ZENNAH'S POINT OF VIEW
“Wala ka bang plano ngayong weekends, Zen?” Tanong ni Cassandra, habang nasa kalagitnaan kami ng lunch break.
Umiling ako bilang sagot sa kanya habang ang tingin ko ay nanatili sa aking pinggan.
“Bakit naman? Baka gusto mong sumabay sa outing? Tayo-tayo lang din magkaklase. Dalawang araw lang, Zennah.” Aniya.
Bumagal ang pagnguya ko at bahagyang nag-angat ng tingin sa kanya. Agad na sumalubong sa akin ang mukha niyang umaasa na pumayag ako.
“Zennah. Maki-join ka naman sa amin kahit Minsan lang. Hindi ka naman pinagbabawalan ng parents mo, subukan mo lang sumama sa amin at kapag hindi mo nagustuhan ang atmosphere ay pwede naman tayong maunang umuwi,” pangungumbinsi niya sa ‘kin at ang mga mata niya ay nagningning at tinitingnan pa rin ako.
Kaya kahit ayaw ko naman talaga ay umoo na lang ako para pagbigyan siya.
“Sige. Basta uwi tayo kaagad kapag pangit ka-bonding mga kasama mo.” Usal ko na agad naman niyang sinang-ayunan.
Nagpatuloy na kami sa pagkainbat makalipas ang mahigit bente minutos ay natapos na rin kami at nakapagdesisyon nang bumalik sa klase.
“HI, CASSANDRA!!!!” sabay-sabay na sigaw ng iilang grupo ng lalaki nang dumaan kami sa hallway.
Hindi ko napigilan ang pagkunot ng aking noo at mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko nang magsilapitan ang mga ito kay Cassandra.
“Tss, daig pa celebrity,” sa isip ko at tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa narating ko ang classroom.
Eksaktong pag-upo ko sa aking silya ay sumulpot na rin si Cassandra. Pangiti-ngiti habang naglalakad papalapit sa kanyang silya na nasa tabi ko.
Umupo na ako nang maayos sa aking silya at inilabas ang ballpen at notebook ko para sa notes mamaya habang nagle-lecture ang professor. Pero lumipas na lang ang ilang minuto ay wala pa ring bakas ng professor namin. Mahina akong napabuntong-hininga at napatingin sa labas ng bintana. Sobrang ingay ng mga kaklase ko at napuno ng bulungan ang tawanan ang buong paligid.
Nang makaramdam ako ng pagkaburyo ay kinuha ko na lang ang sketchpad na palagi kong dala. Binuklat ko iyon sa malinis na pahina at nagsimulang gumuhit. Ang unang linya na iginuhit ko ay wala lang, isang simpleng drawing lang sana, pero habang tumatagal naiguhit ko na ang mukha ng isang lalaki.
Matangos na ilong. Matitigas at maganda ang hulma ng panga. Malamlam at blangkong mga mata at gano'n na lamang ang gulat ko nang mamukhaan ko kung kaninong mukha ito. Ito ang lalaking tumulong sa akin nung nakaraang gabi.
Parang kusa na lang gumagalaw ang kamay ko at unti-unti ay napapansin kong napapangiti na ako habang dino-drawing ang mukha niya.
“Uy, ano ’to?” biglang saad ng boses mula sa aking likuran, sabay agaw ng sketchpad mula sa mesa ko.
Halos mapatalon ako sa gulat at mabilis na lumingon sa kanya. “Hoy! Ibalik mo ‘yan!” agad kong sigaw, sabay abot para kuhanin, pero mabilis siyang umatras.
Mas lalo lang akong nainis nang makita kong isa sa mga kaklase naming mahilig magbiro at laging mayabang ang umagaw ng sketchpad ko. Nakataas ang kilay niya at nakakaasar na ngumingiti habang tinitingnan pa rin ang mga gawa ko.
“Wow, galing ah…” nakangising wika niya, pero halata sa tono ang pang-aasar. “Pero teka lang, sino ’tong poging ’to? Hmmm…. crush mo ba, Zennah?” biglang bulalas niya sabay tingin sa akin.
Kaagad na nag-init ang magkabilang pisnge ko sa hiya, lalo na nang mapansin ko ang pagtahimik ng buong classroom.
“Wala kang pake!” I said, and tried to snatch it back again, pero itinaas niya nang mas mataas, at hindi ko iyon maaabot dahil mas matangkad siya sa ‘kin.
Tumawa siya nang mahina, “Grabe ha, pang-modelo ’yung itsura nitong lalaki. Sa totoo lang… hindi bagay sa’yo. Kasi tingnan mo naman, hindi ka naman kagandahan. Baka nga ni hindi ka mapansin ng ganitong level ng kagwapuhan.” Banat niya.
Agad na nagtawanan ang iilang kaklase naming nakarinig. May ilan pang sumipol at nakisakay pa sa biro ni Rico.
Namilog ang mga mata ko at naninikip ang dibdib na halos gusto ko na lang lamunin ng lupa sa hiya. Pinilit kong huwag ipakita ang panghihina ko, pero ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang pilit pa ring inaabot ang sketchpad na hawak niya.
“Just give it back, you blockhead.”
Napatigil si Rico sa pagtatawa at sabay kaming napalingon kay Joseph na ngayon ay nakatingin lang sa kanya mula sa kabilang row. Malamig ang boses nito, simple pero mabigat ang dating.
Nagkatinginan ang ilang kaklase namin, tila nagulat din na nagsalita si Joseph dahil wala naman iyong pakialam at lagi lang silang magkasama ni Rico sa paggawa ng kalokohan.
“Ha? Chill ka lang, bro. Joke lang naman ‘to,” palusot ni Rico, pero nakakunot na ang noo ni Joseph at hindi kumurap sa pagtitig sa kanya.
Ramdam ko ang bigat ng tingin ni Joseph, kaya kahit ayaw pa sanang ibigay ni Rico ay napa-buntong hininga ito at ibinalik din sa akin ang sketchpad.
“Eto na nga oh. Defensive naman,” sabi ni Rico, tumatawa para muling ibalik sa kanya ang atensyon ng ibang kaklase. May ilan pang natawa, pero karamihan ay nanahimik na.
Agad kong inagaw ang sketchpad at mabilis na isinara iyon, halos ayaw ko nang ipakita kahit kanino.
“Thanks,” mahina kong usal, halos pabulong lang, habang nakatungo at pilit tinatago ang pamumula ng mukha ko.
Hindi ko alam kung narinig ba ni Joseph iyon, pero nang sumilip ako nang bahagya ay nakita kong nakasandal lang siya sa upuan, parang walang nangyari, nakatitig sa unahan.
******
“You're going with Cassandra?” tanong ni Dad, kalmado ang boses at naghihintay ng sagot ko.
“Yes, Dad. Outing with my classmates po. We'll be staying at the resort for two days,” paliwanag ko.
Ilang saglit lang ay kinabahan ako nang makita kong tumigil ito sa paghiwa ng pagkain. Nakatingin lang ako sa kanya, kabado at halos hindi na mailunok ang pagkain ko.
“Hmm, not bad, Zennah. Kailangan mo din matutong lumabas at makisama sa ibang tao. So it's really okay for me,” nakangiting aniya, napangiti din ako at naalis ang kaba na naramdaman ko kanina.
Habang si Mommy ay nakatingin lang sa akin, kanina niya pa kami pinapanood ni Daddy at ayos lang din sa kanya kung sasama ako sa outing na ‘yun.
Naging ganado ako bigla sa pagkain ko at mabilis akong natapos. Nagpaalam na akong babalik na ako sa aking kwarto.
Pagpasok ko sa aking kwarto ay dumiretsyo ako sa balcony. At agad kong niyakap ang sarili ko nang sumalubong sa akin ang malamig at makalas na ihip ng hangin. Nakatitig ako sa maliwanag at malaking buwan, pero habang ginagawa iyon ay may napansin ako sa parke na nasa village lang din at ilang metro lang ang layo mula sa bahay namin.
Nakatitig ako sa ilalim ng puno at hindi nagtagal ay nakita kong humakbang papalayo roon ang isang anino ng lalaki. Sa hindi ko malamang dahilan ay kinabahan ako, kaya gano'n na lang mabilis ang pagkilos ko ay ibinaba ang hagdan na nasa balcony pababa sa unang palapag ng bahay. Sanay na akong gawin ito kaya hindi na ako nakakaramdam ng kaba.
At nang tuluyan na akong nakababa ay mabilis akong tumakbo palabas ng bahay upang puntahan ang direksyong iyon. Nagsimula na akong makaramdam ng hingal, pero hindi ako tumigil. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa narating ko na ang lugar, pero nagulat ako dahil wala na akong makitang tao.
Patingin-tingin ako sa paligid, pero kahit bakas nito ay wala akong mahanap.
“Hysst… masyado ba akong mabagal kaya hindi ko siya naabutan?” hinihingal kong bulong.
At dahil sa sobrang pagod ay naglakad ako palapit sa isang bakanteng bench, umupo ako doon at halos walang buhay na isinandal ang katawan ko para mabawi ko na ang lakas ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang malalim na humihinga hanggang sa unti-unti nang bumalik sa normal. Iminulat ko ang mga mata ko, at gano'n na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang mukha ng lalaki at sobrang lapit nito sa akin.
“Hello….” mahinang sambit niya at ngumiti.
Hindi ako nakagalaw, natatakot ako na baka may mangyari sa oras na gumalaw ako dahil sa distansya ng mukha naming dalawa.
“What are you doing here? Following me?” muling tanong niya.
Hindi ko na matagalan ang posisyon naming iyon kaya itinaas ko ang palad ko at itinulak ang dibdib niya. Nang makalayo na siya ay tumayo na ako umatras para lagyan ng distansya ang pagitan naming dalawa.
“Why are you blushn–”
“ANO BANG SINASABI MO?!” wala sa sarili kong hiyaw, at ang ginawa kong iyon ay siyang nagpangisi sa kanya.
Mas lalo tuloy namula ang pisnge ko sa reaksyon niya. Walang mapaglagyan ang hiya na nararamdaman ko at halos hindi na ako makatingin nang diretsyo sa kanya.
“Calm down, Zennah.”
Nagpantig ang tainga ko pagkarinig ko niyon. At nang muli ko siyang binalingan ay seryoso na ang mukha niya at halos tumagos iyon sa kaluluwa ko.
“You wanna know my name, right?” muling sambit niya, ngunit nanatili pa rin akong tahimik.
Nagsimula siyang humakbang, dahilan para mapaatras ako.
“I am Zakarin, and it's nice to meet you, Lady.”
TO BE CONTINUED….