Blockleidy's POV
This insane! Sumama lang ako dito para manuod. Hindi para lumaban! Hindi ako handa. My God!
Malakas lang kasi sa akin ang babaeng ito kaya hindi ko matanggihan. Hay! kung bakit ba kasi.
Nakuu!
Ewan ko lang!
At nagtipon na nga ang mga Gangster sa ring. Wala naman masyadong rules sa fight. Isa lang ang nagustuhan ko.. yun ay pwedeng pumatay.. hihihi
"Salamat at pinagbigyan mo ako, Block." Nakangiting aniya.
"Suus! Ikaw pa! Eh malakas ka sakin. Basta libre mo ako mamaya ha."
Natawa naman sya sa inasal ko at tumango nalang..
"Hoy! Seryuso ako dun ha! Kapag nagawa natin ang nais mo ngayon, ililibre mo ako ng one month!" Galit galitan kong sabi na ikinatawa pa nya.
"Oo na oo na. Ikaw talaga puro ka kalokohan."
Napanguso ako sa sinabi niya. Kalokohan daw ba yun? Eh sya nga ang luka-luka dito eh..
Anyway let's get back to fight. Ilang sandali nalang ay magsisimula na..
" Mag ingat ka." Makahulugan kong habilin sa kanya at alam na niya ang ibig kong sabihin.
"I will."
Death Adder/Heyley's POV
I felt so proud dahil ako ang napili ni lider para maging partner sa laban. Umasa sya na hindi nya pagsisisihan ang desisyon nyang iyon.
Hindi maganda ang kutob ko sa dalawang bisita na sinasabi nila. Yung isa ang taray. Irapan ba naman ako kanina habang papunta kami sa ring. At yung isa, napaka familiar ng hugis ng mukha niya. Parang...
Inisip ko kung sino yung kahawig ng mukha niya pero napailing nalang ako ng sumagi sa isipan ko si Master Cobra. That's very imposible. Nandun kaming lahat nung binuksan yung ataul nya at ibinaba sa hukay.
Siguro namimiss ko lang sya kaya sumagi sa isipin ko ang mukha ni Master.
"Master.. kung nasaan ka man. samahan mo sana kami ngayon sa laban." Piping hiling ko.
Isang tunog nalang ang hinihintay ng lahat bago magsimula ang labanan.
Lihim kong inobserbahan ang mga kalaban namin. Mukhang mahihina lang naman yung iilan sa sampung grupo.
Dito sa dalawang ito ay nangangamba ako. Ni wala kaming alam kung saang Gang sila nabibilang. Kaya mangangapa kami sa dilim nito.
Napadako ang tingin ko sa isa sa kanila. Inirapan ako nito at ngumisi ng kakaiba.
Bitch!
Yung isa naman ay matamang nakatingin kay lider. May something sa tingin nyang iyon. Hmmm...
*iiiiirrrrrnnnnkkkk!*
Nagsimula na.
Nanatili kaming nakatayo ni lider at hinayaan na unang sumugod ang mga kalaban.
Mas okay na rin ito para makabisa namin kaagad ang kilos at galaw ng kalaban.
May unang susugod sa akin ng sipa. Agad akong napayuko at binirahan ko agad ng malakas na suntok ang hita nito.
Nakangising tumayo ako at nasisiyahang panuorin ang kalaban na namimilipit sa sakit. Hindi lang basta suntok ang ginawa ko. Suot ko ang singsing na iniregalo sa akin ni Master Cobra. Hindi bastang singsing lamang ito. Nagtataglay ng kakaibang lason ang matutulis nitong bato na hinango pa ng gumawa sa Snake Island na pag mamayari din ni Master.
Ilang saglit pa'y nangingisay na ito kaya pinabayaan ko na at hinarap ang mga natigilan na ibang grupo. Napapalunok pa silang nakatingin sa akin.
"Nice one.."
Napabaling ako sa nagsalita at si Block pala iyon.
"Wanna try?" Nakangising alok ko sa kanya..
"No, thanks!" Saka inirapan na naman ako.
Salbahe! Makikita mong babae ka!
I calm myself. Hindi ako ang susugod sa kanya. Hihintayin ko nalang na sya ang susugod sa akin.
Jared's POV
Unang sumugod sa akin yung lider ng huling nanalo.
Susuntukin niya ako pero pasensya nalang sa kanya. Mailap ako.
Agad ko siyang pinasalubungan ng sipa sa gitnang dibdib niya. Habol ang hiningang bumagsak ito sa lapag sapo ang dibdib.
Mabilis ko namang hinarap ang isa pang papansin. Sinalag ko ang paa niya gamit rin ang paa ko. Pero mas mabilis ako kaya daglian ko siyang sinipa sa mukha.
Nakapalibot sa akin ang ilan sa mga lider ng sampung grupo Pagkakaisahan nila akong lahat.
Hinanap ko naman si Death Adder. Kalaban niya ang ilan sa mga pares ng kalaban ko.
Unang sumugod ang tatlo.
Mayroong yuyuko ako, tatalon, iiwas, susuntok at sisipa.
Hindi rin pala basta basta ang mga gunggong na to. Malalakas din sila. Lalo na yung tatlong intsik. Nagpapalitan lang kami ng atake kanina. Pero kagaya ko ay hindi sila bumabagsak.
"Your possition will be mine and i will cut you into pieces!" Matapang na anunsyo ng isa sa kanila at hinugot na niya ang espada mula sa kanyang likod.
"Yaaaahhh!!!"
Pero bago pa man sya makalapit sa akin, bumagsak na ito sa lapag. May kunai na tumama sa noo niya.
Mabilis kong hinanap ang pinanggalingan nun. Doon sa babaing kasama ni Block. Hawak hawak pa niya sa kaliwang kamay ang ulo ng isa sa mga lider habang nagpupumiglas ito sa pagkakawala sa kanya. Nagawa pa niyang ibato ang kunai na iyon sa kalagayan niya?
Nakatingin parin siya sa akin nang tapusin na niya ang hawak na kalaban. Lupaypay na bumagsak sa lapag ang kalaban at wala na itong buhay.
Napadako ang tingin niya sa likod ko at agad na tumakbo.
Tumigil ang mundo ko...
Parang nangyare na to...
Ako ba ang susugurin niya o ang taong nasa likuran ko?
Sa huli ay nangyare na naman ang nangyare noon.
NaPalingon ako sa kanya.
Mabilis niyang naagaw ang katana ng kalaban at isang mabilis na kilos ang ginawa saka hiniwa sa leeg ang kalaban.
"My Flame, ikaw ba yan?" Tanong ko na lamang sa isipan dahil parang nawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo ko sa nangyare.
Katulad ito noong pinagtangkaan akong patayin ni Rhey. Si Daniel ang nasaksak imbis na ako. Kaya namatay siya ng dahil sa akin.
"Tsk, tsk! Stay alert."
Nagising ako mula sa nakaraan. Napamaang ako sa kanya.
Kakampi ba namin sila o kaaway?
Death Adder's POV
May lahing pusa yata ang mga kalaban ko. Kaya hindi na ako nag alangan na ilabas ang katana na dala.
Ang iba kasi sa kanila ay kanina pa ginagamit ang mga dalang patalim. Pinagbibigyan ko lang kanina. At ngayon, tapos na ang laro.
Sinalag ng espada ko ang nanggagalit na patalim ng kalaban. Lumikha iyon ng matinis na tunog nang magsukatan kami ng lakas. Pero hindi ako tanga para patagalin ang laban ko sa kanya. Tinuhod ko ang kanyang pagkalalake at ibinaon ang espada sa kanyang tiyan. Bagsak agad ang loko.
Pinagbigyan ko naman kaagad ang iba pa na naghihintay sa atensyon. Ngumiti pa ako at sumenyas sa kanila ng 'lapit'.
Mga masunurin naman at lahat sila ay sumugod. Pinalibutan nila ako. May tatlong sumugod ng mabilis. Umikot ako at yumuko. Sa pagtindig ko ulit ay may katabi na ako. Magkatalikod kaming dalawa habang nakaumang ang katana ko sa kalaban at sya naman ay naka fighting stand.
"Need help?" Aniya sa akin.
"Tss! Kakampi ba kayo o kalaban?" Hindi ko na napigilang itanong..
"Sabihin nalang natin na... pabor ito galing sa isang kaibigan. Pero wag mong isipin na friends tayo."
"Hmmp!" Irap ko sa kanya. At sinong kaibigan ang sinasabi nito?
Hindi na kami nakapag usap ulit dahil sinugod na kami ng mga kalaban. Magkatulong namin silang pinabagsak. Hindi ko aakalain na magiging kakampi ko ang b***h na to.
Sa huli ay naging tatlo nalang ang kalaban...
Hindi ko na bilang na kalaban ang dalawang bisita dahil nga sa sinabi ni Block.
Naghihiyawan at nagkakalampagan na naman ang mga tao sa arena. Alam na kasi nila kung sino ang panalo.
Napangiti ako sa mga kasama namin na ang lalapad din ng ngiti.
Si lider na nga ang tumapos sa huling kalaban. Lalo pang lumakas ang sigawan at kalabugan ng mga tao.
"Serpentes!"
"Serpentes!"
"Serpentes!"
Pati yung mga kasama namin ay nakikisigaw na rin sa mga tao.
At ngayong apat nalang kami na nasa stage. Hinihintay ng lahat ang susunod na mangyare.
Jared's POV
Apat nalang kami. Masasagot na ang katanungan sa isipan ko kung kalaban ba namin ang dalawang ito o kakampi?
Nakita ko kanina kung paano magtulungan sina Heyley at Block. Ngunit hindi ako kampante. Ayoko magtiwala. Nadala na ako ng pagtitiwalang yan.
Natitinginan kaming apat at lihim na pinakikiramdaman ang ikikilos ng bawat isa.
Nang biglang...
"Ha!"
Umugong ang malalim na tunog at mga boses ng mga nagtatakang manunuod.
Nabalot ng kadiliman ang buong arena.
Walang akong makita. Hindi ako sanay sa dilim.
Eto na ba ang huling round ng laban?
Maglalaban kami sa dilim?
"Lider."
Naririnig ko ang boses ni Heyley. Alam kong nakikita niya ako dahil sinanay sila ni Daniel sa dilim.
F*ck! Paano ako lalaban kung wala akong nakikita?
Sinanay ko ang paningin sa dilim pero wala talaga akong makitaa.
Nang matigilan ako. Nararamdaman kong may lumalapit sa akin. Hindi ako sigurado kung si Heyley ito o kalaban.
Tumigil ang tao sa harapan ko. Ramdam ko ang hininga niya.
"Lider!"
Huh! Boses iyon ni Heyley! Malayo siya sa akin kaya nasisiguro kong hindi si Heyley ang nasa--
*tsup!*
Hinalikan nya ako sa labi!
Nanigas ako. Hindi ko alam ang gagawin. Ang bilis kumalabog ng puso ko. Sino ang taong ito? Hindi kaagad ako nakakilos. Akmang hahawakan ko ang taong iyon pero wala akong makapa!
Mayamaya pa'y nasisilaw na ako sa tindi ng liwanag na nagmumula sa spotlight.
Agad akong tumingin sa tabi ko.
"Huh? Nasaan na?"
Wala naman akong katabi. Pero sigurado akong.. may lumapit sakin at hinalikan ako sa labi!
"Lider okey ka lang? Namumutla ka.." nag aalalang tanong ni Heyley ng makalapit na ito sa akin.
"Nasaan na yung dalawa?" Inilibot ko agad ng tingin ang paligid. Hindi ko makita ang dalawang babae.
"B-bigla s-silang nawala nung namatay ang ilaw." Nauutal na turan niya.
Kung hindi isa sa dalawa ang humalik sa akin..
Eh sino?