Chapter 5

960 Words
Blockleidy's POV Hindi parin ako makapaniwala na nakaharap ko na ang Serpentes Gangsters. Ang Gang na hinahangaan ko magmula pa noon. Pangarap ko noon pa man na makasama ako sa grupo nila. But sad to say.. mailap ang pagkakataon sa akin. Sa kabilang banda ay maswerte parin ako. Hihihi! Para na rin natupad ang pangarap kong iyon nang makilala ko sya. Pasimple kong tiningnan ang katabi ko. Parang ang lalim ng iniisip niya para hindi mapansin ang mga tao sa paligid na hindi na mahulugang karayom. "Hey, you alright?" Bahagya ko pa syang siniko para lamang mapansin niya. "Tsk! Tsk!" Palatak ko at napailing nalang. "Block, tulungan mo ako." Suddenly natigilan ako. Sya? Humihingi ng tulong sa isang tulad ko? Ow come on! Magsasalita palang sana ako nang magsalita sya ulit. And i didn't expect of what she's asking. She's crazy! Jared's POV "Ladies and gentlemen!" Saglit na tumigil ang emcee nang maghiyawan ang lahat. Pati na ang mga kasama ko ay naghiyawan din. "Welcome to the biggest fight event on ASIA!" "Woooohhhh!!!" Hiyawan ng lahat at nagkakalampagan pa ng kung anu-anong mga bagay na pwedeng mag-ingay. "We all know that the number one and undefeated Gang in ASIA is the Serpentes! But tonight, let us see if their leader still be the only one." Muling naghiyawan at sa pagkakataong ito ay nahaluan na iyon ng booo! But we don't care if they praise or mock us! We only cared about our possition tonight. We can't let any of this bullshit Gangsters takes our place. Dadaan muna sila sa mga bangkay namin bago nila maagaw ang posisyon na pinaghirapang abutin ng mahal ko. Ilang sandali pa ay inanounce na ng emcee kung anong Gang ang unang maglalaban laban. From weakest to strongest. Oklomo Gang, Soul Gang, Kadamichi Gang, Kura Gang at Pampam Gang ang maglalabab laban sa unang round. Ilang sandali pa ay naglalaban laban na ang limang grupo. Kahit sino ay pwedeng atakihin. Huwag lang ang sariling Gangmates mo. Dahil isang maling hakbang mo lang ay out ka na sa laban. Pwede pang mawasak ang grupo mo. Basta ang mahalaga ay ang Gang na pinaglalaban mo ang matitira sa loob ng ring. Halos tumagal ng kalahating oras bago natapos ang unang laban. Soul Gang ang natira. Halos panawan ng ulirat ang mga meyembro nito dahil sa pagod at sugat. Isa na ang pasok at siyam pa ang kailangan. Kaya nine rounds pa bago kami sasabak. May oras pa ang unang nanalo para makabawi ng lakas. And time goes by hanggang nakumpleto na yung sampung Gang na maglalaban laban hanggang sa isang grupo nalang ang matira na lalaban sa amin. "Alright, this is it." Maangas na turan ni Vipers at tumayo saka pinatunog ang mga daliri sa kamay. Ganun din ang ginawa ni Black Mamba. Tahimik naman ako at ang dalawang babae sa grupo namin. Nang biglang pumailanlang sa ere ang matulis na tunog ng micropono. "Hello mic test. Ow? alright. Eherm! Sorry if we will cut your hot excitement. Gangsters, we have an announcement. We have some changes about the fight." Tumigil ito at may kinausap sa likuran niya. Pagdakay humarap ulit ito sa mic. "Well i guess this is more exciting." Saglit itong tumigil Gangsters?" Naghiyawan naman ang lahat bilang sagot. "There's one more Gang who wants to join the fight. And guess what? They came all the way from new york. They don't want to tell us their names so we will call them 'The Visitors.'" Muling naghiyawan, nagkalampagan at nagalit sa inanounce ng emcee ang mga tao sa loob ng arena. "Woohh! Hold on gangsters. Im not done yet. Our Visitors wants to fight the ten Group and the title holder in one round." Nangunot ang noo ko. Nagkatinginan kaming lima at nag uusap ang mga mata. What the hell? Akala ko ba mga lider lang ang maglalaban bandang huli? Bakit ganito ang kinalabasan? Tsk! Madami man ang nagreklamo ay wala rin nagawa dahil pinal na ang desisyon ng presidente ng event. So bale, saba-sabay na kaming lahat na maglalaban laban sa ring. Aaminin ko na ang lakas kumalabog ng dibdib ko sa pagbabagong iyon. Hindi sa takot kalabin ang isang grupo ng gangster, but there is something else that makes my heart skip a beat. Malaki ang ring at kasya kahit dalawampung grupo pa ang maglalaban laban. Nabago din ang bilang ng lalaban. Dalawa lamang sa isang grupo ang sasabak kaya kailangan mamili kung sino ang isasama ko. "Serpents, hindi sa minamaliit ko ang kakayanan ninyo. Pero isa lang ang pwede. Alam ko na malalakas kayong lahat kaya nahihirapan akong pumili. Bilang lider na inilagay ninyong lahat sa harapan niyo ay nangangako ako na lalaban even if it takes my life. Sana maintindihan at matanggap ninyo ang pipiliin ko." Mataman lamang silang nakikinig. Napaka professional nilang apat kaya mahirap talaga mag decide. Humugot pa muna ako ng malalim na paghinga. "Death Adder ikaw ang sasama." Nabigla man sa umpisa pero napangiti din silang apat. "Tama ang desisyon mo lider. Good luck sa fight." Pag chi-cheer pa ni Taipan at ni Vipers. "Win this fight baby, i know how capable you are. I'll see you later." Hinalikan pa muna ito ng boyfriend niya bago niyakap. Ngunit ang hindi namin inaasahan na ang tinutukoy pala na 'The Visitors' ay ang babaeng nakabangga ko kanina at ang kasama nito. Maangas akong tinanguan ng nakabangga ko habang yung kasama naman niya ay nakayuko lamang. "Jared, nararamdaman ko na hindi basta basta ang dalawang ito. Kaya mag-iingat ka. May kutob ako na ikaw ang puntirya nila. Well, lahat naman sila ay ikaw ang puntirya. Hahaha! What i mean is. Good luck Tiger Snake." "Good luck at mag-ingat ka din Heyley." Ilang sandali pa ay sabay na kaming dalawa na pumunta ng ring. Sa ring kung saan naghihintay na ang mga kalaban namin. Hindi ko mapigil ang sarili na sulyapan ang isa sa kanila.. May kung ano sa kanya na nagpapabilis ng pagtibok ng puso ko. Anong meron sayo at nagkakaganito ang puso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD