Chapter 2

3554 Words
Death Adder's POV Papunta na kami ngayon sa sementeryo para dalawin si Master Cobra. Ang tahimik namin simula nung sinabi ni Jared na patay na raw si Aming— Ang supremo ng Exudos. "b***h, i-check mo nga sa net kung totoo yung sinasabi ni Tiger Snake." Kunot ang noong sabi ni Steff Kendy o Taipan ng Serpentes Gang. "Kanina ko pa sinisimulan slut." Naka smirk na sagot ko. Normal na sa amin ang magtawagan ng ganun. Hindi naman kami napipikon dahil sanay na kami. "Wifey i-check mo din yung update ng gaganaping laban ng mga leaders sa Asia. Kailangan nating tulungan si Jared sa pag e-ensayo." "Copy that." Sabi ko at nagpatuloy sa pag scroll ng cellphone ko. "Psh, dapat lang talaga na mamatay na ang hayop na Aming na yun. Para magsama na sila ng anak nya sa impyerno." Mababakas ang galit sa boses ni Maury o Vipers. Diretso lang ang tingin nito sa unahan. Sya kasi ang nagmamaneho ng kotseng sinasakyan namin. Huminto ako sa pag scroll nang Makita ko na ang hinahanap ko. "Eto na guys." Simula ko at itinuon naman nila ang atensyon sa pakikinig. "Ayon dito sa article ng isang news t.v ay natagpuan nalang daw ang katawan ni Aming na nakalambitin sa selda nya. Hindi na kinaya ng syndicate lord ang buhay sa loob ng kulungan kaya nagpakamatay daw ito." Napahinto ako sa pagbabasa at kumunot ang noo ko sa isa pang article na naka post. "What is it wifey?" "Guys, meron pang isang article. Kasalungat sa nauna." "Anong sabi?" Interesadong tanong din ni Taipan. "Sinadya daw patayin si Aming." Sabi ko na hindi inaalis ang paningin sa cellphone. "What?!" *Ssssrrrkkkk!* Sh!t muntik na akong mapasubsob sa unahan nang biglang mag preno si Vipers. "Ayun sa nakasulat dito sa article, nakuhanan daw ng cctv footage ang pagpasok ng isang bulto ng tao sa loob ng selda ni Aming. Hindi mawari ang kasarian nito dahil naka ninja suit daw ang taong iyon. Hinihintay pa ng t.v news ang kabuuan ng cctv footage kaya hindi pa mawari ang totoong mga pangyayare. Sa ngayon ay iyon lang muna ang sinabi ng watcher tungkol sa cctv." "Bakit magkaiba nang ulat ang dalawang t.v news at Sino naman kaya ang posibleng gumawa nun?" Si Vipers.  Lahat kami ay natahimik. Ilang saglit pa ay natuon ang atensyon namin kay Hubby. "Sino nga ba ang pwedeng gumawa ng bagay na yun at kinayang pumuslit sa loob ng napakahigpit na piitan. Pero bakit ganun? Sobrang higpit ng facilities bago ka makapasok sa loob at may mga cctv camera sa palibot, imposibleng hindi nila mapansin ang pagpasok ng killer nang mga oras na yun? Pwera nalang kung nasa loob ng piitan ang killer." "Oh hindi kaya hinayaan lang ng mga bantay na makapuslit ang killer?" Tanong naman ni Taipan. Pinaandar na muli ni Vipers ang kotse. Malapit na din kasi kami sa sementeryo. "Bakit naman nila hahayaan? At saka bakit pa nila ilalabas ang cctv footage? Sila din mismo ang mananagot sa batas kapag ginawa nila yun. Pinahamak lang nila ang kanilang mga sarili." Kontra ni Hubby sa conclusion ni Taipan. May point silang dalawa. Ang gulo na. "Ang mabuti pa, hintayin nalang natin ang cctv footage. Heyley kaya mo namang i-hack ang system ng bilibid na yun di ba?" Wika ni Vipers. "Yeah, I can do that. It's just a piece of cake for me." Naka smirk kong sabi saka bumaba na ng kotse. Kanina pa pala kami nakahinto. Dala ang mga pagkaing niluto namin ni Steff at mga bulaklak, sabay sabay kaming naglakad papasok sa sementeryo. "Guys pagkatapos natin dito dalawin natin si Master Nexcia at Fierce. Na mi-miss ko na ang makulit na baby nila." "Hahaha! Sinabi mo pa Hubby.. Ang kulit kulit ni Polly. Mana talaga kay master Nex ang batang yun." "Ano kaya kung buhay pa ngayon si Master Cobra no? Siguro buo ang kasiyahan natin ngayon?" Malungkot na sabi ni Taipan. Hindi ko pa lubos matanggap na natalo nang ganun si Master Cobra. Kahit ako ay panghihinaan ng loob noon. Sa mga rebelasyon ba namang isampal sa pagmumukha mo at ikaw din mismo ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo eh, mawawalan ka talaga ng konsentrasyon sa laban. At dahil sa sobrang galit at poot ay nagiging mahina ka na, Physically and mentally. Ilang oras din syang nakipaglaban na mag-isa laban sa Exudos at Wildfox mailigtas lamang kami. "Oo nga eh.. Pero alam naman natin na gusto nya tayong maging masaya, kaya chill up guys!" Sabi ko nalang para maging light yung mood namin. "Para kay master!" Sigaw ni Vipers at tinaas pa talaga ang kanang kamay niya sa ere kahit na may hawak syang basket ng pagkain. Natawa nalang kami nang mapahinto ako. "Look, may bisita si master? Tara tingnan natin kung sino." Excited kong sabi. Baka kilala namin ang taong ito. Pero nagmadali syang naglakad at nilagpasan lang kami. Hindi ko nakita ang mukha nya. "Miss sandali lang!" "Slut, hayaan mo na." Pigil ko kay Taipan nang akmang hahabulin nya yung babae. Pareho pa naman sila ng bulto ni master Cobra. Ang laki nga lang ng pinagkaiba nila. Puno kasi ng tattoo yung mga braso ni master. Yung sa babae naman ay sobrang kinis. At tsaka, PATAY na si master! Psh! Bakit ko ba naisip yun? Jared's POV Nagising ako dahil sa pagyugyog ng mga balikat ko. "Sir, yung girlfriend niyo po nasa rooftop! Magpapakamatay na ata!" Sigaw ng lalaking naka puti sa akin nang tuluyan na akong magising. Matagal bago mag process sa utak ko yung sinabi niya. Kunot noong tiningnan ko sya. "Wala akong girlfriend." Sabi ko at naghikab. Napatingin naman ako sa paligid. Bakit ako naririto? "Pero sir, magpapakamatay na po yung girlfriend niyo!" Sigaw na naman nya. Teka lang. Panaginip.. Sementeryo.. Head quarters.. Kalsada.. Kotseng sumabog.. Babaeng sakay ng kotse.. Hospital.. Oh sh!t Nagmadali akong lumabas ng kwarto nang maalala ko na ang lahat kung bakit ako napunta dito sa hospital. Tss! Ang kukulit ng mga tao ngayon ah? Sinabi nang hindi ko nga girlfriend ang babaeng mahilig mag suicide na yun eh. Hindi ko alam  pero ang bilis ng t***k ng puso ko habang nag-aabang ng elevator. Hindi ako mapakali kaya tumakbo ako patungo sa hagdan papuntang rooftop. Bwesit! Ilang floor ba tong lintik na hospital na to at sobrang taas naman yata nito? Sh!t siguradong patay talaga ang babaeng yun kapag nagpakamatay sya rito. Agad kong tinadyakan ang pinto na bukas naman pala nang sa wakas ay marating ko na ang rooftop. Ang daming doctor at nurse na nandito. Agad na hinanap ng mga mata ko yung babae. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Nakatayo na sya sa edge ng building na to at nakaharap sa amin. Kaunting tulak lang ay mahuhulog na talaga sya. "Miss wag mong gawin to." "Please bumaba ka na dyan ija." "Mahal ang buhay, wag mong sayangin. Kung ano man yung problema mo ay pwede nating pag-usapan yan." Iba't ibang salita na nanggagaling mula sa mga tao na nandito. Lumapit na rin ako nang akmang lalapitan siya ng mga tao. "Hwag kayong lalapit! Idadamay ko kung sino man ang lalapit! Hayaan niyo na ako rito! Gusto ko mapag-isa!" "Please bumaba ka na dyan iha at baka mahulog ka pa!" "Hindi! Hindi ko na kayang mabuhay nang wala sya!" Umiiyak na sabi nung babae. Hindi na ako nakatiis at lumapit na ako ng tuluyan. "Hayaan niyo na syang magpakamatay, total buhay naman nya yan. Wala na tayong magagawa kung gusto na talaga nyang wakasan ang buhay niya ngayon." Kalmadong sabi ko at lumapit pa ng kaunti papunta sa babae. May kung ano akong nakita sa mga mata nya na hindi ko mabasa. "Huhuhuhuhu!" walang takot na naupo na sya sa edge ng building. Lumapit pa ako nang napatakip na sya ng kanyang mukha. "May mga taong patay na. Na ang gusto ay makabalik pa dito sa lupa. Pero ang mga katulad mo ay sinasayang lang ang buhay. Isipin mo kung gaano ka kaswerte na buhay ka pa hanggang ngayon. Kung sino man ang dahilan ng pagkakaganyan mo, sa tingin mo ba'y magugustuhan niya tong ginagawa mo?" Sabi ko pa na mas lalo pa nyang ikina-iyak. Nag-angat sya ng tingin at biglang kumabog na naman ng napakabilis ng puso ko. Napaka amo ng kanyang magandang mukha kahit puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata. "Tutulungan ka namin. Bumaba ka na dyan." Sabi ko at nilahad ang mga kamay ko sa kanya. May kung ano na naman akong nakita sa mga mata nya ng sinabi ko yun. Ngunit hindi ko parin maintindihan. Kumikibot kibot pa yung labi niya at patuloy na dumadaloy ang kanyang mga luha. "Take my hand." Sabi ko at humakbang pa ng isa. "Will you promise me that you'll never let go?" Nakikiusap na aniya. "Yes, I promise. I won't let you go. Just take my hand." Sabi ko ng nakangiti. Napangiti naman sya ng kaunti at aabutin na nya sana ang mga kamay ko nang humangin ng malakas. Halos liparin ko yung pagitan namin nang magsigawan na yung mga tao. "Aaaaahhhh!!!" Sh!t "Tulungan mo ako!" Takot na takot na aniya. Napatingin naman ako sa ibaba. Sh!t ang taas nito! Mabuti nalang at naagapan kong hawakan ang kamay nya kanina. Kung hindi, siguradong sa baba talaga ang bagsak nya. "Humawak ka ng mabuti!" Sigaw ko at tinulungan naman ako ng ilang lalaki para hatakin sya paitaas. "Don't let go! please help me!" Aniyang lalong humigpit ang hawak sa kamay ko. "I won't!" Sabi ko at binigay ang buong lakas sa paghatak sa kanya. Nakahinga kami nang maluwag nang tuluyan na syang maiangat. Lahat ng tao ay nagpalakpakan pagkatapos. Inasist na sya ng mga doctor at nurse. Chineck yung iba't ibang parte ng katawan niya kung nagkaroon ba sya ng sugat o kung ano pa man. Chineck din yung blood pressure nya. Samantalang hindi parin humihinto ang malakas na pagkabog ng puso ko. Pinahirapan ako ng babaeng to. Sa susunod, hindi na ako mangingialam at magliligtas ng mga naaksidente. Dave's POV Naka ilang ikot na ako ng mansion pero hindi ko sya mahanap. Nasaan na ba ang babaeng yun? "Ano nakita niyo ba?" Tanong ko sa mga katulong. "Hindi ho sir eh." Nakayukong sagot nila. "Hanapin niyo pa. Hwag kayong titigil hanggat hindi niyo nahahanap. Maliwanag ba?" "Opo!" Psh! Pinag-aalala mo ako ah. Mayamaya lang din ay tumunog ang cellphone ko. "Oh?" Cold kong sagot sa kabilang linya. "How is she?" "She's missing again." "What?!" Inilayo ko yung phone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses nya. "You don't need to shout. I'm not a deaf!" Ganting sigaw ko din. Psh! "Find her!" Makautos tong kumag na to ah. "Oo na! makautos ka parang ikaw ang panganay ah?" Bwesit na to. Ka asar! "Psh! Just find her, or else you know what will happen to you." As if matatakot nya ako sa banta nyang yan. "Oo na nga, ang kulit mo. Sige na. bye." At agad ko nang tinapos ang tawag. Asan na ba kasi ang babaeng yun eh! "Oh kuya Dave!" Tumatakbong lumulundag ang pasaway na bata papunta sa akin. "Nakita mo ba si Renei?" Tanong ko at tumingin sa likod nya. Baka sakaling kasama nya. Pero wala akong nakita. "Umalis kanina eh. Hindi ba sya nagpaalam sayo?" Kunot ang noong aniya. Hindi ko sya sinagot at nagmadaling pumunta sa garahe. I think i know where she is. Ilang minuto lang akong nag maneho at narating ko na ang lugar na sigurado akong pupuntahan nya. Ipinark ko ang kotse sa hindi kalayuan at pinagmasdan ang paligid. Hinanap ng mga mata ko ang bulto ng katawan nya at hindi nga ako nagkamali. Nakatayo siya sa sanga ng isang mataas na puno at nakatanaw sa malaking bahay sa harap. Nakapamulsa sya habang nakasandal sa puno. Suot nya parin ang scarf na bigay sa kanya ng kapatid ko. Ang cool nyang tingnan. Hindi pa rin ako lumalabas ng kotse, isang oras na ang nakalipas at hindi parin sya bumababa. Tsk, tsk! Ano kaya kung bumalik nalang kami ng New York? Kay sa naman ganito yung ginagawa nya. Akala ko pa naman ay gagawin nya agad ang plano nya. Hindi pa pala. Good luck nalang sa kanila. Nasa ganun akong pag-iisip nang walang kahirap hirap nyang tinalon yung mataas na puno pababa. Tsh! Kaya ko din yan uy! Tiningnan ko naman ang malaking bahay. kaya pala. Lumabas kasi ang isang babae na may kargang batang babae at kasunod nito ang isa pang batang babae na sa tingin ko ay nasa anim na taong gulang pataas ang edad. nakahawak ito sa kamay ng isang matangkad na lalaki. Nagmadali naman syang sumakay ng kanyang motor at walang habas na pinasibad nya iyon. Susundan ko ba sya o hindi? Sa tingin ko, hindi na muna. Kailangan nyang mapag isa. At kaya naman nya ang sarili nya. Nagmaneho nalang ako pauwi nang makatanggap na naman ako ng tawag mula sa aking minamahal. "Hello lovidabdab!" Ngumiti ako ng napaka lapad. Hahaha! Ang sweet talaga ng mahal ko. "Hey, how are you Honey?" "Ump! Eto na mi-miss na kayo! Hihihi! Kailan ang balik niyo dito?" Alam kong nakanguso na naman sya. Ang cute talaga ng mahal ko. Shet! Kinikilig ako nang ma imagine ko yung cute at maganda nyang mukha. "Matatagalan pa kami rito Hon, pero kung gusto mong sumunod dito ay pabor na pabor sa akin yun." Sabi ko nang nakangiti. Bumusina naman ako at automatic na nagbukas ang gate ng mansion namin. "At ako pa talaga ang susunod? Bumalik ka na kasi dito. Kaya naman nyan ni Renei di ba?" "Hon, hindi pwede. Kailangan ko pa ring sundin ang utos ng Daddy at ng kumag na yun." "Nasaan ka ba? Siguro nambababae ka na naman ano? Malaman laman ko lang Dibyo na niloloko mo ako ah! Putol yang ano mo sa akin pag nagkita tayo!" "The heck! Kailan ba ako nambabae? Alam mo namang ikaw lang at walang iba hindi ba?" Hindi ko namalayan at nakarating na pala ako sa loob ng mansion. "Hihihi! Talaga?" "Oo kaya—" Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Tumigil ang pag ikot ng mundo ko at nagwawala na ang puso ko sa dibdib. "Surprise?" Malapad ang pagkakangiting aniya. Nabitawan ko nalang ang cellphone ko at hindi ko malaman ang gagawin. "Ano? Tutunganga ka nalang ba dyan?" Naka smirk na aniya. Ilang Segundo pa akong nakatulala sa kanya. Naglakad naman sya palapit sa akin na may ngiti parin sa mga labi nya. "H-hon." Nautal kong sabi at hindi makapaniwala na naririto nga sya sa harapan ko. "Hihihi! Miss me?" Hindi na ako nag-isip pa at kinarga ko na sya at umikot ikot kami. Wooohhhooooo!!! Ang saya saya ko! Shet pancit! Kausap ko lang sya kanina sa phone at ngayon kayakap ko na ang babaeng pinaka mamahal ko. "Hahahaha!" Tawa parin sya ng tawa hanggang sa maibaba ko na sya. "What are you doing here?" Tanong ko na sa kanya. "Parang ayaw mong nandito ako ah?" Nagtatampo agad na sabi nya. Niyakap ko naman sya agad ng napakahigpit. "Thank you." Sincere na sabi ko. Hinampas naman nya ang balikat ko at humagikhik pa. "Kaya ako sumunod dito ay para kay Renei no! hmp! Dyan ka na nga, asan na ba ang babaeng yun?" Aniya at pumunta ng kusina. "Ano?! So hindi ka pumunta dito para makasama ako?!" Nakahawak sa dibdib kong pag da-drama. Hindi ako nakatanggap nang sagot kaya nakasimangot naman akong sinundan sya. "Honey ang kiss ko!" Patakbo akong pumunta sa kanya at bigla naman syang nagtatakbo para iwasan ang machong katawan ko na yayakap sa kanya. Jared's POV Pinagmasdan ko ang babaeng mahimbing na natutulog sa hospital bed. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko nang maalala ko ang nangyare kanina. Takot din pala syang mahulog. Nagtangka pang tumalon. Hay naku, naku. Mga babae talaga. Masyadong sensitive. Hindi pa namin nakukuha ang pangalan nya. Nakatulog kasi sya kanina nang turukan sya ng pampakalma. Kinuha ko ang cellphone ko at nilibang ang sarili. Hindi ko parin nabubura ang mga text conversation namin ni Daniel simula nung mag partner kami sa singing competition with Highland University. Ang tipid tipid nyang mag reply sa text. Daig pa ang lalaki.     Bigla naman akong napaisip.     Kung may cellphone lang sana sa langit sana ka text ko parin sya hanggang ngayon. O mas maganda kung katawagan ko sya anomang oras. Para kasama ko parin sya kahit sa text o tawag man lang galing sa langit.     Kailan kaya magkakaron ng linya ng telepono sa langit?     Kung magkakaroon man, mag re-registered kaagad ako ng unli call at text.     Natawa ako sa naisip ko.     Kung anu-ano na yung pumapasok sa isip ko.     "Daniel naman kasi, magpakita ka nga sa akin!" Bigla ko nalang naisigaw sa kawalan. Kaya ayan tuloy, nagising yung babaeng mahilig mag suicide.   Inayos ko ang sarili ko. Mabuti naman at gising na sya. Kailangan ko na ding umuwi, kahapon pa ako rito. Siguradong nag-aalala na sila.   "Mabuti naman at gising ka na. Hinintay lang talaga kitang magising. Kailangan ko na kasing umuwi. Kailangan ko lang yung pangalan mo dahil sa bill mo dito sa hospital. Ako na ang magbabayad nun." Malamig kong sabi sa kanya at tumingin sa bintana.   Hindi sya nagsasalita kaya tiningnan ko siya.   "H-hey! Stop crying!" Natataranta na namang sabi ko. Ayoko nang makakita ng umiiyak. Lalo na kapag babae. Madali akong mahawa. Sh!t. ano bang gagawin ko sa babaeng to.   "Your promises. Sabi mo tutulungan mo ako?" Aniyang umiiyak talaga.   Oh sh!t! mukhang mapapasubo ako nito ah.   'Daniel, hwag mo akong mumultuhin kung nakikita mo man ngayon na may kasama akong babae ha? Promise, papakalmahin ko lang ang isang to at lalayo na agad ako sa kanya. Ikaw lang dapat ang babae sa buhay ko. Bukod kay Mommy.'   "Oo na, oo na.. tutulungan na kita. Pero papaano ba?" Napakamot nalang ako sa batok dahil wala na akong takas. Baka lalo pa tong umiyak at maisipan muling magpakamatay. Lagot na..   Nagpahid siya ng luha na parang bata saka ngumiti ng napakatamis. Inilahad nito ang kamay niya sa akin at nagsalubong naman ang kilay ko kaya nagsalita na siya.   "Ako nga pala si Hanna."   Aah.. Hanna pala ang pangalan niya. Napakagandang pangalan. Bagay sa kanya.   "Jared." At nagkamay na nga kaming dalawa. Nabigla pa ako nang may parang kuryente akong naramdaman nang magdikit ang mga palad namin.   Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo nang mga sandaling magkadaop ang aming mga palad.   Kung hindi pa pumasok ang isang nurse ay hindi pa ako matatauhan. Ano bang nangyayare sakin?   "Eherm.. ah ano. Ano kasi," Sh!t! hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam ko ring nahihiya din siya kaya nag-isip ako ng pwedeng sabihin.   "Bibili lang ako ng pagkain."   Agad na akong tumayo at hindi ko na hinintay na sumagot siya.   Pagkalabas ko ng kwarto ay napabuga ako ng hangin.   'Daniel.. Love.'   Mariin akong pumikit at huminga ng malalim bago tuluyang naglakad.   Kinakabahan ako sa nararamdaman ko. Ganitong ganito rin kasi ang naramdaman ko noon kay Daniel. At hindi koi to gusto ngayon..   Kay Daniel lang ang puso ko. Ayoko sa iba. Sa kanya lang ako..   Ipinangako ko sa sarili.     Ellqui's POV "Good job." I said and handed the envelop of money to the person in front of me. "Thank you, master!" And the assassin bows to me. "I'll call you again. You can get out of my sight now." And then the assassin leaved without any noise. Minutes pass and I'm alone again in this room. So I decided to call that person. "Aming is dead." A sly smile plastered on my face. "Good. I'm sure she'll like this." "Send my regards to her." I said while smiling "Roger that." And the call ended. "Tsk, tsk. How long you'll going to live like this?" I ask in the air. That Animal. She's really serious to go back for good. Let see if they will still accept you. I smirk and zip the wine in my glass. But I'm still glad that you're still alive. Pss! Snakes.. Richard's POV Humahangos na pumasok sa opisina ko ang isa sa aking mga tauhan. "Patay na po ang Supremo." Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa balita niya. "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?!" Hindi ito maaari. Napakuyom ako ng kamao nang hindi ito nagsalita,  bagkus ay lumuhod pa ito para humingi ng tawad. "I want all the information in five minutes. At ikuha mo ako ng plane ticket pabalik ng Pilipinas." Paanong nangyare ang lahat ng ito? First is my brother Rhey. And now my Dad? All of this because of Serpentes Gang and Voulmar Family. I will make them pay! Lalong lalo ka na Jared. Sisiguraduhin kong mauubos kayong lahat.. And with that, isang plano ang nabuo sa aking isipan. I'll see you soon Serpentes Gang.. Renei's POV Isang buwan na ang nakalilipas nang bumalik kami dito sa Pilipinas at hindi ko pa nagagawa ang mga dapat na gawin. Hindi naman ako ganito noon, Pero natatakot lang ako sa magiging resulta ng gagawin ko. Kaya napagpasyahan kong huwag nalang ituloy ang aking plano. "Renei.. bumalik nalang tayo ng New York. Mas kailangan ka nila doon. Bumabagsak na ang Underground Society dahil sa absences mo." Nangungusap na wika ni Shierry. "Hon, huwag muna nating i-pressure si Renei. Kaya naman nina Daddy ang tungkol sa bagay na iyan." "Pero.. Tapos na niya ang unang pakay niya dito kaya siya umuwi diba?" Napatayo na ako dahil sa sinabi niya. "Fine.. babalik muna ako ng New York pagkatapos ng Enrollment. Ikuha mo na ako ng Ticket."                                                                                                                                                                                                                 Nagliwanag naman ang mukha niya at napangiti nalang ako. Ang totoo ay hindi naman talaga ako ang gumawa ng paraan para matupad ang pakay kong iyon. May nauna na sa akin. At kung sino man siya. Salamat sa kanya. "Pero sigurado ka na bang sa VHigh ka papasok?" Tanong ni Dave. "Bakit kuya? Bawal ba siya doon?" "Hoy bata hwag ka ngang sumali sa usapan ng matatanda." "Hahaha! Inamin mo din sa wakas na gurang ka na kuya." "Aba! Halika nga dito at sisipain na kitang bata ka." "Oh bakit? Tuturuan mo na ako ng martial arts?" Natawa kaming dalawa ni Shierry sa kakulitan ni Denveir. "Manang! Paki-abot nga po ng pamalo ko dyan!" Namumula na sa inis si Dave. "Oh? Arnis naman ngayon? Ano ba talaga kuya?" "Denveir Shane Welson Tumigil ka na!" Tsk! Napikon na talaga si Dave kaya tumakbo na palayo si Denveir at binelatan lang ang kuya niya na anumang oras ay sasabog na. "Sa Vhigh ako papasok at walang pipigil sa akin." Nakangiting sabi ko kay Dave ng mahimasmasan na ito. Napabuntong hininga na lamang siya kaya alam kong wala na syang magagawa pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD