Jared's POV Nananaginip ba ako? s**t naman! Pwede bang gisingin niyo nalang ako? Hindi siya totoo di ba? Panaginip lang to.. Please Jared, magising ka na. Magising ka na sa panaginip mong ito. "N-no, you're not real. H-hindi ka to-totoo.." Nautal kong sabi. "J-jared." "D-Daniel, totoo ka ba?" Hindi ko alam ang gagawin. Sinubukan kong hawakan ang pisngi niya pero binabawi ko rin agad ang kamay sa pag-aalinlangan. Patuloy na tumutugtog ang kantang matagal na tumatak sa puso ko. Napatawa ako. Sinong niloko ng babaeng ito? Patay na si Daniel. Paanong magiging siya yung taong matagal nang patay? "Pwede ba miss, humanap ka ng ibang mapag tripan mo?" Tumayo ako saka umalis doon sa bench. Naiwan siya sa loob at wala akong pake sa kanya. Ang lakas ng trip niya. May paiyak-iyak pa siya

