BACK to office na si Sandy. Grabe na-miss nya ang magtrabaho dito. Inilibot nya ang paningin sa kabuuan ng opisina nila. Day off nga pala ni Liza ngayon, kaya as usual solo na naman nya ang mga paperworks dito sa office. Ang tahimik pa naman dito. Inaabot din sya ng pagkabagot minsan. Napadako ang tingin nya sa desk ng boss nya kaya napaismid sya. Wag na sana muna nyang makita ang bipolar na iyon at siguradong masisira na naman ang umaga nya. Naalala nya ang nangyari kahapon. Grabe ipinahiya sya ni Mathew sa harap ng mga kaibigan nito. Sa isiping iyon ay lalo tuloy syang napasimangot. Tatlong mahihinang katok sa pinto ang nagpalingon sa kanya. There she saw, Liam. " Hi, good morning! Can I come in?" nakangiti ito at mukhang fresh na fresh. " Ahm, yeah sure, Sir." iminwestra pa n

