TANGING SIMOY ng hangin ang nalalanghap ni Adrian nang buksan niya ang bintana ng kaniyang kotse. Ramdam na niya ang amoy ng dagat mula sa binabaybay niyang daan patungo sa Isla Monica sa Batangas. Dito rin niya noon dinala si Aliyah. Kaya napagdesisyunan niyang dito magtungo. Malayo sa mataong lugar na siguradong hindi makalalayo sa kaniya ang babae. Ipinarada nito ang kaniyang sasakyan sa isang Private House na hindi naman kalayuan sa resort. Matagal na niya itong ipinatayo na tanging matalik na kaibigan lang niya na si Dave ang may alam. Marahan ang pagbukas niya ng kaniyang kotse habang mahimbing na natutulog ang dalaga. Isinara niya ito saka umikot sa kabilang pintuan ng kaniyang kotse. Sa pagbukas pa lang ng pintuan ay bumungad na sa kaniya ang makinis nitong hita. Tila ba napapaluno

