Renei's POV
"Sige na please?" Nakangusong aniya. Kanina pa ako kinukulit ng babaeng ito.
"Bessy please? Samahan mo na ako sa Mall."
"Ano ba kasi ang gagawin natin sa Mall?" Naiinip na wika ko
"Gagala!" She said using her high pitch tone. "Bibili ng school supplies at maghahanap ng boylet!" Aniya pa na kinikilig.
"Ho-Hoy! Anong boylet yung narinig ko?"
Pareho kaming napalingon ni Denveir kay Shierry.
"Bakit ate? Sasama ka?"
"Haha! Gusto mo bang magwala ang kuya mo?" Shierry pat her head and sat beside me. She looked at me with her worried eyes.
"Hindi naman niya malalaman eh!" Nakangusong reklamo ni Denveir.
"We have some other business to attend my dear. So, hindi pwede ang ate Renei mo. Right Renei?" Baling nito sa akin.
"Hmm. Tama siya, kaya dito ka nalang muna sa bahay. Okey?" Sabi ko sabay tayo. Kailangan ko nang maghanda.
"Teka lang! Saan kayo pupunta?" Habol nito sa amin.
"Pupunta kami kay Ellqui, Sasama ka ba?" May halong pananakot sa boses ni Sheirry.
Natigilan naman siya at nandidiring umiling ng napakaraming beses.
"Haha! So better behave sis!" Kaway dito ni Shierry at pumanhik na ng hagdan.
"Bessy naman eh!"
Wala na siyang nagawa kundi ang magdabog nalang na parang bata.
Hindi na ako nagulat nang pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ko ay nasa loob na sya.
"Monster."
Ngumiti lang ako at nagbihis without minding her watching me.
"Hindi mo parin binubura ang tattoo mong iyan."
"Who cares?"
"They do."
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at tinapos ang pagbibihis ko.
"So.. Anong plano mo ngayong tapos na ang business natin sa new york? The way you fought back there really reminds me how you are in your past." Anito at tinulungan ako sa pagsasara ng Zipper sa aking likod. "What an art." Puri nito sa aking tattoo.
Sa sinabi niyang iyon ay nagbalik sa ala-ala ko ang nangyari sa new york.
*Flashback*
"Welcome back Young Lady. Young master is waiting for you at the Penthouse."
Binigyan ko ng matamis na ngiti ang butler na sumalubong sa amin ni Sheirry sa malaking building na pag-aari ng mga Welson.
"Thank you butler James. You may take a break now." Magiliw kong tugon sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
"You really change a lot." Puna ng kasama ko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagtuloy lang sa paglalakad.
"Everyone can change my friend." Wika ko nang paakyat na sa penthouse ang elevator na sinasakyan namin.
Hindi na siya nagsalita at alam kong sang-ayon siya sa sinabi ko dahil pareho lang kami.
"At last! Welcome back babe!" Sinalubong niya ako ng yakap at agad naman akong umiwas. "Haha, joke lang. ikaw naman oh. Come take a sit. Drinks?"
"Lemon juice please." Sheirry.
"H2o." Tipid kong tugon bago kami naupo sa tapat ng table niya.
Tinawag nito ang secretary niya sa intercom at mayamaya lang din ay dala na nito ang mga inumin namin.
"Hindi ko na ito patatagalin pa. Nanganganib na ang underground sa pamumuno ni Tomas. We need to stop him at ibalik sa dati ang society. At kayong dalawa ang gagawa niyon."
"Alex, bakit kami lang?" Tanong dito ni Sheirry.
"Dahil kayong dalawa lang ang may kakayahan para pabagsakin si Tomas."
"Come on! Kahit ikaw ay kayang-kaya mong pabagsakin ang hinayupak na yun eh!"
Tahimik lang akong nakikinig sa pagtatalo nilang dalawa.
"Hindi ako pwedeng makialam at alam mo ang dahilan nun."
"Whatever!"
"So?" Ako naman ang binalingan niya. "How was your vacation?" Tukoy nito sa pag-uwi ko sa Pilipinas.
"Okey lang."
"That's it?" Taas ang kilay na aniya.
"Naku, hindi pa nga sana babalik yan dito."
I gave her a death glare pero ngumiti din agad.
Relax...
"Good luck to both of you. I know you can make it." Huling sinabi nito bago namin nilisan ang silid niya.
*Somewhere in New York*
Papasok na kami sa isang tagong bar at nakasuot kami ng mascara para manuod ng laban.
"Shacks! Ang dami ng nagbago sa lugar na ito. Pati mga tao halo-halo na. Talamak talaga magpalakad ang Tomas na yun." Mahinang sabi ni Sheirry sa akin.
Noon kasi ay organize talaga ang lahat dito. Simula sa mga bantay sa labas. Noon ay pawang mga respetadong Gang ang nakatoka gabi-gabi. Marami ang takot na gumawa ng hindi maganda dahil takot lang nila na mapugutan ng ulo. Ngayon ay iba na, mga manyak pa yung iba at ang iba naman ay galing sa mahihinang Gang.
Talamak na din ang pag gamit ng droga sa loob ng bar. Ang dugyot pa at wala nang gusto ang magtagal dahil nga sa mga droga na ginagamit ng mga Gangster sa loob. Dati ay dinadayo pa ang lugar na ito kahit hindi kabilang sa anumang Gang ay pwedeng makapasok. Ngayon ay puro Gangster nalang ang laman ng bar.
Napailing ako at mabilis na naglakad patungo sa underground.
Agad naming hinanap ang pakay at nandoon siya sa entablado habang prenteng nakaupo sa upuan ko dati.
Yes, that chair belongs to me a year ago.
Bumaba lang ako dahil sa isang dahilan. Ang bumalik ng pilipinas upang Makita sila sa pangalawang pagkakataon.
"Look who's here?"
"They're back! Oh my god!"
Sila siguro ang mga nakakakilala sa amin dati pa.
"We came here just to watch the fight. don't get paranoid losers." Pagmamaldita na naman ni Sheirry.
"Blockleidy! What a nice surprise!"
Tumayo ito sa upuan at pumalakpak na parang tuwang tuwa siya na makita kami dito.
"Pch!" Sheirry hissed.
"And of course, " Baling nito sa akin. "Yilan."
I smirk.
"What a pleasant surprise?" Inilahad nito ang dalawang kamay at may lumabas mula sa exit na mga kalalakihan. Hindi sila basta basta dahil puro sila mga bouncer. Naghihimutok ang mga muscle nila sa katawan.
"Hmm... Yummy!" Komento ng Katabi ko. Siniko ko siya sa tagiliran kaya humagikhik pa ang loka-loka.
"We don't want to fight. We just came here to see how you manage the society. But we change our minds." Wika ni Sheirry at naglabas ng dalawang hunter knife.
"Ano bang pinagsasabi mo na manunuod lang tayo?" Wika ko naman at inihanda ang sarili.
"Chill, It's just pag-ibig. Hehe!" Nakuha pa nito na magbiro. Hindi biro ang nakapaligid sa amin dahil mahigit sa dalawampu sila.
Agad namang nagsigawan at naghiyawan ang lahat ng tao sa loob. Nagkalampagan pa sila at parang mga nagwawalang mababangis na hayop sa hawla.
"Listen up Gangsters!"
Natahimik ang lahat. Nakatuon ang pansin ng lahat sa kanya.
"Tonight, we have a very important visitors. BlockLeidy and Yilan, whom the former Queens of this underground. Precisely they are the undefeated Queens. But tonight, they will entertain us." Isang delikadong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.
Nagsimula na namang mag-ingay ang lahat.
Hindi ito ang plano namin. Pero sa ginawa niyang ito ay binigyan niya kami ng mas madaling trabaho.
"We'll fight in one condition." I said with my cold voice.
"Anything my Queen." Yumuko pa ito sa akin.
"If we win the fight, you should step down from the throne and leave this underground in welsons property."
Nagulat man siya ay agad din na nakabawi. Hindi niya siguro inaasahan ang magiging kondisyon ko.
Hindi siya pwedeng tumanggi dahil majority wins ang nasusunod dito. Lahat ay sumang-ayon sa sinabi ko.
"O-okay then!" May alinlangan sa boses niya.
Tumunog ang serena at hudyat na simula na ang laban.
Agad namang sumugod ang mga gusto kaming talunin.
Swabeng nakatayo lang kami habang hinihintay ang pagsugod nila.
"Yaaahh!"
Nagkanya-kanya na kami ni Sheirry. Agad akong tumakbo pakanan at sinipa sa kaliwa ang isa. Agad itong bumagsak at umagos ang dugo sa kanyang ulo. Ipinadyak ko ang kaliwang paa at agad na bumalik sa loob ng sapatos ko ang isang patalim.
May dalawa na sumugod na naman sa akin. Nailagan ko ang unang suntok ng isa ngunit hindi ang pangalawang sipa ng isa pa. Sinipa ako nito sa likod.
Traidor na tira yun. And I hate it! I really hate it!
Bumangon ako sa pagkakadapa.
May mga imahe ang lumitaw sa paningin ko at hindi ko mapigilan ang galit na umaahon sa loob ko.
"You'll pay for that."
"Yilan.." May pagbabanta sa tono ang boses ni Sheirry. Ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
Muling sumugod ang dalawa at sa isang iglap lang ay sabay din silang bumagsak. Hindi ako nakuntento at inapakan ko sa batok ang umatake sa akin ng patalikod. Nagkamalay ito kaagad, hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makabangon. Sinakyan ko ang likod niya at hinawakan ang kanyang ulo. Tumingin ako kay Tomas na naka ngisi.
"Watch this coward." Sambit ko.
Lumagutok ang leeg nito nang pihitin ko pakaliwa at pakanan. Lupaypay na bumagsak ang ulo niya sa sahig. Nasisiguro ko na wala na itong buhay.
Pinagpag ko ang mga kamay na nakasuot ng itim na guwantes. At muling tumingin sa mga kalaban namin. Nakakapit parin si Sheirry sa braso ng kalaban niya nang bumalik ito sa huwisyo. Agad niya itong binalibag sa sahig at mabilis na inapakan sa mukha ang kawawang lalaki.
Hindi natinag ang iba pang kalaban at sumugod na naman ang mga ito sa amin.
May apat na sabay sabay na sumugod sa akin. Tantiya ko ay balak nila akong pagkaisahan. Pero dahil sa maselan ako. Hindi ako basta-basta nagpapahawak. Bawal ang magpahawak at bawal ang humawak. Iyan ang unang rule ko pagdating sa pakikipaglaban.
Susugurin ako ng suntok ng isa ngunit inunahan ko na. Sinalubong niya ang kanang paa ko. Sapul ito sa panga na ikinabagsak niya. Mabilis akong yumuko nang akmang hahampasin ako ng tubo ng isa pa. Agad ko namang tinira ang kili-kili niya. Isang mabilis na suntok ang iginawad ko doon. Nabitawan nito ang tubo at pagkakataon ko na para tirahin ang mga kamay niya. Kinapitan ko ang mga kamay niya at pinilipit hanggang sa makarinig ako ng crack.
"Ahhh! You b***h!" Tatayo pa sana ito ngunit sinipa ko ang mga tuhod niya. Nang babagsak na siya ay mabilis kong sinipa ang panga niya. Walang malay na bumagsak ito sa sahig.
"You're really a monster! Sa akin pinatulog ko lang. Pero ikaw? Tinanggalan mo ata ng buhay ang mga yan eh?" Wika niya bago pinisil sa p*********i ang kalaban niya.
"Tss!" Nilabas ko na ang katana ko mula sa aking likod.
"Ow-oh!" Nakangising aniya.
Hindi ang mga kalaban namin ang susugurin ko.
Mismo ang pinuno na nila. Mabilis akong tumakbo. Pakanan, kaliwa. Isa-isa kong pinadaanan ang mga kalaban namin bago nakarating sa tapat mismo ni Tomas.
"Hi!" Nakangiting bati ko sa kanya. Gulat ito at nanlaki pa ang mga mata.
Magsasalita pa sana siya ngunit mabilis kong inihampas pahalang ang katana sa harap niya. Pagkatapos ay tumalikod ako sa kanya bago ibalik sa casing ang espada.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob.
Lahat ay napatulala at hindi makakilos.
"Boooggggssshh!*
Napangiti ako...
"Woooohhhh!"
Naghiyawan na naman ang lahat nang bumagsak sa sahig ang putol na ulo ni Tomas.
*Flashback End*
"Alam mo? Hindi na sana nangyari kay Tomas ang sinapit niya. Haha! Gagu ba naman kasi.. Kakausapin lang sana natin siya pero tingnan mo naman ang sinalubong niya sa atin? Well, he deserved it."
Tapos na akong magbihis at kinuha ang mascara sa lagayan nito.
"Handa ka na ba?" Aniya.
Isang ngiti lang ang naging tugon ko sa kanya.
Jared's POV
Isang buwan ang makalipas nang makilala ko si Hanna. Ang babaeng mahilig mag-suicide.
Pagbalik ko sa hospital room niya galing fast food para bumili ng pagkain ay wala na siya at sabi ng mga nurse ay hindi din nila alam kung saan nagpunta si Hanna.
Wala akong pakealam sa kanya at mabuti na nga yun dahil hindi ko gusto ang nararamdaman kong iyon nang magkamay kami.
"Jared let's go!" I look at them with my cold expression. Ganito na sila palagi sa akin, sinusubukan nila na ibalik ako sa dating ako. Pero masisisi ko ba ang sarili ko kung binago na ako ng pagmamahal ko sa kanya? Damn! Kahit anong gawin nila at gawin ko, hindi parin mababago ang katotohanan na wala na siya.
'Stop now Jared!' Lihim kong pinagalitan ang sarili dahil nagiging emo na naman ako.
I smirk and headed to my Gang mates.
Ngayon ang labanan ng mga Gang leader sa buong Asia na gaganapin sa Bucaue Bulacan. Sa ngayon ang Rank 1 na Gang ay ang Serpentes Gang.
Susubukan naman ng mga leader mula sa iba't ibang bansa na maglalaban-laban, hanggang sa isa nalang ang matitira na siyang kakalaban sa lahat ng meyembro ng Serpentes. Kapag natalo niya ang mga member ko ay saka palang kami maglalaban.
"Are you ready for this?" Naka ngising tanong sa akin ni Black Mamba.
"Matagal na." Walang emosyon na tugon ko at nauna nang sumakay sa Van.
"Okay guys! Let's Go!" Hiyaw ni Taipan na siyang Driver namin.
Napagpasyahan namin na isang sasakyan nalang ang gagamitin para hindi kami magkahiwa-hiwalay sa daan.
Ilang sandali pa ay para na kaming nakipag habulan kay kamatayan.
"Waaahh! b***h ka talaga! b***h ka talaga!" Paulit-ulit na sigaw ni Death Adder kay Taipan dahil sa napaka bilis nitong pagmamaneho.
Ngumisi lang ng nakakaloko si Taipan at lalo pa niyang pinabilis ang pagmamaneho.
Ilang sandali pa ay nasa NLEX na kami at parang si Flash na tumatakbo ang Van na sinasakyan namin. Nakaramdam ako ng saya noong marami kaming na over take at pinagmumura kami dahil sa galit nila. We don't care. Pasalamat pa nga sila at over take lang ang ginawa ni Taipan.
Now I know who is the queen of drag race.
Ilang minuto pa ay narating na namin ang location.
Bago kami bumaba ay ininspect muna namin ang lugar. Marami nang tao ang nagsipasukan sa loob ng arena at punong puno na rin ang lahat ng parking lot. Sinuot na namin ang mga personalize face mask. Iba na ito sa dating mascara nila. Mata na hanggang ilong nalang ang mascara ngunit gawa parin sa balat ng ahas ang materyales na ginamit sa paggawa nito.
"I am so really excited for this! Matagal tagal na rin akong tigang!" Taipan said.
"Gaga! Anong tigang ka diyan?"
"Pch! Tigang na matalsikan ng dugo!"
"Awat na, Puro kayo bangayan eh." Pigil ni Vipers sa dalawa.
"Jared." Nilingon ko naman si Black Mamba na nasa likod ko.
"Ano yun?"
"Umaasa kami na hindi ka matatalo sa loob." Seryosong aniya.
"Umaasa din ako na hindi niyo bubuhayin ang kalaban bago makarating sa akin." Ngumisi lang ako at nauna nang bumaba ng Van.
Sumunod naman agad sila sa akin. Marami ang nakatingin sa amin at halo-halo ang mga komento nila.
"Whoah! Is that the new leader of Serpentes Gangster?"
"I heard that he's so f*****g handsome and hunk!"
"But the question is. Is he stronger than Queen Cobra?"
Natigilan ako sa narinig ko.
"Jared, let's go. Don't mind them." Anyaya ni Death Adder.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit hindi na nawala sa isip ko ang tanong na iyon. Mas malakas ba ako sa kanya?