sino magsalita. Bakit sinabi ko ba'ng ihatid nya 'ko? Mabilis ang mga hakbang nya. At kitang kita nya sa gilid ng mga mata nya ang pagkunot noo ni Mathew ng lagpasan nya ito sa paglalakad. Huh!, akala mo,ha! *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD