
Akala ni Gwen ay si Zyrone na ang pinaka nakakainis na lalaking nakilala nya. Hindi pala, dahil may mas pinaka nakakainis pa bukod dito. Walang iba kundi si Lucas Emanuel Rodriguez Jr. –aka. Luke.
Mula ng lumipat ito sa katabing unit ng condo nya ay palagi na lang sira ang araw nya. Paano ba naman, halos araw-araw nya itong nakikita dahil halos magkatabi lang ang mga pintuan nila. Naturingan itong isang abogado pero kung umasal nama'y aakalain mong isang tambay lang sa kanto.
Kung pakiramdam nya ay palagi syang nasa korte sa tuwing magkakaharap sila ng hambog na si Luke dahil sa walang katapusan nilang bangayan, pano pa kaya kapag nalaman nya na ito pala ang lalaking gustong ipakasal sa kanya ng kanyang ama?
