CHAPTER FIVE

1503 Words
Napahinto sa paglalakad si Mathew at nagtatagis ang mga bagang na napatingin na lang sya sa likod ng babaeng mabilis syang nilagpasan. Aba't anu ba'ng pinalalabas ng babaing ito? Halos lahat ng mga kilala nyang babae nagkakandarapa sa kanya para mapansin lang nya. Etong babaing ito sinabi na nga nyang sya na ang maghahatid, nag-iinarte pa? Biglang nasaling ang ego nya sa ginawa ni Sandy. Mabilis din ang mga hakbang na ginawa nya. Pero imbes na sundan ito sa paglalakad, mabilis syang pumasok sa mansion at kinuha ang susi ng sasakyan nya. Sigurado naman syang aabutan nya din ito bago pa man ito makalabas ng hacienda. Napangisi pa sya bago mabilis na sumakay ng kotse nya at pinatakbo iyon ng mabilis para maabutan ang nag-iinarteng babae. Samantala, tatawa tawa naman si Sandy nang makitang wala ng nakasunod sa kanya. Kitang kita nya kanina ang pagdilim ng mukha nito ng lagpasan nya. Wala syang paki alam kung malayu layo man ang lalakarin nya at mahaba haba ang oras na gugugulin nya sa byahe. Tiyak namang makakauwi din sya. Kapag ganito pa namang kumukulo ang dugo nya sa inis, matagal tagal bago sya makalma. Buti na lang at lagi syang naka flat shoes kaya hindi sya mahihirapang maglakad. Isang pamilyar na kotse ang dumaan sa gilid nya. Pabalandrang nagpreno pa ito sa daraanan nya at halos maubo sya nang pumasok sa ilong nya ang alikabok. Gulat ang unang rumehistro sa mukha nya nang bumaba ang sakay niyon. " What are you trying to prove, that you are childish and an immature person? " anito agad pagkababa. Nakabawi na sya at taas noong sinalubong nya ang mga mata nito. " look who's talking, Ikaw hindi ka lang agad nasunod sa gusto mo, ikinagalit mo na." " At ikaw naman napagsabihan ka lang ng konti nagmaktol ka na." " Ipinahiya mo'ko lang naman po ako sa harap ng mga kaibigan ko. At wala kang karapatang gawin sa'kin iyon, maliwanag ba? " " To tell you honestly, ikaw na nga ang ginagawan ko ng pabor, ikaw pa ang may ganang magreklamo? " nakangisi nitong sagot. Hindi makapaniwalang tinitigan nya ito. Abat, napaka yabang naman talaga ng lalaking ito!!! " Maniwala ka, sweetheart... Imbes na magsungit ka dyan ba't di ka na lang magpasalamat? " he smirk. " Why Should I? " Pinanlakhan nya ito ng mga mata. " Por que ba mayaman ka? Kilala at maimpluwensya ang angkan na pinagmulan mo? Kung isang malaking karangalan ang madikit sa'yo, pwes, hindi pa rin ako bilib sa'yo. Ano ba'ng ipinagmamalaki mo bukod sa pagiging anak mayaman mo, ha? " Hinihingal pa sya matapos magsalita. Naningkit naman ang mga mata ni Mathew. " Ikaw pa lang ang nakapag salita sakin ng ganyan." anito sa mapanganib na tono. Bahagyang kinabahan naman si Sandy. Aaminin nyang medyo nabigla din sya sa mga binitawang salita. Kasalanan din naman kasi ng lalaking ito, eh. He provoked me! Hindi sya nagpahalatang kinabahan. Nagawa pa nyang salubungin ang mga titig nito. " Hindi ka na talaga nagbago. Talagang may katalasan 'yang dila mo." anito sa nagtatagis na mga ngipin. Lihim syang nasiyahan. " Ganito ako depende sa kausap ako at pasensya ka dahil hindi ako kalahi ng mga sosyal at plastik mong kaibigan. " Ngumisi ito hanggang sa magkaro'n ng tunog iyon. " At anong nakakatawa sa sinabi ko?! " asik nya dito. Bumaba ang paningin ni Mathew sa suot nyang blouse na natanggal na pala ang isang pagkakabutones nito kaya bahagyang lumitaw ang cleavage nya. Napansin nya kung saan naka focus ang paningin ng lalaki. Mabilis nya itong tinalikuran para ayusin sana ang sarili. Ngunit hindi pa man sya nakakadalawang haakbang ay may pumigil na sa kanyang braso at marahas syang hinila nito. " Bitiwan--" Nasadlak sya sa dibdib nito at ang dalawang braso nitoy yumapos sa baywang nya. Bumilis ang pagpintig ng puso nya lalo pa't naramdaman nya ang pag-angat ng katawan mula sa lupa. Magkadikit na magkadikit sila ngayon kaya alam nyang nasasamyo nito ang hininga nya, pati marahil ang amoy ng pabango nya. Hindi na nito na control pa ang sarili at mabilis na idinampi nito ang mga labi sa mga labi nya. Impit na nagprotesta si Sandy, ngunit wala ding saysay ang pagwawala nya kumpara sa firm and strong muscles nito. Tuluyang nilipad ng hangin ang katinuan nya. Damang dama nya hindi lang ang malalambot na mga labi ni Mathew kundi maging ang mapanaliksik na dila nito. At sa loob ng ilang minuto ay tuluyan nyang nakalimutan ang lahat maliban sa matatag na mga bisig, ang kaiga-igayang panlalaking pabango at higit sa lahat ang mainit na mga labi nitong patuloy sa kapangahasan. Dahan dahang nagmulat sya ng mga mata nang maramdamang wala na ang mga labi nito sa kanya. " The sweetest lips I've ever tasted." anito sa mapanuksong tinig. Noon lang nagbalik ang huwisyo nya. Namumula ang mga pisnging pumiksi sya. Pinawalan sya nito ngunit hindi nawawala sa mga labi nito ang mapanuksong ngiti. " I know you want to respond to my kisses, but you don't know how..." anas nito Lalong namula ang mga pisngi nya sa mga pinagsasabi nito. Nakaramdaam sya ng pagkapahiya at talagang nasaling ang pride nya pero pilit nyang nilabanan iyon dahil nangingibabaw ang inis nya kaya hindi sya nagpahalata. Hindi sya papatalo sa maniac na lalaking ito. " Oh, Im sorry to dissappoint you, Mr. Montecillio. I'm proud to say that I am a fast learner. Pero sa nangyari , you're not a good teacher." nanunuya nyang sabi. " I won't settle for anything less." ganti nito. Nagpupuyos ang dibdib na tinalikuran na nya ito at mariing kinuskos ng mga palad ang pakiramdam nyang nangangapal na mga labi. Ninakaw na nga nito ang first kiss nya pati ba naman ang second kiss ito pa rin ang kumuha?! Bwiset ka talagang lalaking ka!!! " Get in! H'wag ka ng magpakipot pa dahil mapapagod ka lang." Imbes na sumunod, mabilis na syang naglakad palayo dito. Buti na lang at may dumaan na tricycle. Agad nya itong pinara at walang lingon lingon na sumakay na sya dito. Hiyang hiya talaga sya sa nangyari. Ipinagdadasal na nga lang nya na sana ay walang nakakita sa kanila kanina. Buti na lang at wala naman syang namataan na naglalakad doon nung halikan sya ni Mathew. Dahil kung nagkataon, wala syang mukhang maihaharap sa mga ito. ***** Pabiling biling sa higaan si Sandy habang pinipilit nyang makatulog. Kanina pa kasi sya nakahiga pero hindi man lang sya dalawain ng antok. Sinulyapan nya ang kanyang alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table nya. Alas dos na pala ng madaling araw at kaunting oras na lang ay titilaok na ang mga manok at sisilip na si haring araw. Dapat ay tulog na sya ng mga alas-nuebe pa lang at kung magpuyat man dahil sa tinatapos na mga trabaho na inuuwi nya ay hanggang alas onse lang ng gabi dahil maaga pa syang gigising kinabukasan. Pumikit ulit sya at itinakip pa ang isang unan sa mukha nya para piliting makatulog. Pero sa pagpikit naman nya ay mukha ng Mathew Montecillio na iyon ang nakita nya at naalala nya ang ginawa nitong paghalik sa kanya kanina. Inis na inis na napadilat na lang ulit sya. " Haaay! buwisit naman talagang lalaki iyon,oh. Hanggang dito ba naman sa bahay di ako tinatantanan?" Eh, bakit kasi sobrang affected ka sa ginawa nya sa'yo? " Sino ba'ng hindi magiging affected? Hinalikan lang naman nya ako! Teka, hobby na ba ng unggoy na yun ang manghalik na lang ng basta basta? Wala sa sariling napahawak sya sa mga labi nya. Pero in fairness nagpatangay ka naman kanina... tukso ng isang bahagi ng isip nya. Mrahas syang napailing at tila kinikilabutang tumayo na lang sya. " Heh! makapagtimpla na nga lang ng gatas kesa kinakausap ko ang sarili ko. Para na tuloy ako'ng baliw neto." Sarili na lang kasi ang kinakausap nya mula kanina pagkauwi nya dito sa bahay at mula ata ng dumating ang Mathew Montecillio na iyon dito sa hacienda ay napapadalas na ang pagkausap nya sa sarili nya. Ayaw nya na naman kasing magkwento muna kay Kakai dahil paniguradong puro asar at panunukso lang ang aabutin nya dito gaya nga nung ikinwento nya dito ang tungkol sa una nyang halik, na hindi nya alam kung halik na nga bang maituturing iyon kung ikukumpara sa nangyari kanina. Napaka tabil pa naman ng dila no'n. Hanggang ngayon nga'y hindi sya tinitigilan ng kakatukso. What more kapag nalaman pa nito na nasundan pa ulit iyon? Baka pati kay Jake ikwento pa nito, dagdag kahihiyan na naman nya iyon. " Subukan lang ng lalaking iyon na ulitin ang paghalik sa'kin! Papaputukin ko na talaga ang nguso nya kahit apo pa sya ni Lola!" aniyang nanggigigil. Kaya mo kaya? Baliw na nga ata sya dahil pati isip nya ay hindi na magkasundo. Minadali na lang nya ang pag-inom ng gatas at bumalik na sa kwarto para matulog. Effective nga ang gatas dahil sa wakas ay naging mahimbing na din ang pagtulog nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD