Jared's POV F*ck! Bakit at paano ako napunta sa lugar na to? Pagmulat ko ng mata kanina nakaupo at nakatali na ako sa upuang bakal na to. Mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay at paa ko. Madilim ang paligid at ang tanging ilaw lang ay ang nasa taas ng ulo ko. "Hoy Eras, umayos ka. Parating na si Boss." "Sinong boss? Bakit niyo ginagawa sakin ito?" "Manahimik at maghintay ka nalang. Malalaman mo rin mamaya." "Pakawalan niyo ako at lumaban kayo ng patas!" Sigaw ko at muling pumalag. Ngunit wala na akong nakuhang sagot mula sa isang tao na tinatago ng kadiliman. Hindi na ako nagsayang pa ng lakas. Kinalma ko ang aking sarili at nakiramdam sa paligid. Alam kong marami sila at tahimik lang na binabantayan ako. Mayamaya ay bumukas ang pinto at nagkalat ang liwanag sa buong paligid. Pumiki

