Renei's POV Kaagad naming naisugod sa Emergency si Jared. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak sa sinapit niya. "Renei, magiging okay lang siya. Ipanatag mo ang loob mo." "Salamat Jil. Pwede na kayo magpahinga. Ako nalang bahala dito. Tawagan niyo nalang ang Mommy niya." Sabi ko at pinahid ang aking pisngi na hilam sa luha. "Hmm. Gagawin namin yan. Pero hindi ka namin hahayaan na mag-isa dito." "Tama si Steff. Sasamahan ka namin hanggang sa magising si Jared. Bibili lang kami sa labas ng pagkain." Sabi ni Heyley at sabay na silang dalawa na umalis. Naiwan kaming tatlo nina Jil Lord at Maury. Mayamaya pa'y humahangos na dumating si Hanna. "Jil, anong nangyare kay Jared? Okay lang ba sya? Ano sabi ng doktor?" "Huminahon ka Hanna, hindi pa nakakalabas ang doktor. Hintayin nalang natin ma

