Chapter 4

823 Words
Jared's POV Kahit na hindi ako tumingin sa paligid. Alam ko na tinitingnan ako ng mga tao sa tuwing dumadaan kami sa kanila. Hindi ko man malinaw na naririnig ang kanilang bulungan, pero alam ko na ako ang topic ng usapan nila. 'Just ignore them Jared. Inggit lang sila sa'yo dahil ikaw ang lider ng pinaka malakas na Gang sa buong asia.' Lihim ko namang pinakalma ang sarili. Hindi ko maitatanggi na sobra akong kinakabahan ngayon. Nababahala din ako na baka matalo ako sa laban. Sabihin pa nila na pinahiya ko lang si Cobra. "Ano ba naman mga tao dito. Mga tsismakers din pala. Naku lider, wag mo na silang pansinin ha? Ipakita mo nalang sa laban mamaya na ikaw ang pinakamalakas na gang lider sa buong asia." "Tama si Taipan, just ignore them. Walang maidudulot na maganda kapag pinansin mo ang mga yan.'' "Salamat sa inyo. Taipan at Death Adder." Nag tumbs up lang ang dalawa at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Todo ang tilian ng mga babaeng nadadaanan namin. Sinasabi nila na ang gu-gwapo naming tatlo. Matutuwa na sana kami sa popularidad na aming natatamo pero bandang huli napag isip din namin na Hindi naman nila nakikita ang mga mukha namin kaya bakit nila kami pinupuri? Ano yun? Wala lang magawa? Napailing nalang ako habang naglalakad at hindi ko napansin na may mababangga pala ako. "Ouch! Hey watch out you freak!" Duro sa akin ng babaeng naka maskara. "Sorry. I did'nt see you." "So ano ako dito invisible? Para hindi mo makita? Sooo.." Napatigil siya sa pagsasalita at nakanganga habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Maya maya ay sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. "Tiger Snake.." Para naman siyang namangha ng mapagtanto kung sino ang bumangga sa kanya. Umikot ang isang kamay nito at kinapa ang likuran niya ng hindi inaalis sa akin sa ang kanyang paningin. Napansin ko na ang kinakapa pala nito sa likuran niya ay isang nakatalikod na babae. "Hey Yi-yilan..." Tawag niya sa kasama niya. "What?" Sa hindi malamang dahilan ay tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng magtama ang aming paningin. Natigilan ako ng ilang sandali. kahit nakamaskara siya ay hindi ko malilimutan Ang mukha niya. Hindi ako maaaring magkamali.. siya yung babae na nakasalubong ko sa sementeryo. Kahit naka scarf siya noon at naka half mask, ngayon ay hindi ko parin malilimutan ang mga mata niya at ang hugis ng kanyang mukha. "Block, lets go." hila niya sa babaeng nakabunggo ko. "What? wait for second, this is exciting! Why don't we introduce ourself to them? Did you know that They are the stongest Gangster in asia. Not only in the asia, pati sa australia ay sila ang undefeatable gang." Balewalang nameywang ang babae at inirapan ako. "So? i don't care who they are and what they are. Im not interested." Nakangiting sabi pa niya. "Aba ang yabang mong babae ka ah! b***h!" Susugurin na sana ito ni Taipan pero pinigilan na siya ni Vipers. "Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo! Itanim mo yan sa kokote mong babae ka!" "Hahaha!" Lahat kami natigilan nang tumawa ito ng wagas at kitang kita sa mga mata niya ang kasiyahan habang tumatawa. "What's funny?" Asar na tanong dito ni Taipan. "Enough for that Taipan. Look miss--" "Blockleidy. Nice to meet you Jared." Kinuha nito ang kanang kamay ko at nakipagkamay. Kumunot ang noo ko sa itinawag niya sa akin. Magsasalita na sana ako nang hilahin siya ng babaeng kasama niya palayo na sa amin. "Kilala ka niya lider." Komento kaagad ni Black Mamba. "Malamang.. Tinawag siyang Jared eh. Sino ba ang babaeng yun. Yung kasama niya. Familiar ang mukha niya. Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita noon. Hmmm?" "You're right Death Adder. Parang.. kahawig niya si.." Sandali itong nag isip at nanlaki ang mga matang tumingin sa amin. 'Kahawig niya si Angelina Jolie!" Akala ko pa naman pareho kami ng iniisip. Imba talaga tong si Taipan. Napailing nalang kaming lahat habang siya naman ay tuwang tuwa. "Haha! Ang galing ko talaga. Di ba? Di ba?" 'Oo na! Talaga yang pag-iisip mo eh no?" Poker face na sabi rito ng boyfriend niya. "Seryoso. May kamukha siya." Seryosong sabi ni Black Mamba. "Hayaan niyo na kung sino ang kamukha nun. Lets go." Kinalimutan na nga namin kung sino ang kahawig ng babaeng masungit na yun. Lahat ng tao ay iisang direksyon lang ang tinatahak. Ang main entrance ng arena. This is it. This is really is it. Mas lalo pang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng arena. Napakaraming tao sa loob at ang laki rin ng Ring na paglalabanan ng mga Gangster. "Whoah! Ang cool dito.!" "Handa ka na ba lider?" I smirk and gave him a serious look. Sa totoo lang. Hindi pa talaga ako handa. Siguro niloloko ko lang ang sarili ko at pinapaniwala na ako nga ang pinaka malakas na Gang lider sa buong asia. Pero alam ko na hinding hindi ko parin matutumbasan ang galing ni Cobra sa pakikipag laban. For me, there's only one Gangster leader who deserve the possition instead of me. And that is her. My Flame.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD