Renei's POV "Bessy, samahan mo ko sa mall mamaya ha?" Masasabi kong okay na ngayon si Denvier. Nabura na kasi sa alaala niya ang mga masamang nangyare sa kanya sa kamay ng mga Exudos. Ang lahat ng iyon ay dahil sa Hypnotism session na ginamit sa kanya. Hindi na rin kami pumayag na bumalik siya sa VHigh para mag-aral. Home study ang ipinasya ng Daddy nila para makapag tapos siya ng pag-aaral hanggat hindi natatapos ang problema namin sa Exudos. "Sige, pero dapat kasama sina Elqui at kuya Dave mo." "Bakit pa? Gusto kong dalawa lang tayo eh." Sumingit naman kaagad sa usapan ang Boyfriend niya. "Ayaw mo bang makasama ako?" Nagtatampo kunyaring sabi nito sa kanya. "Hala, hindi no. Gusto ko lang maglibot libot sa mall kasama ang bestfriend ko. Saka na tayo mag date. Masyado ka namang at

