Story By Jamila Bloom
author-avatar

Jamila Bloom

ABOUTquote
Im an introvert person. I love to read novels, yun lang ang libangan ko eh. I can also write stories, poems at kung anu-ano pang nasa isip ko na kailangan kong isulat. Depende lang din yun sa mood ko kapag walang topak😏
bc
Hey Mr. Ex Husband
Updated at Jan 9, 2023, 22:19
Three years of being married, at ngayon isang taon na mula ng maging single ulit. Fate o sadyang malas lang talaga sya dahil kahit anong iwas nya, palagi pa ring nagtatagpo ang mga landas nila. Walang iba kundi ang taong numero unong gusto nyang burahin sa buhay nya. Her ex husband!
like
bc
Tricked Into Marriage
Updated at Aug 6, 2022, 21:16
Gagawin ni Cassy ang lahat para protektahan ang kapatid kahit pa ang maging stalker ng isang gwapo at bilyonaryong si Brian Ledezma. Kailangang makahanap sya ng malaking pruweba ng kasiraan nito para lang wag matuloy ang pagpapakasal nito at ng kapatid nya. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.. Ano't nagising na lamang sya isang umaga na imbes na ang kapatid nya, sya na ang gustong ipakasal dito ng kanilang mga ama!
like
bc
I OPENED MY THIRD EYE AND I REGRET IT
Updated at May 25, 2022, 04:34
A real life scary story. Based on my own experience. __________________________ Naisipan kong isulat ang kwentong ito hindi para takutin or paniwalain ang mga readers. Gusto ko lang i-share kung ano ang mga kakaiba at makapanindig-balahibo kong na-experience mula nung sinubukan kong buksan ang aking pangatlong mata.
like
bc
CAPTIVATED
Updated at Apr 5, 2022, 04:36
Fifteen years old lang si Sandy nang una niyang makilala ang hambog na apo ni Donya Paz — si Lucas Mathew Montecillio Hindi naging maganda ang una nilang pagtatagpo. Hambog at walang hiya ang tingin nya dito. Kung hindi ba naman e bakit nakuha sya nitong halikan agad-agad ng walang pasabi? Magnanakaw ng first kiss! Kaya galit na galit siya sa lalaki. Seven years after, muling nagtapo ang mga landas nila. Nakakaloka lang dahil tila ba pinagseselosan sya nito sa pagiging close nila ng donya. Kung anu-ano pa ang ibinibintang nito sa kanya. Pero ano't pati second kiss nya ay ito pa rin ang kumuha? Paano na ngayon ang dati'y tahimik niyang buhay kung parating may naka bantay sa bawat kilos nya? Paano sila nito magkakasundo kung sa tuwing magkakatagpo sila'y palagi silang nagbabangayan?
like
bc
Loving Mr. Billionaire
Updated at Feb 12, 2022, 01:15
About identical twins na nainlove sa isang lalaki. Sina Lia and Pia. Identical na hindi nagkaroon ng pagkakataong magkita at magkakilala. Nag-apply si Pia bilang secretary sa isang kompanya pero ang ending nakuha sya bilang isang yaya ng napaka yaman at napaka gwapong boss ng kompanyang iyon dahil sa napaka cute na anak nitong kahit first time nya palang na makita ay sobrang nahulog na ang loob nya. Later on, nalaman nyang anak pala ito ng long lost kakambal nya na yumao na. Kaya pala may kurot sa puso nya ang batang iyon. So ibig sabihin asawa ng kakambal nya ang super yummylicious na daddy ng pamangkin nya?
like
bc
Not in the Contract
Updated at Oct 16, 2021, 23:33
Akala ni Gwen ay si Zyrone na ang pinaka nakakainis na lalaking nakilala nya. Hindi pala, dahil may mas pinaka nakakainis pa bukod dito. Walang iba kundi si Lucas Emanuel Rodriguez Jr. –aka. Luke. Mula ng lumipat ito sa katabing unit ng condo nya ay palagi na lang sira ang araw nya. Paano ba naman, halos araw-araw nya itong nakikita dahil halos magkatabi lang ang mga pintuan nila. Naturingan itong isang abogado pero kung umasal nama'y aakalain mong isang tambay lang sa kanto. Kung pakiramdam nya ay palagi syang nasa korte sa tuwing magkakaharap sila ng hambog na si Luke dahil sa walang katapusan nilang bangayan, pano pa kaya kapag nalaman nya na ito pala ang lalaking gustong ipakasal sa kanya ng kanyang ama?
like
bc
Second Chance
Updated at Oct 16, 2021, 16:06
Ginawa ni Raine ang lahat para mapansin lang ni Alex na parang allergic naman sa kanya. Kahit napaka sungit nito pagdating sa kanya, keri lang at go pa rin sya. Naipangako kasi nya sa sarili na ito na ang magiging first and last boyfriend nya at magiging asawa nya in the near future. Kaya kahit tinatablan din sya ng hiya sa harap nito at nasasaktan tuwing nire-reject at malalamang may iba itong dini-date, go lang. Malakas naman sya sa mga backer nya-- ang pamilya nito na botong boto sa kanya. Pero sabi nga, lahat ng tao ay napapagod din. Paano pa nga ba nya naman ipaglalaban pa ang nararamdaman nya para sa binata kung alam nyang masaya na ito sa piling ng totoo nitong mahal? Wala na finish line na. Give up na sya at may nanalo na. Kung kailan tanggap na nya, ano't nagising na lang sya kina umagahan na katabi ito sa kama at tanging kumot lang ang nakatakip sa mga katawan nila?!
like
bc
Love You Best
Updated at Jun 10, 2021, 07:07
First day of class at excited si Aya na ma meet ang kanyang mga new classmates. Unang umagaw ng kanyang pansin ay ang gwapong mukha ng classmate nyang lalaki na seryosong nakatitig sa kanya habang nagpapakilala sya sa harap ng lahat. Naging magbestfriend sila nito sa pagdaan ng mga araw dahil sya lang daw ang bukod tanging hindi affected sa charm nito. Oh di ba, ang conceited ng mama! Pero ano't talagang mapagbiro ang tadhana, dahil hindi nya akalaing maging sya ay mahuhulog din sa bestfriend nyang kung magpalit ng jowa ay mas madalas pa ata kaysa sa pagpapalit ng damit nito. Sasaluhin ba sya nito kung sakaling aaminin sya? Or magagaya lang sya sa mga exes nito na naiwang luhaan.
like