ZENNAH'S POINT OF VIEW
“WELCOME TO MAHUGANI BEACH RESORT!!!!!” malakas na sigaw ni Cassandra, kasunod niyon ay ang bigla nitong pagtakbo patungo sa isang cottage.
“Hysst,” malalim na bumuntong-hininga kong saad, napapailing na lamang habang nakasunod sa kanya.
Maya-maya pa ay nakita kong sumalubong sa kanya ang mga hindi pamilyar na mukha sa paningin ko. May ibang bumeso kay Cassandra, habang ang iba naman ay niyakap siya nang mahigpit at kung minsan ay patalon-talon pa sila habang magkayakap.
Akala ko ay kaming magkaklase lang ang nagsasama sa outing na ‘to? Hindi ko in-expect na may iba pa lang sasabay at hindi ko pa alam ang tungkol doon. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako belong sa outing.
Napabaling ako ng tingin sa kabilang direksyon, sinusubukan kong iwasan ang nakikitang mga bagong mukha na tila sobrang close kay Cassandra. Pakiramdam ko lalo lang akong na-oout of place habang pinagmamasdan silang nagtatawanan at nagkukuwentuhan na para bang matagal na silang hindi nagkita.
“Zennah!” tawag bigla ni Cassandra. Agad kong iniangat ang tingin at nakita ko siyang nakataas ang kamay, masiglang kumakaway na para bang sinisignal akong lumapit.
Saglit akong nagdalawang-isip, pero dahil sa mga matang nakatuon sa akin, wala na akong nagawa kundi lumapit. Mabagal ang naging hakbang ko, parang ayaw ko ring makaistorbo sa masaya nilang usapan.
Pagkarating ko sa tabi niya ay agad niya akong hinila palapit, hawak ang braso ko. “Guys, meet Zennah! Classmate ko siya. She’s really close to me.” Nginitian niya ako nang malapad bago tumingin muli sa kanila. “Zennah, sila naman sina Aira, Cholo, Kent, at si Marisse.”
Isa-isa akong ngumiti at tumango bilang pagbati. Ramdam kong nakatitig sila sa akin, parang sinusuri nila kung anong klaseng tao ba ako.
“Hi, nice to meet you,” magaan kong saad kahit medyo nahihiya.
“Nice to meet you too,” sabay-sabay na tugon ng ilan, habang yung iba naman ay nagbigay ng simpleng ngiti.
“Don’t be shy,” bulong ni Cassandra sa akin, malapit sa tenga ko. “They’re my childhood friends. Sobrang bait ng mga ‘yan.”
Pero hindi talaga ako sanay makisalamuha sa mga taong ngayon ko lang nakilala. Kahit nga yung mga kaklase ko na nasa kabilang cottage ay hindi ko malapitan kasi nga hindi ko alam kung saan ako dapat lulugar. Wala akong ibang mapagpipilian kundi ang lumayo sa kanila.
Kaya matapos ang ilang minuto ng biruan at tawanan nilang pilit kong pinapakisamahan ay dahan-dahan akong umatras at nagpaalam kay Cassandra na magpapahangin lang muna ako. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis akong naglakad palayo mula sa mga cottage.
Nagsimula na akong lumakad at nakahinga ako nang maluwag nang narating ko ang tahimik na parte ng resort. Ang dagundong ng alon at simoy ng hangin lang ang naging kasama ko.
Sumama ako sa outing na ‘to kasi gusto ko at suportado ako ng mga magulang ko dahil gusto nilang matuto akong makihalubilo sa iba. Pero anong nangyari? Lumayo lang din ako sa kanila at mas piniling mapag-isa.
Pero kaagad ding naputol ang munimumi ko dahil sa mga yabag ng paa na umalingawngaw mula sa likuran ko.
“Zennah, right?” saad nito.
Agad akong lumingon at halos mapaatras nang makita kong nakasunod pala s akin Cholo, isa sa mga kaibigan ni Cassandra. Nakakagulat lang kasi hindi naman siya mukhang pansinero.
“Yup, bakit?” nauutal kong tanong, halatang nagulat.
Nakangiti lang siya, medyo nakapamulsa pa habang naglakad palapit. “Wala naman. Napansin ko lang na umalis ka bigla. Iniisip ko na baka na-weirdohan ka at hindi ka komportable sa kanila, kaya sinundan kita,” pag-amin niya.
Hindi ko alam kung paano sasagot. Totoo naman kase na hindi ako komportable, pero nakakailang din sabihin nang diretsahan.
“Hindi naman…” mahina kong saad, sabay iwas ng tingin.
“Don’t worry,” patuloy niya, bahagyang nakayuko para mas magtagpo ang mga mata namin. “Sila Cassandra lang talaga maingay. Pero once you get used to them, makikita mong masaya silang kasama.” Aniya.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya, hindi sigurado kung paano tatanggapin ang kanyang effort na kausapin ako. Pero ayaw ko rin naman maging sobrang salbahe kaya kalaunan ay tumango lang din ako at hinayaan siyang samahan ako.
Nakatayo ako sa tabi ng mga puno habang pinagmamasdan ang dagat. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko, pero nang makita kong hindi umaalis si Cholo sa tabi ko ay unti-unti iyong nawala at napalitan ng hiya.
“Alam mo,” panimula niya, habang nakatingin din sa dagat, “first time ko ring makita si Cassandra na may kasamang classmate sa outing. Usually kasi, kami-kami lang,” Pag-kwento niya pa.
“Ah… ganun ba?” sagot ko, mahina ang boses, pero mas magaan na kesa kanina.
Tumango siya, saka biglang ngumisi. “By the way, gusto mo bang marinig yung pinaka-corny kong joke? Masyado ka kasing tahimik,” biglang banat niya kaya napalingon ako sa kanya.
Tumaas ang kilay ko, hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya. “Corny jokes?”
“Oo. Pero warning lang ha, baka mapikon ka at upakan mo ako,” saad niya.
Napilitan akong tumango para na din mabawasan ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. “Sige…”
“Okay,” sabay hinga siya nang malalim na parang nagbubuo ng suspense. Ilang segundo lang ay sumigla ang mukha niya at nagsimula na siyang magsalita. “Alam mo ba kung anong tawag sa isda na marunong sa math?”
Kumunnot ang noo ko. “Ano?”
“E-di… fish-torian.”
Saglit akong natigilan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Pero nang makita ko ang mukha niya, seryoso pero pilit na hindi natawa sa sariling banat ay bigla akong napabuga ng tawa.
“Ang corny!” natatawa kong sambit, sabay taklob ng kamay sa bibig ko.
“Sinabi ko na eh,” nakangiti rin siya, parang proud pa sa reaksyon ko. “Gusto mo pa? May mas corny pa ako.”
“Huwag na—” hindi ko natapos dahil mabilis siyang nagsalita.
“Anong hayop ang laging late?”
Napailing ako, pero hindi ko na rin napigilan. “Ano na naman?”
“E-di… turtle.”
At doon na ako tuluyang natawa, hindi na napigilan ang sariling halakhak.
Sa hindi ko inaasahan, naramdaman kong mas gumaan ang loob ko. Hindi ko akalain na ang isang taong ngayon ko lang nakilala ay siya pa ang unang nakapagpatawa sa akin ngayong araw.
******
ZAKARIN'S POINT OF VIEW
I had been following her earlier this morning and until now. I did it quietly, making sure she didn’t notice me. I wasn’t even sure why I did it. I just felt like doing it since I'm not busy. Then, the moment Zennah walked away from the cottage, I couldn’t just let her out of my sight. So I followed her again.
And when I finally found her, I was caught off guard.
She wasn’t alone. There was a guy standing next to her, talking casually as if they’d known each other for years. That scene clenched my jaw, watching every movement, every word that came out of his mouth. And then… I saw her laugh.
A soft, genuine laugh that echoed in the air, something I hadn’t heard from her since the day, when I first met her.
My chest tightened, and anger burned in my veins. “Who the hell is he to make her laugh like that?”
The boy leaned even more closer to her, saying something ridiculous again, and she covered her mouth as laughter spilled out. My fists tightened. My breathing grew heavy. I was trying my best to surpass my anger. Because the moment I let it slip, I'll be with them and end up tearing that boy apart.
She should only smile for me. She may not know it yet. But soon enough… she will.
TO BE CONTINUED.